Sinagtala Coalition of Student Leaders

Sinagtala Coalition of Student Leaders Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sinagtala Coalition of Student Leaders, Political organisation, Polytechnic University of the, Manila.

The coalition of independent student leaders in College of Political Science and Public Administration (CPSPA), committed to fostering dynamic and diverse leadership that truly represents and serves the entire student body.

!

๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ ๐—๐—ฅ., ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—” ๐— ๐—ข ๐—ก๐—” ๐—ง๐—ข!Unity Statement of CPSPA Student Formations for SONA 2026Sa bawat taon ng administrasyo...
26/07/2026

๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ ๐—๐—ฅ., ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—” ๐— ๐—ข ๐—ก๐—” ๐—ง๐—ข!
Unity Statement of CPSPA Student Formations for SONA 2026

Sa bawat taon ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr., paulit-ulit na ipinapangako ang pagbabago, kaunlaran, at isang โ€œBagong Pilipinas.โ€ Ngunit para kanino ang pagbabagong ito? Para kanino ang kaunlaran? Habang abala ang Malacaรฑang sa pagbuo ng mga salaysay ng tagumpay, patuloy namang kinakaltasan ng mataas na presyo, mababang sahod, bulok na serbisyo publiko, korapsyon, at kawalan ng pananagutan ang buhay ng ordinaryong Pilipino.

Kaya sa ika-limang SONA ni Marcos, hindi papalakpak ang mga Lingkod-Bayan. Hindi kami narito upang makinig sa panibagong listahan ng pangako. Narito kami upang maningil.

Isang taon matapos hamunin ni Marcos ang mga sangkot sa anomalya sa flood control projects na โ€œmahiya naman,โ€ hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang mga imbestigasyon at paghahanap ng pananagutan. Maging ang Pangulo mismo ay umaming โ€œhindi pa taposโ€ ang kampanya laban sa korapsyon at habang mas malalim ang pagtingin sa mga anomalya, mas marami pa ang natutuklasan. Hindi sapat na ilantad ang anomalya. Hindi sapat na sabihin na nagsimula ito bago ang kasalukuyang administrasyon. Ang tunay na tanong: Sino ang mananagot? Saan napunta ang pera ng bayan? At kailan mararamdaman ng mamamayan na ang hustisya ay hindi lamang palabas sa panahon ng SONA.

Sa panahong ipinaglalaban ng mamamayan ang bawat pisong napupunta sa pagkain, pamasahe, kuryente, at edukasyon, nananatili ring may bilyun-bilyong pisong inilaan para sa confidential at intelligence funds. Para sa 2026, may kabuuang โ‚ฑ4.5 bilyong confidential at intelligence funds ang Opisina ng Pangulo. Sa isang bansang patuloy na humaharap sa kakulangan sa serbisyo publiko, karapat-dapat lamang itanong: bakit kailangang ng ganito kalaking lihim na pondong galing sa buwis ng mamamayan?

At habang nilalamon ng tunggalian ng mga makapangyarihang pamilya ang pambansang politika, lalong nagiging malinaw kung gaano kalayo ang interes ng naghaharing uri sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mamamayan. Ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na kasalukuyang nakasentro sa mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman, korapsyon, at iba pang mabibigat na usapin ay hindi dapat maging simpleng palabas ng bangayang Marcos at Duterte. Dapat nitong hamunin kung tunay bang umiiral ang pananagutan para sa lahat, anuman ang apelyido, posisyon, o kapangyarihan.

Bilang mga Lingkod-Bayan at Iskolar ng Bayan, ramdam natin ang kabiguang ito sa loob mismo ng pampublikong edukasyon. Hindi dapat ituring na tagumpay ang edukasyon kung patuloy na nakikipagbuno ang mga mag-aaral sa kakulangan ng pasilidad, kagamitan, g**o, at sapat na suporta. Naglaan ang pamahalaan ng โ‚ฑ17.27 bilyon para sa pagtatayo ng 4,960 silid-aralan ngayong 2026, ngunit ang mismong pangangailangang maglaan ng ganitong kalaking pondo upang tugunan ang kakulangan ay patunay na matagal nang hindi sapat ang sistematikong pagtugon sa krisis sa edukasyon.

