Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur

Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur, Public & Government Service, New Capitol Complex, Buadi Sacayo, Marawi City.

The official page of the Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur, dedicated to livestock health, rabies awareness, and agricultural services for the province.

๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฑ๐Ÿ’‰๐Ÿ“… June 3, 2026๐Ÿ“ Brgy. Moriatao Loksadatu, Municipality of TarakaNgayong araw, matagumpay na na...
03/06/2026

๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฑ๐Ÿ’‰
๐Ÿ“… June 3, 2026
๐Ÿ“ Brgy. Moriatao Loksadatu, Municipality of Taraka

Ngayong araw, matagumpay na naisagawa ng PVet LDS ang Mass Rabies Vaccination sa Brgy. Moriatao Loksadatu, Municipality of Taraka bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa rabies. Sa kabuuan, 48 na pusa ang nabakunahan upang maprotektahan laban sa rabies at makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga residente ng Taraka na nakiisa at nagdala ng kanilang mga alagang hayop bilang suporta sa ating programa laban sa rabies.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kina Hon. Nashiba U. Gandamra Sumagayan (Mayor of Taraka), Dr. Bolawan M. Delawi (Municipal Health Officer), Ms. Noronihar M. Sumagayan (LGU Med Tech), Mr. Johaer Pangcoga (MAFAR Municipal Officer), Ms. Najeebah Mecampong (Agriculturist), sa Municipal Local Government Unit of Taraka, Chairwoman Naimah Sarigidan Camid (Brgy. Moriatao Lokesdatu) at sa BLGU Moriatao Loksadatu para sa kanilang mainit na pagtanggap, suporta, at pakikipagtulungan na naging susi sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng isang rabies-free na komunidad para sa kaligtasan ng ating mga pamilya at mga alagang hayop. ๐Ÿพโœจ

๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ๐—น๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐Ÿ“Š๐Ÿฅš๐Ÿฅฉ๐Ÿ“… June 2, 2026๐Ÿ“ Marawi City & Municipality of Ditsaan-RamainNgayong araw, nagsagawa ang mga M...
03/06/2026

๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ๐—น๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐Ÿ“Š๐Ÿฅš๐Ÿฅฉ
๐Ÿ“… June 2, 2026
๐Ÿ“ Marawi City & Municipality of Ditsaan-Ramain

Ngayong araw, nagsagawa ang mga Meat Inspectors ng PVet LDS ng kanilang Weekly Price Monitoring sa ibaโ€™t ibang pamilihan sa Marawi City (Basak Malutlut, Biaba Damag, Emie Market, Loksadatu Poblacion Market, MSU, at Sultan Magayoong Market) at Municipality of Ditsaan-Ramain (Brgy. Maranao Timber) upang mabantayan ang galaw ng presyo ng mga livestock at poultry products sa merkado.

Narito ang summary ng kanilang price monitoring. Mapapansin ang pagbaba ng presyo ng mga itlog sa ilang pamilihan, habang ang presyo ng iba pang mga produkto ay nanatiling stable.

Patuloy ang PVet LDS sa pagsasagawa ng regular na price monitoring upang makapagbigay ng updated na impormasyon at makatulong sa ating mga consumers, vendors, at livestock raisers sa lalawigan. ๐Ÿ“ˆ๐Ÿพ

๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพ Kasama rin sa post ang ilan sa mga larawan ng ating masisipag na Meat Inspectors habang isinasagawa ang kanilang monitoring activities.

๐Ÿพ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿ’‰Magkakaroon ng Mass Rabies Vaccination on June 3, 2026 na gaganapin sa Municipall Hall n...
01/06/2026

๐Ÿพ ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿ’‰

Magkakaroon ng Mass Rabies Vaccination on June 3, 2026 na gaganapin sa Municipall Hall ng Taraka, Lanao del Sur. Ito ay magsisimula from 9AM to 2PM.

Inaanyayahan ang lahat ng pet owners na dalhin ang kanilang mga alagang a*o at pusa upang mabakunahan at makiisa sa kampanya laban sa rabies.

Kita-kits po tayo on wednesday (June 3, 2026)!

Pet Vaccination Reminders:
โœ… Healthy at walang sakit ang alaga
โœ… At least 3 months old

๐ŸŒ™โœจ Eid Al-Adha Mubarak!Nawaโ€™y maging makahulugan ang pagdiriwang na ito, puno ng peace, unity, at blessings para sa laha...
27/05/2026

๐ŸŒ™โœจ Eid Al-Adha Mubarak!

