Deputy Chief of Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection, CG-9

Deputy Chief of Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection, CG-9 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Deputy Chief of Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection, CG-9, Government Organization, NHQ-PCG, 139 25th Street , Port Area, Manila.

10/02/2026
03/02/2026

𝐒𝐄𝐂. π‹πŽππ„π™ 𝐀𝐓 ππ”πŽππ† πƒπŽπ“π‘, ππ€πŠπˆπŠπˆπ‘π€πŒπ€π˜ 𝐒𝐀 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€ 𝐍𝐆 ππ€π’π€π–πˆππ† 𝐏𝐂𝐆 ππ„π‘π’πŽπππ„π‹ 𝐒𝐀 π‹π”πŒπ”ππŽπ† 𝐍𝐀 ππ€π‘πŠπŽ 𝐒𝐀 ππ€π’πˆπ‹π€π

Nagpaabot ng lubos na pakikiramay si Secretary Banoy Lopez at ang buong Department of Transportation sa pamilya ni Seaman First Class (SN1) Alkhaizar Q Hadjail ng Philippine Coast Guard (PCG), na kasama sa mga nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 kamakailan.

β€œSaludo ako at ang buong DOTr family sa ipinakitang kabayahinan ni SN1 Hadjail, na hindi nag-atubiling tumulong sa kapwa kahit sa gitna ng panganib. Lubos ang aming pakikiramay sa kanyang pamilya, pati na sa buong hanay ng PCG,” ani Secretary Lopez.

Ayon sa kwento ng mga survivors, matapang na sinuong ng 30-anyos na si SN1 Hadjail ang tubig dagat at inuna munang isalba ang ibang mga pasahero bago ang kanyang sarili.

β€œMananatiling inspirasyon ang kanyang kabayanihan at katapangan hindi lamang sa PCG, kundi sa buong sambayanang Pilipino. We will honor his memory by doing our utmost to prevent these maritime incidents from happening again,” dagdag pa ng Kalihim.

Natagpuan ang labi ni SN1 Hadjail sa tulong ng pinaigting na search and rescue operations ng PCG. Sa huling tala, umabot na sa 42 ang namatay sa insidente, habang 316 naman ang nailigtas.

β€œLubos din po ang aming pakikiramay sa mga pamilya ng lahat ng mga nasawi sa trahedyang ito,” saad ni Sec. Lopez. # # #

πŸ‡΅πŸ‡­

03/02/2026

Address

NHQ-PCG, 139 25th Street , Port Area
Manila
1002

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deputy Chief of Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection, CG-9 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share