SK Lewis “LG’ Cabagay

SK Lewis “LG’ Cabagay 🔸 SK Chairperson
Barangay Poblacion
🔸SK Federation President
Municpality of Mansalay

Ngayong araw, sa ganap na alas sais ng gabi ay gaganapin ang exhibition game sa pagitan ng Mansalay (SK & Intertown Sele...
25/03/2025

Ngayong araw, sa ganap na alas sais ng gabi ay gaganapin ang exhibition game sa pagitan ng Mansalay (SK & Intertown Selection) laban sa koponan ng Bongabong (Barangay Umali). Abangan ang mga nakahandang surpresa para sa mga manonood. May mga palaro at papremyo po tayong naghihintay para sa inyo. Siguradong maliligayahan at matutuwa kayo. May surpresa ring naghihintay sa grupo o barkada na may pinakamaraming bilang. Kitakits po tayo mga kababayan.

24/03/2025

‼️ Attention ‼️

Magkakaroon po ng exhibition game ang Mansalay (SK & intertown selection) vs. Bongabong (Barangay Umali) bukas March 25, 2025, sa ganap na alas 6 sa ating Mansalay SPEC (Gymnasium).

Ang lahat po ay inaanyayahan na manood at maki-isa para mag-uwi ng mga papremyo ay mga surpresa. Mayroon din po tayong surpresa para sa grupo o tropahan na may pinakamaraming bilang. Kitakits po mga kababayan.

Ngayong araw ay atin pong ginanap ang ating Katipunan ng Kabataan assembly sa multi purpose hall ng ating barangay. Umab...
27/10/2024

Ngayong araw ay atin pong ginanap ang ating Katipunan ng Kabataan assembly sa multi purpose hall ng ating barangay. Umabot ng mahigit 400 na kabataan ang dumalo at nakiisa sa ating pagpupulong. Dito ay ibinahagi natin ang mga naging programa at proyekto para sa mga kabataan at ulat patungkol sa pondo ng sangguniang kabataan council. Binigyan din natin ng pagkakataon na magbigay ng suhestiyon at katanungan tungkol sa mga nais nila iparating. Naging matagumpay ang pag ating ginanap na pagpupulong sa tulong din ng mga nagkakaisa at disiplinadong kabataan ng Barangay Poblacion.

Maraming salamat po Cong. PA Umali sa inyong mahalagang tulong na ipinaabot sa aming pagpupulong at sa mga proyekto na naka sentro sa aming mga kabataan. Nais ko rin pong pasalamatan ang aming Sangguniang barangay sa pagtulong sa amin. Ganundin sa pamunuan ng Sangguninang Kabataan sa pangunguna ng inyong lingkod, SK Lewis “LG’ Cabagay kasama ang mga miyembro ng konseho.

Muli, marami pong salamat sa inyo lahat at ating ipagpatuloy ang pagkakaisa ng ating barangay.


Kahanga-hanga ang mga kabataan ng Barangay Poblacion, sa dami natin kanina ay maayos at malinis nating iniwan ang ating ...
27/10/2024

Kahanga-hanga ang mga kabataan ng Barangay Poblacion, sa dami natin kanina ay maayos at malinis nating iniwan ang ating ginamit na venue. Maraming salamat sa inyong lahat 💛



Address

Poblacion
Mansalay
5213

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Lewis “LG’ Cabagay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category