10/05/2022
Taos pusong pasasalamat po, Distrito Dos. Hindi man tayo pinalad, hindi ibig sabihin ay tapos na tayong maglilingkod at tutulong sa tao. Isang karangalan po para sa akin na tumakbo bilang Konsehal sapagkat mas marami po akong natutunan at nakilalang tao.
Sa mga kamag-anak, kaibigan, ka-barangay, sa Team Leal at Green Team na tumulong, sumuporta, at nag tiyaga kahit umulan man o umaraw, maraming salamat sa inyo. Lalong lalo na po kay Congresswoman Teacher Stella Quimbo at Team Performance.
Muli po ang inyong lingkod, Kap. Randy Leal.