Nawaโ€™y maging makahulugan ang pagdiriwang na ito, puno ng peace, unity, at blessings para sa lahat. ๐Ÿค

๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—— ๐—ข๐—จ๐—ง! ๐ŸŽ‰๐Ÿ„Lubos ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa ating mga local farmers ng Lanao del Sur. Mas...
25/05/2026

๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—— ๐—ข๐—จ๐—ง! ๐ŸŽ‰๐Ÿ„

Lubos ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa ating mga local farmers ng Lanao del Sur. Masaya naming ibinabahagi na nabenta na ang lahat ng cattle na ating ibinahagi at ipinost bilang suporta sa kanilang kabuhayan.

Ang inyong suporta ay malaking tulong sa pagpapalakas ng kabuhayan ng ating mga magsasaka at livestock raisers. Patuloy po nating tangkilikin at suportahan ang sariling atin.

Always support our local farmers! ๐Ÿ’š๐Ÿพ

๐—ช๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ณ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐˜‚๐—ฒ ๐Ÿฆ…๐ŸŒฟ๐Ÿ“… May 25, 2026๐Ÿ“ Brgy. Diragun, Marogong, Lanao del SurNgayong araw nasagip ang isang ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐˜„๐—ธ-๐—˜...
25/05/2026

๐—ช๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ณ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฐ๐˜‚๐—ฒ ๐Ÿฆ…๐ŸŒฟ
๐Ÿ“… May 25, 2026
๐Ÿ“ Brgy. Diragun, Marogong, Lanao del Sur

Ngayong araw nasagip ang isang ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐˜„๐—ธ-๐—˜๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฒ sa Brgy. Diragun, Marogong, Lanao del Sur matapos itong matagpuang nahulog. Ang naturang ibon ay unang nasagip ni Mr. Emran Benito, sa tulong at koordinasyon ni Community ENRE Officer Ashawie Pangandaman at ng MENRE Lanao del Sur, ay agad namang isinurender sa PVet LDS upang masuri at mabigyan ng kaukulang veterinary care.

Batay sa isinagawang body measurements, ang nasabing Philippine Hawk-Eagle ay may 56 cm body length, 100 cm wingspan, at 0.85 kg na timbang. Ayon sa mga sukat na ito, tinatayang ito ay isang juvenile o batang agila.

Sa isinagawang pagsusuri ng Provincial Veterinarian Dr. Al-Hussein O. Domaot, napag-alamang ang agila ay may bahagyang fracture sa pakpak, na pinaniniwalaang dahilan ng pagkakahulog nito. Dahil dito, ito ay kasalukuyang sumasailalim sa treatment, rehabilitation, at observance upang masubaybayan ang kalagayan nito at matiyak na ganap itong makarekober bago muling pakawalan sa natural nitong tirahan.

Ang agarang koordinasyon at pagtugon na ito ay mahalagang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap para sa pangangalaga at proteksyon ng wildlife sa ating lalawigan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Mr. Emran Benito sa kanyang malasakit at agarang pagsagip sa Philippine Hawk-Eagle, gayundin kay Community ENRE Officer Ashawie Pangandaman sa kanyang suporta at koordinasyon, at sa MENRE Lanao del Sur sa kanilang mabilis na aksyon at pakikipagtulungan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng naturang wildlife. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalikasan at mga hayop na bahagi nito. ๐ŸŒฟ๐Ÿฆ…

๐—ฉ๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—–๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐Ÿ„๐Ÿฑ๐Ÿถ๐Ÿฉบ๐Ÿ“… May 21, 2026๐Ÿ“ Brgy. Palao-Ranaranao, Municipality of MarantaoNoong May 21, 2026, m...
23/05/2026

๐—ฉ๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—–๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐Ÿ„๐Ÿฑ๐Ÿถ๐Ÿฉบ
๐Ÿ“… May 21, 2026
๐Ÿ“ Brgy. Palao-Ranaranao, Municipality of Marantao

Noong May 21, 2026, matagumpay na nagsagawa ang PVet LDS ng Veterinary Civic Action Program (VetCAP) sa Brgy. Palao-Ranaranao, Marantao kung saan 54 na cattle ang nabigyan ng veterinary services at kaukulang lunas bilang bahagi ng patuloy nitong pagbibigay-serbisyo sa mga komunidad.

Kasama sa pagsasagawa ng VetCAP ang mga OJT Agriculture students mula sa Adiong Memorial State College, na nagkaroon ng pagkakataong mag-observe, matuto, at tumulong sa actual field activities bilang bahagi ng kanilang learning experience at hands-on exposure.

