09/03/2026
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢
Alinsunod sa 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝗻𝗱𝘂𝗺 𝗖𝗶𝗿𝗰𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗡𝗼. 𝟭𝟭𝟰 mula sa Office of the President, ang 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗮𝗹𝗮𝘆 ay nagpapatupad na ng Temporary 4-Day Work Week bilang bahagi ng energy at fuel conservation measures ng pamahalaan.
Sa ilalim ng nasabing memorandum, ang ilang tanggapan ng pamahalaan ay magpapatupad ng compressed work schedule mula Monday hanggang Thursday, kung saan ang 40 working hours kada linggo ay maisasagawa sa loob ng apat na araw.
Gayunpaman, upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko, mananatiling may operasyon tuwing Friday ang mga tanggapan na nagbibigay ng frontline at essential services, kabilang ang:
• 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 / Disaster Response Teams
• 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗶𝘁 (𝗥𝗛𝗨)
• 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗣𝗡𝗣)
• 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗕𝗙𝗣)
• Iba pang opisina na kinakailangang manatiling bukas upang magbigay ng agarang serbisyo sa publiko
Layunin ng hakbang na ito na makatulong sa pagtitipid sa konsumo ng kuryente at gasolina, habang patuloy na tinitiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo para sa mga Mansaleño.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa opisyal na anunsyo ng LGU Mansalay para sa karagdagang impormasyon at updates.