24/04/2026
Alam mo ba kung saan nabibilang ang mga binibili mong produkto araw-araw?
Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng Basic Necessities at Prime Commodities.
Ayon sa RA 7581 o Price Act, ang Basic Necessities (BN) ay mga produktong kailangan para mabuhay at manatiling malusog, lalo na sa panahon ng sakuna o krisis. Samantala, ang Prime Commodities (PC) ay hindi pangunahing pangangailangan pero mahalaga pa rin sa pang-araw-araw na pamumuhay, ayon sa Price Act.
Maging mapanuri at matalinong mamimili. ❤️
Para sa buong listahan ng BNPC, bisitahin ang link na ito: https://www.dti.gov.ph/dti-consumer-space/dti-latest-srps-basic-necessities-prime-commodities