Marawi City Bayan Patrol

Marawi City Bayan Patrol Community service for Marawi City residents and the entire Filipinos

Be kind and courteous

PNP FOILS ALLEGED SMUGGLING ATTEMPT, RECOVERS ₱16.1M CI******ES IN LANAO DEL SURThe Philippine National Police (PNP) rep...
23/04/2026

PNP FOILS ALLEGED SMUGGLING ATTEMPT, RECOVERS ₱16.1M CI******ES IN LANAO DEL SUR

The Philippine National Police (PNP) reported the recovery of an estimated ₱16.1 million worth of alleged smuggled ci******es following the discovery of three abandoned trucks in Malabang, Lanao del Sur in the early hours of April 21, 2026.

Acting on a tip from a concerned citizen, personnel of the Malabang Municipal Police Station, together with supporting units, responded to a vacant lot in Brgy. BPS Village at around 4:50 AM.

Upon arrival, authorities found three trucks left unattended and without documents. A subsequent inspection revealed that the vehicles, loaded with coconuts, also contained hundreds of master cases of ci******es believed to have been smuggled into the area.

A total of 403 master cases of ci******es were recovered from the site. The items are now under the custody of the local police for proper documentation and will be turned over to the Bureau of Customs. Investigation is ongoing to identify the individuals behind the shipment.

PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., commended the swift response of the operating units and underscored the importance of sustained operations against smuggling.

“Ito ay malinaw na mensahe na patuloy tayong kikilos laban sa mga gawaing sumisira sa ating ekonomiya at sa kapakanan ng mamamayan. Our police on the ground acted quickly, and that made all the difference,” PGen Nartatez said.

“Sa bawat ganitong operasyon, ipinapakita natin na hindi tayo titigil. We will continue to work closely with our partner agencies and the community to keep our borders and our markets protected,” he added.

The operation forms part of intensified efforts under PNP Focused Agenda, particularly on Enhanced Managing Police Operations in support of the broader directives of President Ferdinand R. Marcos Jr. to curb smuggling and protect lawful trade.

The PNP assures the public that efforts will continue to track down those responsible, while encouraging citizens to report suspicious activities in their communities. This accomplishment reflects the continuing commitment of the organization to uphold “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

(PNP-PIO)

Source: Philippine National Police
📷 Shared Online

Grabe! Kahit mga babae hindi pinatawad!Kakaiba talaga ang tatak bangag!Dalawang babaeng nagjo-jogging, patay matapos bar...
23/04/2026

Grabe! Kahit mga babae hindi pinatawad!
Kakaiba talaga ang tatak bangag!

Dalawang babaeng nagjo-jogging, patay matapos barilin sa Lanao del Norte

Dalawang mga dalaga ang nasawi matapos na barilin ng dalawang lalaking suspek, alas 6:45 ng umaga kahapon sa Purok 3, barangay Muntay, Kolambogan, Lanao del Norte.

Sa report mula sa Lanao del Norte PNP, nagjo-jogging lang ang dalawang dalaga sa highway nang barilin sila ng dalawang suspek. Habang papatakas ang mga suspek, may binaril pa silang dalawang indibidwal sa lugar.

Mariin namang kinondena ng mga residente sa lugar ang pamamaril. Nahagip sa CCTV ang pamamaril na sinusuri na ngayon ng PNP.

Agad naman nagsagawa ng pursuit operation ang PNP at siniguro sa publiko na gumagawa na ng hakbang ang PNP para mahuli ang mga suspek.

Repost from Central Mindanao News Online

23/04/2026

Siguradong excited ang mga taga Bukidnon sa kanilang bagong airport 👇

Bukidnon Airport flights targeted by December 2026.

ANG PAKIKINIG NG MUSIKA, PAGDALO AT PAGKANTA AY BAWAL (HARAM) SA RELIHIYONG ISLAM.Sinabi ng Imam ng Mufassiroon na si Im...
23/04/2026

ANG PAKIKINIG NG MUSIKA, PAGDALO AT PAGKANTA AY BAWAL (HARAM) SA RELIHIYONG ISLAM.

