08/04/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa gitna ng tumitinding tensyon dulot ng USโIsraelโIran conflict, agad na umaksyon ang OWWA Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayang manggagawa sa ibayong dagat.
Kasama si OWWO III Mani Lyne, personal kong pinangunahan ang pag-asikaso kay John Mark M. Almarez, tubong Dalahican, Oriental Mindoro at isang seafarer na naapektuhan ng krisis matapos hindi pahintulutang makadaan ang kanilang barko sa Strait of Hormuz. Dahil sa mataas na panganib sa lugar, nagpasya ang kanilang shipping agency na sila ay i-airlift palabas upang masiguro ang kanilang kaligtasan, at kalaunan ay matagumpay na nairepatriate pabalik ng Pilipinas.
Alinsunod sa direktiba ni DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac at OWWA Administrator Atty. Patricia Yvonne โPYโ Caunan, agad nating ipinagkaloob ang War Conflict Cash Assistance na nagkakahalaga ng โฑ10,000.00 bilang paunang suporta sa kanyang pagbangon.
Ang Owwa Mimaropa ay nananatiling nakatuon sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga OFW, lalo na sa panahon ng krisis. Patuloy nating pinapalakas ang ating mga mekanismo upang matiyak na walang OFW ang maiiwan, saan man sila naroroon sa mundo.
๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ก, ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐๐โ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ค๐๐ก ๐๐น๐.
OWWA MIMAROPA Regional Director Dindi Tan
Owwa Occidental Mindoro
Owwa Occidental Mindoro
Owwa Marinduque
Owwa Romblon
Owwa Palawan