Hindi ito nalalayo sa mas dikit na kalagayan ng ating pamantasan dahil ngayong 2026, โ‚ฑ3.62 bilyon lamang ang inaprubahang badyet para sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), mula sa โ‚ฑ12.7 bilyong panukalang badyet ng pamantasan. Napakalaking kakulangan nito para sa isang pamantasang patuloy na humaharap sa lumalaking pangangailangan ng mga estudyante at sa matagal nang problema sa mga pasilidad, kagamitan, silid-aralan, at iba pang serbisyong pang-akademiko. Habang patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga Iskolar ng Bayan, nananatiling kapos ang mga pasilidad at serbisyong dapat sana'y sumusuporta sa kanilang pag-aaral. Kita ito kung gaano karaming estudyante ang naghahangad na makapasok para sa libreng edukasyon sa PUP ngunit hindi natutuloy dahil sa kakulangan ng budyet na mabibigyan oportunidad sa kanila na makapasok sa loob ng PUP.

Sa kabilang banda, hindi rin sapat ang pag-angkin sa soberanya habang ang mga kasunduang pang-ekonomiya at panseguridad ay patuloy na inilalatag sa paraang kailangang bantayan ng sambayanan ang tunay na kapalit nito. Sa paglahok ng Pilipinas sa Pax Silica at sa mga planong economic security zone, dapat malinaw: ang pambansang interes, soberanya, kapakanan ng mga komunidad, at proteksyon sa kapaligiran ay hindi maaaring isantabi kapalit ng pangakong pamumuhunan at geopolitikal na pagkakahanay.

Sawa na kami sa pagtrato sa mamamayan bilang tagapakinig lamang, na para bang sapat nang makinig kami sa mga pangako tuwing SONA at pagkatapos ay bumalik sa parehong gutom, taas-presyo, kakulangan ng sahod, at kawalan ng hustisya.

Bilang Lingkod-Bayan, ang aming paninindigan ay malinaw: ang pamahalaan ay dapat magsilbi, hindi maghari. Ang pondo ng bayan ay dapat mapunta sa bayan. At ang demokrasya ay dapat maramdaman hindi lamang tuwing halalan, kundi sa bawat araw na ang mamamayan ay may boses, may karapatan, at may kakayahang maningil sa mga nasa kapangyarihan.

Mula sa mga Lingkod-Bayan ng CPSPA: ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€, ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป. ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป!

SONA ng Bayan 2026
๐Ÿ—“๏ธ July 27, 2026
๐Ÿ”ด 8:30 AM โ€” Study Circle @ Quezon Hall, UP Diliman
๐Ÿ”ด 9:30 AM โ€” Assembly @ Quezon Hall, UP Diliman
๐Ÿ”ด 10:00 AM โ€” Program Proper
๐Ÿ”ด 11:00 AM โ€” March to Wilcon, Commonwealth
๐Ÿ”ด 12:00 NN-2:00 PM โ€” Start of Wilcon Program
๐Ÿ”ด 2:00 PM โ€” BAYAN Program
๐Ÿ”ด 3:00 PM โ€” SONA ng Sambayanan 2026 @ New Capitol (Ever)



๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—œ๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐——-๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ฌ! โœŠ๐ŸปTo our CPSPA Student Council President and 20th PUP Student Regent Nominee, ...
10/07/2026

๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—œ๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐——-๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ฌ! โœŠ๐Ÿป

To our CPSPA Student Council President and 20th PUP Student Regent Nominee, Cherry Jhoana Ubani, your journey is a testament that leadership is never measured solely by the outcome of an election, but by the courage to stand firm on your principles.

You carried the banner of independent student leadership with conviction, proving that genuine service does not bend to political convenience. Though this chapter did not end as we had hoped, your voice, your integrity, and your unwavering commitment to the students have already inspired many!

The fight for a student movement rooted in principle, accountability, and people-centered leadership does not end here. This is only another stepping stone.

Patuloy mong itaas ang bandila ng malaya, makabuluhan, at makataong pamumuno. We are proud of you, and we know this is far from your last stand!

Serve the people, Cherry!


