18/06/2025
Ang Bulwagan ng Pagsulong at Pag-asa ay bukas para sa mga mag-aaral mula Lunes hanggang Sabado, 9:00 AM hanggang 9:00 PM.
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na gamitin ang Bulwagan ng Pagsulong at Pag-asa bilang lugar para sa pag-aaral, group study, pananaliksik, o tahimik na pagbabasa.
Maari ninyong magamit ang mga serbisyong iniaalok ng Bulwagan ng Pagsulong at Pag-asa gaya ng:
• Libreng WiFi access
• Libreng DOST-STARBOOKS access
• Libreng paggamit ng computers para sa research at schoolwork
Paalala lamang na panatilihin ang kaayusan at sumunod sa mga patakaran ng Bulwagan ng Pagsulong at Pag-asa habang ginagamit ang mga pasilidad.
Malugod namin kayong inaanyayahan. Sama-sama tayong magtaguyod ng mas produktibong espasyo para sa pag-aaral!