Sinabi ng Imam ng Mufassiroon na si Imam At-Tabari: ❝Nagkaisa ang lahat ng mga Ulamâa (mga pantas sa Islam) sa pagbabawal ng musika.❞

Bakit nga ba bawal ang musika sa Islam? Ito ay dahil sinabi ng Allâh sa Banal na Qur’an:

قَالَ تَعَالٰى : ﴿ وَمِنَ النَّاسِ مَن يَشْتَرِي لَهْوَ الْحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًا ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُّهِينٌ ﴾ سورة لقمان ، رقم الآية : ٦

﴾At mayroon sa mga tao na bumibili ng walang kabuluhan na mga pananalita – na ito ay ang anumang naglilihis mula sa pagsunod sa Allâh at humaharang sa Kanyang pagmamahal – upang iligaw nila ang mga tao mula sa Daan ng Gabay patungo sa lihis na landas at pinagtatawanan ang mga talata ng Allâh. Ang para sa kanila ay parusa na magpapababa at magpapahamak sa kanila.﴿ Qur’an 31:6

Sa âyah (verse) na ito malinaw na sinabi ng Allâh na ang musika ay isang uri ng pagliligaw sa landas ng Allâh, dahil ang musika ay alak ng puso kaya nitong baguhin ang emosyon ng tao halimbawa na lamang yong kanta ng iniwan siya ng kanyang minamahal mararamdaman ng kanyang puso na siya ay nasasaktan, kapag ang kanta naman ay patungkol sa pagmamahal nararamdaman niya rin na mayroon siyang minamahal.

Sinabi ni Ibn Mas’uod, Ibn Abbas, Jabir (ra), Ekrimah, Sa’eed Bin Jubair, Mujahid, at iba pang mga Sahâbah at Tabi’oun: ❝Ang tinutukoy sa âyah na ito na walang kabuluhang salita ay ang musika.❞ Tabari at Ibn Katheer

Ang salitang (binibili nila); Sabi ni As-Sa’die: ❝Ang kahulugan nito ay labis silang nahumaling sa musika, at handa silang bilhin pa ito o bayaran ng anumang halaga.❞

Ang mga taong yaon ay naliligaw ng landas nang hindi nila namamalayan, at naililigaw pa nila ang iba, nang dahil sa musika, kaya naman; para sa kanila ang kasindak-sindak na parusa.

Ang pag-awit ay tumutukso sa mga tao na mangalunya.

عَنِ الْحُسَيْنُ بْنُ عَبْدِ الرَّحْمَنِ قَالَ : قَالَ فُضَيْلُ بْنُ عِيَاضٍ رضي الله عنه : ❞ الْغِنَاءُ رُقْيَةُ الزِّنَا ❝

Si Al-Husayn Ibn AbdirRahman ay nag-ulat: Si Al-Fudayl Ibn 'Iyâdh (nawa'y kalugdan siya ng Allâh, ay nagsabi: ❝Ang pag-awit ay ang panawagan ng mga mangangalunya.❞ Pinagmulan: Dhamm al-Malâhī Li-Ibn Abi Ad-Dunyâ: 55

Ayon sa snabi ni Al-fudayl Ibn ‘Iyâdh na ang pag-awit daw ay ang panawagan ng mga pangangalunya (zinâ) at ang zinâ ay pinagbawal ng Allâh, mahigpit na ipinagbawal sa Islam sinabi ng Allâh sa Banal na Qur’an:

قَالَ تَعَالٰى : ﴿ وَلَا تَقْرَبُوا الزِّنَا ۖ إِنَّهُ كَانَ فَاحِشَةً وَسَاءَ سَبِيلً ﴾ سورة الإسراء ، رقم الآية : ٣٢

﴾At huwag kayong lumapit sa pakikiapid na gawain at sa anumang magiging daan tungo rito; upang hindi kayo makagawa nito, dahil katiyakang ito ay karumal-dumal na gawain at napakasamang pamamaraan.﴿ Qur’an 17:32

