21/08/2026
“THE FILIPINO IS WORTH DYING FOR.”
Ngayong ika-21 ng Agosto, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day, bilang pag-alala sa buhay, sakripisyo, at paninindigan ni Dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., isang matapang na tagapagtanggol ng demokrasya ng Pilipinas.
Sa gitna ng Martial Law, pinili niyang magsalita at ipaglaban ang kalayaan at demokrasya, kahit buhay niya ang maging kapalit. Ang kanyang sakripisyo ay naging simbolo ng paglaban sa diktadura at paalala sa halaga ng kalayaan at paninindigan.
Nawa’y magsilbing paalala ang kanyang sakripisyo na ang kalayaan ay ipinaglalaban, pinangangalagaan, at hindi kailanman dapat isuko.
Caption by: Mark Villaruz
Layout by: Thalia Abad