04/06/2026
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”
Talagang nakakataba po ng puso ang patuloy na suporta ng ating mga lingkod bayan.
Maraming maraming salamat po kay Hon. Mayor Marjorie Ann “Maan” A. Teodoro sa kanyang napakalaking tulong para sa ating Brigada Eskwela 2026. 💙
Bilang bahagi ng kanyang malasakit, nagkaloob siya sa ating paaralan ng Kalumpang National High School ng mga kagamitang panlinis at pang maintenance para sa paaralan.
Tulad ng isang paru paro na sumisimbolo sa pagbabago at bagong simula, ang kanyang suporta ay naging bahagi ng ating layunin na unti unting pagandahin at ihanda ang ating paaralan para sa panibagong yugto ng pagkatuto ng ating mga mag aaral.
Sa simpleng mga kagamitang ito, napakalaki na ng maitutulong upang mapanatiling malinis at maayos ang ating paaralan para sa pagbabalik ng ating mga mag aaral.
Ang ganitong malasakit ay tunay na nagbibigay inspirasyon. Ipinapakita nito na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas nagiging matibay ang ating layunin para sa kinabukasan ng kabataan.
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa. Anumang tulong, oras, o donasyon ay mahalaga. Sama sama po nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa ating paaralan.
Maraming salamat po, Mayor Maan, sa inyong walang sawang suporta! 💙
� �