Sinabi rin sa Hadith ng Propeta Muhammad ﷺ:

عَنْ أَبِي مَالِكٍ الْأَشْعَرِيِّ قَالَ قَالَ رَسُولُ اللَّهِ ﷺ : ❞ لَيَشْرَبَنَّ نَاسٌ مِنْ أُمَّتِي الْخَمْرَ يُسَمُّونَهَا بِغَيْرِ اسْمِهَا يُعْزَفُ عَلَى رُءُوسِهِمْ بِالْمَعَازِفِ وَالْمُغَنِّيَاتِ يَخْسِفُ اللَّهُ بِهِمْ الْأَرْضَ وَيَجْعَلُ مِنْهُمْ الْقِرَدَةَ وَالْخَنَازِيرَ ❝

Si Abu Malik Al-Ashari ay nag-ulat: Ang Sugo ng Allâh (ﷺ) ay nagsabi: ❝Ang ilang mga tao mula sa aking nasyon (ummah) ay iinom ng alak, na tinatawag ito sa iba’t ibang mga pangalan, at ang mga instrumentong pangmusika ay patutugtog para sa kanila, at ang mga batang babae ay aawit sa kanila. Ipapalamon sila ng Allâh sa lupa, at gagawin Niya ang ilan sa kanila na mga unggoy at baboy.❞ Sunan Ibn Mâjah: 4020 | Marka: Sahih (tunay) ayon kay Ibn Al-Qayyim

Sa hadith na sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ:

❞ مَنْ سَنَّ فِي الإِسْلاَمِ سُنَّةً حَسَنَةً فَعُمِلَ بِهَا بَعْدَهُ كُتِبَ لَهُ مِثْلُ أَجْرِ مَنْ عَمِلَ بِهَا وَلاَ يَنْقُصُ مِنْ أُجُورِهِمْ شَىْءٌ وَمَنْ سَنَّ فِي الإِسْلاَمِ سُنَّةً سَيِّئَةً فَعُمِلَ بِهَا بَعْدَهُ كُتِبَ عَلَيْهِ مِثْلُ وِزْرِ مَنْ عَمِلَ بِهَا وَلاَ يَنْقُصُ مِنْ أَوْزَارِهِمْ شَىْءٌ ❝ ‏

Pagkatapos ang Sugo ng Allâh (ﷺ) ay nagsabi: ❝Siya na nagpakilala ng ilang mabuting gawain sa Islam na sinundan pagkatapos niya (ng mga tao) siya ay makatitiyak ng gantimpala tulad ng isang sumunod dito, nang hindi nababawasan ang kanilang mga gantimpala sa anumang aspeto. At siya na nagpakilala ng ilang masamang gawain sa Islam na sinundan pagkatapos (ng iba), siya ay kinakailangan na pasanin (kasalanan) ang pasanin tulad ng isa na sumunod dito (masamang gawain) nang hindi nababawasan ang mga ito sa anumang aspeto.❞ Saheeh Muslim: 1017

Sa Hadith naito kung sino ang nag pakilala o nagbahagi ng mabuting gawain halimbawa na lamang ang salâh ang (pagdarasal) binahagi niya ito sa mga tao at sumunod sila, ang taong nag bahagi na iyon ay mag kakaroon ng gantimpala tulad ng sumunod sakanya at kung sino naman ang nag bahagi ng masamang gawain halimbawa dinala sa haram na lugar para makinig ng music o kahit ano na bawal sa Islam siya ay magkakasala at makukuha niya rin ang kasalanan tulad ng sumunod sakanya.

Ang musika ay pinagbabawal sa Islam maraming mga Ulamâa ng Ahlus Sunnah Wal Jamâ’ah (na maalam sa Relihiyong Islam) ay palagi nilang pinapaalalahanan na ang musika ay haram marahil may ibang mga tao na magsasabi na bakit si fulan o si fulana kumakanta rin at muslim siya, hindi po basihan yung tao sa relihiyong Islam kundi ang Qur’an at ang Sunnah (Hadith mga sinabi ng Propeta muhammad ﷺ).

