04/09/2026
Pinaigting pa ng Philippine Normal University (PNU) ang suporta nito sa mga g**o, kawani, at estudyanteng may mga bagong ideya at inobasyon. Noong Agosto 6, 2026, opisyal nang inaprubahan ng PNU Board of Regents sa kanilang ika-109 na Regular Meeting ang pagtatayo ng Intellectual Property and Technology Transfer Office (IPTTO).
Kasalukuyan nang inihahanda ng bagong tanggapan ang kanilang sistema at nagsisimula na ring kumuha ng mga karagdagang kawani sa ilalim ng pamumuno ng bagong talagang Direktor na si Dr. Donna Marie Gonong. Sa oras na maging ganap ang operasyon nito, tutulungan ng IPTTO ang mga manlilikha mula sa PNU na maiparehistro ang legal na karapatan ng kanilang mga gawa (Intellectual Property Rights) at posibleng maipakilala sa merkado ang kanilang mga bagong inobasyon sa pagtuturo.
Ang operasyon ng opisina ay nakasandig sa mga batas ng bansa tulad ng Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code), Republic Act No. 10055 (Philippine Technology Transfer Act), at Republic Act No. 11293 (Philippine Innovation Act)—kabilang na rin ang bagong PNU Intellectual Property Policy na naghihintay na lamang ng pag-apruba mula sa Academic Council.
Sa pamamagitan ng IPTTO, layunin ng PNU na patuloy na payabungin ang kultura ng paglikha at inobasyon sa buong pamantasan.
Para sa mga katanungan, maaaring bisitahin ang IPTTO sa Room 302 ng Pedro Orata Hall, mag-email sa [email protected], o tumawag sa PNU trunkline na (02) 85317-1768 local 798.
---
Ikinalulugod naming maibahagi sa inyo ang impormasyong ito, at umaasa kaming ito ay maging kapaki-pakinabang sa inyo!
Bisitahin ang https://nnp.pnu.edu.ph/, piliin ang Strategic Communications and Public Relations Unit, at ibahagi sa amin ang inyong mga reaksyon o saloobin tungkol sa impormasyong aming ibinahagi.