Maliban sa veterinary services para sa livestock, nagbigay rin ang PVet LDS ng anti-rabies vaccination sa ilang mga alagang pusa na nadatnan sa lugar bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa rabies.

Kami ay lubos na nagpapasalamat kay Hon. Hadji Malic Mastura Disomala, Barangay Chairman ng Brgy. Palao-Ranaranao, at sa kanyang asawa sa kanilang mainit na pagtanggap at suporta sa aming team sa pagsasagawa ng aktibidad na ito.

Patuloy ang PVet LDS sa pag-abot ng serbisyo sa ibaโ€™t ibang barangay upang mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng ating mga alagang hayop at masuportahan ang ating mga livestock raisers at pet owners.

๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿ’‰๐Ÿ“… May 20, 2026๐Ÿ“ Municipal Hall, Ditsaan-RamainKahapon, matagumpay na nagsagawa ang PVet LDS n...
21/05/2026

๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿ’‰
๐Ÿ“… May 20, 2026
๐Ÿ“ Municipal Hall, Ditsaan-Ramain

Kahapon, matagumpay na nagsagawa ang PVet LDS ng Mass Rabies Vaccination sa Municipal Hall ng Ditsaan-Ramain bilang bahagi ng patuloy nating kampanya laban sa rabies.

Sa kabuuan, 48 na alagang hayop ang nabakunahan, kabilang ang 47 pusa at 1 a*o, bilang hakbang tungo sa mas ligtas at rabies-free na komunidad.

Lubos ang aming pasasalamat sa LGUโ€“Ditsaan-Ramain para sa kanilang mainit na pagtanggap at suporta sa aktibidad na ito. Maraming salamat din sa lahat ng pet owners na naglaan ng oras at nagdala ng kanilang mga alaga upang mabakunahan.

Sama-sama tayo sa kampanya laban sa rabies! ๐Ÿพโœจ

FUN FACT:Katawan ka? Mas malaki pa ang mga mata ๐Ÿ‘๏ธ ng tarsier kaysa sa kanilang utak at kaya nilang paikutin ang kanilan...
20/05/2026

FUN FACT:
Katawan ka? Mas malaki pa ang mga mata ๐Ÿ‘๏ธ ng tarsier kaysa sa kanilang utak at kaya nilang paikutin ang kanilang ulo nang 180 degrees na parang kuwago (owl)! ๐Ÿฆ‰

Kasabay ng pagkakadiskubre sa kanila sa Lanao del Sur, protektahan natin sila.

REMINDER PARA SA AWARENESS:
โŒ HUWAG hawakan o hulihin (highly suicidal sila sa stress).
โŒ HUWAG gagamit ng flash photography (masisira ang malalaki nilang mata).
โŒ IWASAN mag-ingay o bulabugin ang kanilang tulog sa araw.

Sobrang exciting ng balita na may kauna-unahang tarsier na na-document sa Lanao del Sur!

๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ๐—น๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐Ÿ“Š๐Ÿฅš๐Ÿฅฉ๐Ÿ“… May 19, 2026๐Ÿ“ Marawi City & Municipality of Ditsaan-RamainNgayong araw, nagsagawa ang mga M...
19/05/2026

๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ๐—น๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐Ÿ“Š๐Ÿฅš๐Ÿฅฉ
๐Ÿ“… May 19, 2026
๐Ÿ“ Marawi City & Municipality of Ditsaan-Ramain

Ngayong araw, nagsagawa ang mga Meat Inspectors ng PVet LDS ng kanilang Weekly Price Monitoring sa ibaโ€™t ibang pamilihan sa Marawi City (Basak Malutlut, Emie Market, GMA Terminal, Loksadatu Poblacion Market, MSU, at Sultan Magayoong Market) at Municipality of Ditsaan-Ramain (Brgy. Maranao Timber) upang mabantayan ang galaw ng presyo ng mga livestock at poultry products sa merkado.

Narito ang summary ng kanilang price monitoring. Mapapansin ang pagbaba ng presyo ng mga itlog sa ilang pamilihan, habang ang presyo ng iba pang mga produkto ay nanatiling stable.

Patuloy ang PVet LDS sa pagsasagawa ng regular na price monitoring upang makapagbigay ng updated na impormasyon at makatulong sa ating mga consumers, vendors, at livestock raisers sa lalawigan. ๐Ÿ“ˆ๐Ÿพ

๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพ Kasama rin sa post ang ilan sa mga larawan ng ating masisipag na Meat Inspectors habang isinasagawa ang kanilang monitoring activities.

Address

New Capitol Complex, Buadi Sacayo
Marawi City
9700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Veterinary Office of Lanao del Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share