09/03/2026
Bilang Miyembro ng Sangguniang Bayan, ako ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, isang mahalagang pagkakataon upang kilalanin ang lakas, kakayahan, at mahalagang ambag ng kababaihan sa ating komunidad at sa pag-unlad ng ating bayan.
Sa pagdiriwang na ito, binibigyang-pugay natin ang lahat ng kababaihan—lalo na ang mga kababaihang kabilang sa sektor ng Persons with Disability (PWD)—na patuloy na nagpapakita ng katatagan, tapang, at inspirasyon sa kabila ng iba’t ibang hamon sa buhay. Sila ay patunay na ang kakayahan at talento ng kababaihan ay walang hangganan, at karapat-dapat lamang na sila ay mabigyan ng pantay na oportunidad, paggalang, at suporta.
Patuloy nating isusulong ang mga programa at polisiya na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, inklusibong pag-unlad, at proteksyon sa karapatan ng bawat kababaihan, alinsunod sa diwa ng Magna Carta of Women at Magna Carta for Disabled Persons.
Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad, makakamit natin ang isang lipunang tunay na nagbibigay-halaga sa dignidad, kakayahan, at boses ng bawat kababaihan.
Maligayang Buwan ng Kababaihan!
Hon. Archie L. Abrigo
Miyembro, Sangguniang Bayan