๐™„๐™‹๐˜ผ๐™๐™„๐™‰๐™„๐™‚ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™Š๐™Ž๐™€๐™Ž ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™†๐™Š๐˜ฟ-๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™Ž, ๐˜พ๐™ƒ๐™€๐™๐™๐™”!Sa pagpapatuloy ng 26th ANAK PUP Congress Convention, muling pinagtitibay a...
09/07/2026

๐™„๐™‹๐˜ผ๐™๐™„๐™‰๐™„๐™‚ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™Š๐™Ž๐™€๐™Ž ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™†๐™Š๐˜ฟ-๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™Ž, ๐˜พ๐™ƒ๐™€๐™๐™๐™”!

Sa pagpapatuloy ng 26th ANAK PUP Congress Convention, muling pinagtitibay ang kahalagahan ng demokratikong representasyon, pananagutan, at pamumunong nakaugat sa kapakanan ng komunidad.

Bilang Pangulo ng College of Political Science and Public Administration Student Council, si President Cherry Jhoana C. Ubani ay kumakatawan sa mga Lingkod-Bayan sa mahalagang prosesong ito, dala ang mandatong ipinagkatiwala ng komunidad at ang paninindigang ang tunay na representasyon ay nananatiling nakabatay sa konsultasyon, integridad, at pananagutan.

Sa bawat sesyon, talakayan, at pagpapasya, nawa'y manatiling gabay ang prinsipyo na ang tunay na liderato ay hindi lamang tungkol sa paghawak ng posisyon, kundi sa tapat na pagdadala ng boses ng mga taong pinaglilingkuran.

Irepresenta ang mga Lingkod-Bayan nang may dangal. Isabuhay ang pamumunong may pananagutan at dangal.


๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ฌ! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’Sa bawat responsibilidad na iyong ginagampanan at sa bawat hakbang na iyong tin...
12/06/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฅ๐—ฌ! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’

Sa bawat responsibilidad na iyong ginagampanan at sa bawat hakbang na iyong tinatahak bilang lider-estudyante, patuloy mong naipapakita ang dedikasyon, husay, at malasakit sa kapwa. Ang iyong pamumuno ay nagsisilbing inspirasyon sa maramiโ€”isang patunay ng matatag na paninindigan, may makabuluhang prinsipyo, at taos-pusong hangaring magsilbi para sa kapakanan ng mga lingkod-bayan.

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ก๐—œ๐—˜๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ฆ๐—ข | Ang PUP Sinagtala Coalition of Student Leaders ay buong pagkakaisang sinusuportahan ang SIKLAB S...
21/05/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ก๐—œ๐—˜๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ๐—ฆ๐—ข | Ang PUP Sinagtala Coalition of Student Leaders ay buong pagkakaisang sinusuportahan ang SIKLAB Sebastino para sa Student Council Election 2026 ng San Sebastian College โ€“ Recoletos.

Sa paninindigang โ€˜๐—›๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—ฟ. ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ. ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ฟโ€™., bibit ng SIKLAB Sebastino SSG Slate ang uri ng pamumunong may integridad, malasakit, at tunay na paglilingkod para sa kapakanan ng sangkaestudyantehan. Magpapatunay na ang kanilang liderato ay hindi lamang matutuon sa posisyon, kundi sa tunay na paglilingkod. Hindi lamang magsisilbing lehitimong representasyon, kundi huhubog ng mga lider-estudyante na may prinsipyo, pagkukusa, at paninindigan.

Nawaโ€™y magsilbing apoy ang kanilang adhikain upang higit pang mapalakas ang boses, pagkakaisa, at partisipasyon ng mga mag-aaral tungo sa makabuluhan at makataong pamumuno. Sama-sama nating pagningasin ang diwa ng serbisyo upang patuloy na maglingkod nang may kahusayan para sa kabataang Sebastino at taumbayan!

๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง: Symon Miguel A. De Guzman
๐—œ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง: Rianne Angelique Martinez
๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง: Raphael Ceasar Bernardo
๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ: Justine Mikaela Posadas
๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜๐—ฅ: Mikaela Mae Bernardo
๐—”๐—จ๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ: Cedrich Dizon
๐—ฃ.๐—ฅ.๐—ข.: Venice Lyka Robles




๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜! Sa pagtitipon-tipon ngayong Araw ng Paggawa, atin ding itinataas ang tinig para...
01/05/2026

๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜!

Sa pagtitipon-tipon ngayong Araw ng Paggawa, atin ding itinataas ang tinig para sa mga mag-aaral ng College of Political Science and Public Administration na sabay na lumalaban sa silid-aralan at mga opisinaโ€”mga kabataang pinipilit pagtagpuin ang pag-aaral at paghahanapbuhay sa gitna ng tumitinding krisis sa kabuhayan.

