10/07/2026
🦟 FOGGING ACTIVITY
Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral at kawani, nagsagawa ng fogging activity ang Golden Elementary School upang makatulong sa pag-iwas sa pagkalat ng mga sakit na dulot ng lamok.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa LGU Mapandan, sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Karl Christian F. Vega, sa kanilang patuloy na suporta. Lubos din po naming pinasasalamatan sina Former Councilor Veneson Peria at Francisco "Jay-R" Morales Jr. sa kanilang mahalagang tulong sa pagsasagawa ng fogging.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na suporta sa aming paaralan.