16/10/2025
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐ | Walang Saysay ang Salita Kung Walang Gawa
Sa mga nagdaang araw, nabulabog ang diwa ng demokrasya sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) matapos umatras sa halalan ang ilang independent na kandidato sa PUP Halalan 2025 dahil sa mga bantang natanggap sa pamamagitan ng email mula sa hindi kilalang nagpadala:
โMagwithdraw ka na kasi alam ko address mo diyan...โ
โHINDI KA LIGTAS ALAM NAMIN LAHAT NA INUUWIAN MOโ
Ang halalan na dapat ay pagkakataon ng malayang pagpili at ideolohikal na pagtatalo ay naging larawan ng takot at pangamba. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang usapin ng seguridad ng isang kandidato, kundi ng kredibilidad at kaligtasan ng mismong demokratikong proseso sa loob ng unibersidad.
Kasuklam-suklam na kahit buhay na buhay ang kultura ng aktibismo sa unibersidad, tila salungat sa mga ipinaglalaban ng mga rally at walk-out ang mga pangyayari sa loob. Ano ang kredibilidad ng mga sigaw ng pagkondena sa mga salot ng lipunan kung ang mga sumisigaw nito ay walang pinagkaiba sa mga taong kanilang tinutuligsa.
Bagamaโt kapuri-puri at mahalaga ang mga hakbang ng PUP SC COMELEC at ICTO, walang patutunguhan ang mga salita kung hindi ito magbubunga ng pananagutan. Ang pagkondenang walang kasamang katarungan ay katahimikang nagbabalatkayong kabutihan.
Ipaglaban natin ang bukas at malayang pagpapahayag ng posisyong politikal sa unibersidad at ipagtanggol ang lahat ng alternatibong pananaw mula sa panunupil.