Hindi sapat ang papuri, bagkus ay kongkretong pagkilala at proteksyon, nakabubuhay na sahod, makataong oras ng paggawa, at mga patakarang tunay na kumikilala sa kanilang dobleng tungkulin bilang iskolar at manggagawa. Hindi magiging sapat ang diskarte at sipag kung ang mismong sistema ang siyang nagpapahirap sa nagkakaisang manggagawang pilipino. Hindi solusyon ang romanticizing โ€œgrind cultureโ€ kung ang kapalit nito ay pagod, burnout, at pagkalunod sa utang at obligasyon.

Kaya ngayong araw, malinaw ang ating paninindigan:

IGIIT ANG NAKABUBUHAY NA SAHOD!
IPAGLABAN ANG SEGURIDAD SA TRABAHO!
IPANAWAGAN ANG MGA POLISIYANG SUMUSUPORTA SA WORKING STUDENTS!

Mataas na pagpupugay kina Berenicy Celades, Denise Cordez, Dani Paderogao, Krystalin Sabran, Edward Obosa at sa lahat ng mga manggagawang estudyante at iskolar ng bayan! Dahil hanggaโ€™t may kabataang napipilitang magtrabaho para lang makapag-aral, hindi pa tapos ang laban.


๐—จ๐— ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ง๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š! ๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—œ๐—ง๐—”-๐—ž๐—œ๐—ง๐—” ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—˜๐—ก๐——๐—œ๐—ข๐—Ÿ๐—”!Ngayong araw, bilang selebrasyon sa araw ng paggawa, halina't sumama a...
30/04/2026

๐—จ๐— ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ง๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š! ๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—œ๐—ง๐—”-๐—ž๐—œ๐—ง๐—” ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—˜๐—ก๐——๐—œ๐—ข๐—Ÿ๐—”!

Ngayong araw, bilang selebrasyon sa araw ng paggawa, halina't sumama at tumungo sa Mendiola kasama ang mga kabataan at mga mangagawang pilipino na may paninindigang itaas ang sahod at ibigay ang karapat-dapat na karapatan!

Ngayong araw, hindi lang ito pagkilala bagkus ay paniningil. Paniningil sa sistemang patuloy na nagpapahirap sa manggagawa habang pinayayaman ang mga mandarambong. At sa gitna ng krisis, sino ang pinakanaaabuso? Ang mga manggagawa, ang mga working students at interns na pilit pinagsasabay ang pag-aaral at paggawa, ngunit kapalit ay mababang sahod, kawalan ng benepisyo, at kawalang seguridad.

Ipanawagan natin hindi lamang ang dagdag sahod, kundi ang tunay na pagkilala sa dignidad ng bawat manggagawaโ€”lalo na ang mga working students na sabay na lumalaban sa paaralan at sa trabaho. Kasama rin sa ating panawagan ang pagtataguyod ng karapatan ng mga intern na hindi dapat ituring na libreng lakas-paggawa, kundi mga kabataang dapat tinuturuan, ginagabayan, at binibigyan ng sapat na suporta at kompensasyon. Hindi sapat ang โ€œexperienceโ€ kung kapalit nito ay pagod, pang-aabuso, at kawalan ng seguridad.

Panahon na upang igiit: Makatarungang sahod para sa lahat, kabilang ang working students. Proteksyon at malinaw na polisiya para sa mga intern. Ligtas, makatao, at makatarungang lugar ng paggawa!

Sa mendiola kasama ang mga manggagagawa, sama-sama nating isigaw: isabatas ang nakabubuhay na sahod, ipaglaban patas na trato sa mga working students, at pagtataguyod ng mga karapatan ng mga intern. Hindi ito paki-usap, ito ay paniningil!

Magkita-kita sa Mendiola!


๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š | ๐—›๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—”๐—Ÿ๐—ฌ๐—ฆ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ข!Ipinapahayag ng Sinagtala Coalition of Student Leaders ang mariin na pagluluksa...
23/04/2026

๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š | ๐—›๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—”๐—Ÿ๐—ฌ๐—ฆ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ข!

