18/09/2026
๐๐ก๐จ๐ก๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ ๐๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ: ๐ช๐๐ง๐๐ฅ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฃ๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ
Magandang araw po sa ating mga Ka-Barangay!
Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay San Roque na magsasagawa ang Manila Water ng Emergency Leak Repair Activity sa Brgy. San Roque, na maaaring magdulot ng pansamantalang pagkaantala o pagbaba ng presyon ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng ating barangay.
Iskedyul ng Aktibidad:
Setyembre 18, 2026 (Biyernes), 9:00 PM
hanggang
Setyembre 19, 2026 (Sabado), 4:00 AM
Mga Lugar na Apektado:
Along Sta. Ana, Chestnut, Almond Nut, Betel Nut, Gil Fernando, Walnut, at Hazel Nut.
Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat ng residente na maghanda at mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan habang isinasagawa ang nasabing pagkukumpuni.
Hinihiling po ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Para sa mga katanungan o karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng Manila Water.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.