❞ تَرَكْتُ فِيكُمْ أَمْرَيْنِ لَنْ تَضِلُّوا مَا تَمَسَّكْتُمْ بِهِمَا كِتَابَ اللَّهِ وَسُنَّةَ نَبِيِّهِ ❝

Iniulat ni Imam Malik: Ang Sugo ng Allâh (ﷺ) ay nagsabi: ❝Iniwan ko sa inyo ang dalawang bagay na hinding-hindi magliligaw sa inyo, hangga’t pinanghahawakan ninyo ang mga ito: ang Aklat ng Allâh at ang Sunnah ng kanyang Propeta.❞ Al-Muwaṭṭa’: 1661 at ito ay Saheeh ayon kay Ibn Abdulbarr

PAALALA: Ito po ang katotohanan na ang musika ay bawal na bawal sa Relihiyong Islam wala po akong pinapatamaan ito ay paalala sa bawat isa at hindi rin po ako kabilang sa mga Ulamâa, Ustad at Sheikh isa lang din po akong estudyante alhamdu lillâh bilang panghuli sinabi sa Hadith na kung saan sabihin ang katotohanan kahit ito ay mapait.

عَنْ أَبِي ذَرٍّ ‏رضى الله عنه ‏قَالَ : قَالَ لِي رَسُولُ اَللَّهِ ‏: ❞ قُلِ اَلْحَقَّ , وَلَوْ كَانَ مُرًّا ❝ صَحَّحَهُ اِبْنُ حِبَّانَ فِي حَدِيثٍ طَوِيلٍ

صحيح ، رواه ابن حبان ( ٣٦١ و ٤٤٩ )‏ ، وله طرق عن أبي ذر ، وله شاهد أيضا .

Isinalaysay ni Abu Dharr (kalugdan nawa siya ng Allâh), ang Sugo ng Allâh (ﷺ) ay nagsabi sa akin: ❝Sabihin ang katotohanan kahit na ito ay mapait (i.e. mahirap tanggapin).❞ Ibinigay ito ni Ibn Hibban bilang Saheeh (tunay) bilang bahagi ng isang mahabang Hadith.

Totoo. Ito ay isinalaysay ni Ibn Hibban (361 at 449), at mayroon itong mga pagsasalaysay sa awtoridad ni Abu Dharr, at mayroon din itong saksi.

Halimbawa dito na kapag ikaw ay may sakit sabihin na nating lagnat kaylangan mong uminom ng gamot na paracetamol hindi bat ang lasa nito ay mapait ngunit iinumin mo ito para ikaw ay gumaling, ganon din po ang post na ito ay paalala lamang sa mga kamusliman masakit o mahirap tanggapin ngunit ito ay katotohanan.

WALLÂHU A’LAM

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

Ito ang komento ni Atty. Rowena Guanzon sa pagbabalak ng mga kongresista na buksan ang isang box na naglalaman ng Income...
22/04/2026

Ito ang komento ni Atty. Rowena Guanzon sa pagbabalak ng mga kongresista na buksan ang isang box na naglalaman ng Income Tax Returns nina Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Mans Carpio.

Kahit na iginiit ng BIR na hindi maaaring buksan at inspeksyunin ang Tax Records, pinagbotohan pa rin ng Justice Committee na buksan ang box at tingnan ang mga nakalagay dito.

Ayon sa BIR, hindi kabilang ang "Impeachment" sa mga pinapayagang buksan ang box para ilabas ang tax records, dahil karaniwan lamang itong pinapayagan kung ito ay “in aid of legislation.”

Sa huli, ipinagpaliban ng Justice Committee ang pagbubukas ng Box.

22/04/2026

Ang never ending issue ng proper grabage disposal sa Marawi 👇

Panawagan ng mga residenti ng Lancaf sa LGU Marawi na baka daw magawaan ng paraan para matigil ang mga nagtatapon ng basura sa may area ng ILS gaya ng nasa video

P**i share po

Inatasan ng Korte Suprema ang kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Acting Executive Secretary Ralph Recto na mag...
22/04/2026

Inatasan ng Korte Suprema ang kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Acting Executive Secretary Ralph Recto na magsumite ng kanilang komento sa loob ng 10 araw kaugnay ng petisyon na humihiling na sumailalim ang Pangulo sa physical at mental examination, kabilang ang hair follicle drug test.

