06/02/2026
PAALALA: LEPTOSPIROSIS PAGKATAPOS NG BAGYO
Taliwas sa kaalaman ng nakararami, ang leptospirosis ay hindi lamang nakukuha sa ihi o dumi ng daga. Ang bakterya na nagdudulot ng sakit na ito ay maaari ring matagpuan sa maruming tubig at lupa, lalo na pagkatapos ng pagbaha.
Matapos ang pananalasa ng Bagyong Basyang, pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa paglusong sa baha, magsuot ng proteksiyon tulad ng bota, at panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ugaliing magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility kung makaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng katawan, o pamumula ng mata.
Protektahan ang sarili at ang pamilya laban sa leptospirosis. Ang kalinisan at kaalaman ay susi sa kalusugan ng bawat isa.