25/03/2021
Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, basahin ang pahayag ni Mary Jane kung paano nakatulong ang DSWD-Sustainable Livelihood Program sa kanilang grupo na binubuo ng kababaihan. Ang kanilang grupong Bigasan ng 4Ps SLP Association (SLPA) ay matatagpuan sa Brgy. Buenavista, San Isidro, Northern Samar.
SLP Northern Samar

Nagpapasalamat si Mary Jane sa pagtugon ng ahensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang grupo na magkaroon ng pagkakakitaan at matuto kung paano palaguin ang kanilang kabuhayan. May mensahe rin siya sa mga kapwa niya kababaihan na patuloy lumalaban sa hamon ng buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“Kahit may pandemya, huwag po sana tayong mawalan ng pag-asa at patuloy pa rin na lumaban sa buhay. Kahit sa maliit na pinagkakakitaan, pagtrabahuan natin ng maigi. Ipagpatuloy natin ang buhay,” pag-hikayat ni Mary Jane.
Juana Laban sa Pandemya: Kaya!
Credits: PDO Reynalyn Diocton, DSWD-SLP Northern Samar
Department of Social Welfare and Development
DSWD Sustainable Livelihood Program