Marion Andres

Marion Andres Official page of Marion Andres, M.D.

Isang pasyente ang dumulog sa Alagang Marikina City Medical Clinic para magpatingin. Habang siya ay kinakausap at ina-as...
08/09/2026

Isang pasyente ang dumulog sa Alagang Marikina City Medical Clinic para magpatingin. Habang siya ay kinakausap at ina-assess, ibinahagi niya ang kanyang kuwento tungkol sa kanyang pamilyaโ€”isang kuwento ng sunod-sunod na pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.

Mga mabibigat na pagsubok sa kanilang mag asawa at pamilya;

Ang kanyang apo, 23 taong gulang, ay pumanaw dahil sa leukemia.

Ang kanyang anak, 40 taong gulang, ay pumanaw naman dahil sa cancer of the bone.

At ang isa pa niyang anak ay pumanaw naman dahil sa heart attack sa edad na 48.

Sa bawat pagbanggit niya sa mga pangyayaring ito, mararamdaman ang bigat ng mga pagkawala nila. Hindi madaling mawalan ng anak at apoโ€”mga taong bahagi ng kanyang buhay at mga alaala.

Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit at pagsubok, patuloy silang bumabangon at pinipiling alagaan ang kanilang sarili.

Ang kanyang kuwento ay paalala sa ating lahat na mahalaga ang ating kalusugan. Huwag hintaying lumala ang nararamdaman bago magpatingin. Ang regular na check-up at maagang pagtuklas ng sakit ay mahalagang hakbang sa pangangalaga ng buhay.

๐’๐š ๐€๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ค๐ข๐ง๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐‚๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐œ, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐ข๐ง๐š๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฆ๐๐š๐ฆ๐š๐งโ€”๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ง๐ ๐ ๐š๐ง ๐๐ข๐ง ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฒ๐ž๐ง๐ญ๐ž.

Dahil sa likod ng bawat pasyente ay may kuwento, may pamilya, may pinagdadaanan, at may buhay na dapat pahalagahan. ๐Ÿงก

Alagang Marikina City โ€” Serbisyong Pangkalusugan, Malapit sa Puso ng Marikeรฑo.


Cold o warm compress? Alamin kung alin ang angkop sa iyong nararamdaman. Ang cold compress ay para makatulong sa pamamag...
07/09/2026

Cold o warm compress? Alamin kung alin ang angkop sa iyong nararamdaman. Ang cold compress ay para makatulong sa pamamaga at pananakit, habang ang warm compress ay nakatutulong sa pananakit at paninigas ng kalamnan. ๐Ÿงก๐Ÿ’™

Tamang kaalaman, tamang pag-aalaga!

May isang pasyente na nagtungo sa Alagang Marikina Medical Clinic upang magpa-check-up. Ayon sa kanya, nababad siya sa b...
04/09/2026

May isang pasyente na nagtungo sa Alagang Marikina Medical Clinic upang magpa-check-up.

Ayon sa kanya, nababad siya sa baha noong nakaraang habagat dahil kinailangan niyang lumusong sa baha bilang bahagi ng kanyang trabaho.

Sa isinagawang assessment at check-up ng ating medical team, nakitaan siya ng mga sintomas na maaaring kaugnay ng Leptospirosis.

Dahil dito, agad namin siyang inirefer sa ospital upang maisagawa ang kinakailangang pagsusuri at mabigyan ng agarang gamutan bago pa lumala ang kanyang kondisyon.

Huwag balewalain ang mga sintomas lalo na kung ikaw ay nababad o lumusong sa baha.

Ang maagap na pagpapatingin at tamang gamutan ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.


Alagaan ang bato, iwas dialysis! ๐ŸงกKontrolin ang blood sugar at blood pressure, kumain nang wasto, uminom ng sapat na tub...
03/09/2026

Alagaan ang bato, iwas dialysis! ๐Ÿงก

Kontrolin ang blood sugar at blood pressure, kumain nang wasto, uminom ng sapat na tubig, maging aktibo, iwasan ang maling paggamit ng gamot, at magpa-regular check-up.

Maliit na hakbang araw-araw, malaking tulong para sa malusog na bato! ๐Ÿ’™

Akala nila simpleng pagkadulas langโ€ฆ ngunit may mas seryosong senyales palang nakita. ๐ŸงกNadulas si Nanay sa kanilang baha...
02/09/2026

Akala nila simpleng pagkadulas langโ€ฆ ngunit may mas seryosong senyales palang nakita. ๐Ÿงก

Nadulas si Nanay sa kanilang bahay kaya agad siyang dinala ng kanyang mga kasama sa Alagang Marikina Medical Clinic upang magpatingin.
Sa isinagawang check-up at assessment, napansin ng ating healthcare team ang mga senyales na maaaring indikasyon ito ng stroke.

Agad nating ipinaalam sa kanyang mga kasama na kailangan siyang madala sa ospital para sa mas masusing pagsusuri at agarang gamutan, upang maiwasan ang paglala ng kanyang kondisyon at mga komplikasyon. Agad ding tinawagan natin ang Marikina Rescue 161 upang mabilis at ligtas siyang maihatid sa ospital.

Sa stroke, bawat minuto ay mahalaga. Huwag balewalain ang anumang biglaang pagbabago sa kilos, pagsasalita, mukha, o lakas ng katawan.

Sa Alagang Marikina City โ€” laging handang umagapay, dahil ang bawat buhay ay mahalaga.


31/08/2026

MAAYOS ANG MARIKINA DAHIL TULONG-TULONG TAYO ๐Ÿ’™

Maraming salamat sa ating mga kawani ng Marikina LGU, volunteer organizations, at higit sa lahat, sa bawat taga-Marikina na nakipagtulungan para mabilis nating maibalik sa ayos ang ating lungsod matapos ang habagat.

Hindi tayo perpekto bilang lungsod. Marami pa tayong kailangang ayusin at pagbutihin. Pero sa bawat pagsubok, lagi nating napapatunayan na walang titibag sa tatag at pagtutulungan natin.

Taas-noong isisigaw sa mundo, taga-Marikina tayo!

BAYANI SA GITNA NG HAMON. ๐Ÿ’ช๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa bawat sakuna at pagsubok, muling ipinakita ng ating mga kababayan ang tunay na diwa ng b...
30/08/2026

BAYANI SA GITNA NG HAMON. ๐Ÿ’ช๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa bawat sakuna at pagsubok, muling ipinakita ng ating mga kababayan ang tunay na diwa ng bayanihan. Sama-samang kumikilos, nagtutulungan, at umaalalay sa isaโ€™t isa upang makabangon.

Ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa ang ating lakas sa anumang hamon. ๐Ÿงก๐Ÿ’™

30/08/2026
30/08/2026
30/08/2026

Address

Kalumpang
Marikina City
1801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marion Andres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share