01/06/2026
Tingnan:
Tulong-Aral, Tulong-Buhay: Sama-Samang Pagkalinga Para sa Kabataang Concepcion Uno
Sa pangunguna ng Cornerstone Community Church, katuwang ang Sangguniang Barangay of Concepcion Uno, isinagawa ang distribution of school supplies at feeding program para sa mga batang benepisyaryo na ginanap sa Col. Divino Street, Concepcion Uno.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng suporta sa mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan, pati na rin ang pagbibigay ng masustansyang pagkain upang mapalakas ang kanilang kalusugan at sigla sa araw-araw na pag-aaral.
Maraming salamat sa Cornerstone Community Church sa patuloy na malasakit at pakikiisa sa mga programa ng ating barangay para sa kapakanan ng bawat pamilya at kabataan. ๐