01/10/2025
Inna lillahi wa inna ilaihi rajiun. We will never forget you sir.
𝗕𝗧𝗔 𝗣𝗮𝗿𝗹𝗶𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗔𝗹𝗶 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗶𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗻𝗱𝗼𝗻𝗴, 𝗽𝘂𝗺𝗮𝗻𝗮𝘄 𝗻𝗮!
Inna Lillahi wa Inna Ilayhi Raji'un
Pumanaw na si Atty. Ali Pangalian Macaorao Balindong, Speaker ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament, sa edad na 85-taong gulang, nitong madaling-araw ng Huwebes, Oktubre 2.
Si Speaker Balindong ay isa sa mga pinakarespetadong haligi ng Bangsamoro Parliament at kilalang beteranong mambabatas na matagal nang naglingkod sa kapakanan ng mamamayang Moro. Bago italaga bilang Speaker ng BTA, nagsilbi rin siya bilang Deputy Speaker ng House of Representatives at ilang beses na naging kinatawan ng Unang Distrito ng Lanao del Sur.
Isa si Balindong sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Bangsamoro Organic Law (BOL) — ang batas na naging susi sa pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), isang mahalagang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan at sariling pamamahala ng mga Moro sa Mindanao.
Ipinanganak noong Enero 1, 1940, si Balindong ay kabilang sa mga kilalang Maranaw na nagsulong ng adbokasiya para sa karapatan, kapayapaan, at kaunlaran ng Bangsamoro sa pambansang antas ng politika.
Lubos ang dalamhati ng kanyang mga kasamahan sa BTA Parliament, mga opisyal ng BARMM, at ng buong Bangsamoro Region sa kanyang pagpanaw. Inilarawan siya bilang isang ama ng Bangsamoro Parliament, tagapagsulong ng makataong pamamahala, at matibay na haligi ng batas at hustisya.
Inna Lillahi wa Inna Ilayhi Raji’un. Paalam, Speaker Balindong. Maraming salamat sa iyong walang kapantay na serbisyo para sa Bangsamoro.