Sa petisyong inihain nina Pantaleon Alvarez at iba pa, ino-obliga ang Pangulo na ilahad sa publiko ang resulta ng kanyang medical examination bilang patunay ng kanyang kakayahang gampanan ang tungkulin bilang punong ehekutibo.

Pero paglilinaw ng Supreme Court, hindi pa ito nangangahulugan ng pagtanggap o pag-apruba sa petisyon, kundi bahagi lamang ng proseso upang mabigyan ng pagkakataon ang mga respondent na magpaliwanag.

𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬Per Memorandum No. 034-OP Series of 2026, Mindanao State University - Main Campus is implementing a temporary cu...
22/04/2026

𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬

Per Memorandum No. 034-OP Series of 2026, Mindanao State University - Main Campus is implementing a temporary curfew and adjusting bazaar schedules effective immediately.

To ensure the safety and welfare of the entire MSU community, please take note of the following guidelines:

𝗖𝘂𝗿𝗳𝗲𝘄 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀: 𝗔𝗹𝗹 𝘀𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗺𝘂𝘀𝘁 𝗼𝗯𝘀𝗲𝗿𝘃𝗲 𝗮 𝗰𝘂𝗿𝗳𝗲𝘄 𝘀𝘁𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝟵:𝟬𝟬 𝗣𝗠, 𝘂𝗻𝗹𝗲𝘀𝘀 𝗱𝗲𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝘂𝗿𝗴𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗿 𝗻𝗲𝗰𝗲𝘀𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗺𝗮𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀.

𝗕𝗮𝘇𝗮𝗮𝗿 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀: 𝗔𝗹𝗹 𝗮𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗿𝗲𝗹𝗮𝘁𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝗮𝘇𝗮𝗮𝗿 𝗺𝘂𝘀𝘁 𝗰𝗼𝗻𝗰𝗹𝘂𝗱𝗲 𝗡𝗢 𝗟𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗛𝗔𝗡 𝟵:𝟬𝟬 𝗣𝗠.

This measure is provisional and will remain in effect until further notice. We urge everyone to cooperate and comply for the collective safety of our campus.

- repost from Mindanao State University

Ang isa dito ay feeling Mr. CLEAN 👇ESCUDERO, CO 'INSTRUMENTAL' IN BUDGET DECISIONS — ROMUADLEZItinanggi ni 1st District ...
21/04/2026

Ang isa dito ay feeling Mr. CLEAN 👇

ESCUDERO, CO 'INSTRUMENTAL' IN BUDGET DECISIONS — ROMUADLEZ

Itinanggi ni 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez na nakibahagi siya sa deliberasyon noon para sa 2025 national budget.

"I was not a part of the Bicam and the Small Committee budget deliberations... I was not privy to what exactly transpired during the deliberations," bahagi ng video message ng kongresista.

Kasabay nito, pinangalanan niya sina Sen. Chiz Escudero at dating Ako Bicol representative Zaldy Co bilang "instrumental" sa pagdedesisyon sa budget. | via Marianne Enriquez

Hawak niya ang beat 🎶🎶🎵Battle of the Rumuwaldas ba 'toh? Bangag at Bondjyiiing? Scripted pa din dahil hawak mo ang mga m...
21/04/2026

Hawak niya ang beat 🎶🎶🎵

Battle of the Rumuwaldas ba 'toh?
Bangag at Bondjyiiing?
Scripted pa din dahil hawak mo ang mga maleta!

‘I WILL NOT GO QUIETLY, AND I WILL NOT GO ALONE’

Former House Speaker Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez vowed to "fully defend himself" from allegations of involvement in the flood control projects mess, which according to him was being turned into a "political demolition job".

Address

Marawi City
9700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marawi City Bayan Patrol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Marawi City Bayan Patrol:

Share

Category