02/09/2026
Kung wala siguro ’tong Narra, diretso ang araw sa lupa. Kapag umulan naman, diretso rin ang bagsak ng mga patak. Siguro mas mabilis matuyo at tumigas ang lupa kapag tirik ang araw, tapos kapag malakas ang ulan, puwedeng maging maputik, baku-bako, o unti-unting matangay ang ibabaw na lupa.
Pero nandiyan ang puno ng narra! Salamat sa puno ano po?
Hindi lang siya nagbibigay ng lilim. May canopy na sumasalo sa ulan, may mga ugat na humahawak sa lupa, at nakakatulong ang vegetation para hindi basta-basta dumaloy ang tubig sa ibabaw.
At para sa mga taong nasa campus, iba rin talaga kapag may mga puno.
Mas bearable maglakad kapag hindi tirik ang araw. At ito maganda sana sa mga university campus sa buong Pilipinas, yung “walkable” yung mga daan. Na sisipagan ka palagi maglakad 🙂
Mas may mapagpapahingahan. Mas presko. Mas pleasant lang ang pakiramdam ng isang lugar kapag hindi puro semento at init ang nakikita. At dahil hindi puro semento, may mapupuntahan ang tubig-ulan.
May mga pag-aaral na rin na nag-uugnay ng campus green spaces sa mas magandang thermal comfort at well-being ng students. Hindi naman ibig sabihin na isang puno lang ang solusyon sa lahat, pero siguro magandang paalala ito na ang mga puno sa paaralan ay hindi lang dekorasyon.
Lalo na ang Narra.
Pambansang puno natin, at sa isang simpleng lilim nito, may napapakinabangan ang lupa, ang campus, at ang mga taong nandito araw-araw.
Magtanim na tayo!
📍Colegio de San Juan de Letran, Bataan, Abucay, Bataan