26/04/2026
Mga Iskolar ng Bayan, singilin ang estadong pabaya, pasista, at pahirap sa sambayanan!
Ilang beses nang pinatunayan ng estadong ito na hindi ang interes ng taumbayan ang prayoridad nito. Wala itong ibang ginawa kundi mag-anak ng krisis sa bansa o hindi kaya ay mas lalo pang palalain ang mga problemang matagal nang nararanasan ng mamamayan!
Krisis ang kinakain ng mga Pilipino sa araw-araw ng kanilang buhay! Sa patuloy na paglobo ng presyo ng gasolina at mga bilihin, bunsod ng agresyon ng US-Israel sa Iran, patuloy ring nalulugmok sa hirap ang mga Pilipinong barya-barya lang ang sinasahod. Hirap na nga ang mga Pilipino sa epekto ng gyera sa Pilipinas, mukhang nais pa ni Marcos Jr. na dalhin ang gyerang ito sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpayag na makapasok dito ang libo-libong US military troops bilang parte ng Balikatan Exercisesโbagay na maaaring mag-udyok sa mga kalaban ng US na magsimula rin ng gyera sa ating bansa.
Sa kabilang banda, habang lubog sa hirap ang sambayanang Pilipino, patuloy namang nagpapakasarap sa kapangyarihan ang mga naghaharing-uri, sa pangunguna ni Marcos Jr. at Sara Duterte. Habang araw-araw na kailangang magtiis ng mga ordinaryong mamamayan, nagpapakasasa pa rin sa pera ng taumbayan ang mga kurakot sa gobyerno na hanggang ngayon ay hindi pa rin nananagot.
Imbis na nailalaan sa mga batayang serbisyong panlipunan ang pera ng taumbayan, napupunta ito sa sariling bulsa ng mga politiko at makakapangyarihan. Bukod dito, pinopondohan din ng mapanupil na rehimen ang pamamasismo sa bansa. Patuloy ang pagpondo sa NTF-ELCAC na kilala sa panre-redtag sa mga mamamayang lumalaban. Patuloy ring ang paglaki ng pondo para sa AFP-PNP na kilala sa pagiging numero unong yumuyurak sa karapatang pantao ng sambayanan. Manipestasyon nito ang masaker na ginawa ng 79th Infantry Battalion sa 19 na indibidwal sa Negros Occidental. Kabilang dito ang lider-estudyante ng University of the Philippines na si Alyssa Alano, ang cultural worker at peasant organizer na si Errol Wendel, ang mamamahayag at youth leader na si RJ Ledesma, at peasant organizer at UP teacher Maureen Santuyo.
Malinaw mula rito na walang ibang mukha ang estadong ito kundi pagpapabaya, pamamasismo, at pagpapahirap sa sambayanan. Imbis na tugunan ang pangangailangan ng taumbayan sa mga batayang karapatan nitoโang mga kabataang estudyante sa maayos, aksisable, at libreng edukasyon, ang mga manggagawa sa maayos at nakabubuhay na sahod, ang mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa, at iba pang pangangailangan ng mamamayan upang mabuhay nang maayosโnananatiling gumagana ang gobyerno, hindi para sa kapakanan ng mga Pilipino kundi para sa ganansya ng mga naghaharing-uri na naririto.
Kaya naman, mga Iskolar ng Bayan, maniningil tayo! Sa panahon kung kailan nagbibingi-bingihan ang estado, higit na dapat tayong mag-ingay. Ngayon ang panahon upang higit na padagundungin ang lansangan, bitbit ang ating galit at paniningil. Sa panahon kung saan sinusupil ng pasistang estadong ito ang boses ng mga mamamayang lumalaban at nakikibaka, higit dapat tayong magpalakas at magpalawak!
DUMALO AT MAGPADALO:
April 28, 2026
3:00 PM
P. Noval