Ipinapahayag ng Sinagtala Coalition of Student Leaders ang mariin na pagluluksa sa pagkawala ng isa sa mga lider-kabataan at Councilor mula sa University Student Council ng University of the Philippines Diliman na si Alyssa Alano.

Noong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na mga indibidwal ang napilitang magbakwit sa kanilang mga tahanan.

Mariing kinokondena ng Sinagtala Coalition ang ginawang pagpatay ng AFP kay Alyssa bilang isang sibilyan at mag-aaral na tanging nais lamang ay mapamuhay at makipag-aralan sa buhay ng mga magsasaka sa Negros.

Si Alyssa ay hindi isang kaaway ng estado, siya ay kapwa natin lider-estudyante na piniling ilaan ang kanyang panahon, talino, at lakas upang makinig sa mga tinig na matagal nang hindi pinakikinggan. Sa halip na manatili lamang sa loob ng silid-aralan, pinili niyang puntahan ang mga komunidad, unawain ang kanilang kalagayan, at maging bahagi ng kanilang pakikibaka. Sapagkat para sa kanya, ang tunay na paglilingkod ay isinasabuhay sa pakikisama, pakikinig, at pakikibaka kasama ang mamamayan.

Ang pagpaslang kay Alyssa at sa iba pang mga nasawi sa pag-aatake ng AFP ay malinaw na patunay ng patuloy na militarisasyon at karahasang ipinapataw sa mga komunidad sa kanayunan, mga komunidad na ang tanging hinihingi ay lupa, kabuhayan, at dignidad. Hindi krimen ang makiisa sa magsasaka. Hindi krimen ang matuto mula sa masa. At lalong hindi krimen ang magsilbi sa bayan.

Sa halip na protektahan ang mamamayan, ang mga armadong pwersa ng estado ang nagiging instrumento ng pananakot at panunupil. Ang ganitong uri ng karahasan ay hindi lamang pag-atake sa isang indibidwal, kundi isang direktang pagyurak sa karapatan ng kabataan at mamamayan na makilahok at mag-organisa.

Sa bawat lider-estudyanteng tulad ni Alyssa na pinatahimik ng dahas, mas lalong lumalakas ang panawagan para sa hustisya at pananagutan. Patuloy natin ipaglalaban ang kanyang sinimulan, ang pag-aralan ang lipunan, ang pakikinig sa kanilang kwento, at ang walang sawang pakikibaka para sa isang lipunang makatarungan.

Hustisya para kay Alyssa Alano! Ang diwa ni Alyssa ay mananatiling buhay sa malawak na hanay ng mga iskolar ng bayan.



๐—•๐—”๐—•๐—”๐—˜ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก! โœŠ๐Ÿป๐Ÿ’œThis International Womenโ€™s Day, we recognize the women leaders who continue to lead, organize,...
08/03/2026

๐—•๐—”๐—•๐—”๐—˜ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก! โœŠ๐Ÿป๐Ÿ’œ

This International Womenโ€™s Day, we recognize the women leaders who continue to lead, organize, and challenge the spaces they occupy!

In student leadership, women are not merely presentโ€”they are at the forefront of advocacy, accountability, and transformative change. From classrooms to councils, publications, and organizations, from mobilizations to policy discussions, they confront barriers, dismantle sexist norms, and prove that leadership rooted in courage and conviction reshapes institutions.
Their leadership is not an exception. It is a force, a powerful one!

This month, and every day, we stand with the women of CPSPA who refuse silence, demand equity, and lead the struggle for a more just and inclusive academic community.

Abante, Babae!



๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”, ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก! โœŠ๐ŸปNgayong ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power, hindi ito ...
25/02/2026

๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”, ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก! โœŠ๐Ÿป

Ngayong ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power, hindi ito para lamang magdiwang ng isang makasaysayang petsa, bagkus, upang alalahanin na ang EDSA Uprising ay hindi simpleng pahina sa libro ng kasaysayan, ito ay patunay na kapag nagkaisa ang mamamayan, kayang patumbahin ang diktadura at panagutin ang mapang-abuso. Mula kay Marcos Sr. hanggang ngayon, kay Marcos Jr.

Ngunit sa kasalukuyan, malinaw ang mga tangkang baluktutin ang kasaysayan at palabasing kathang-isip ang mga krimen ng nakaraan. Sa ilalim ng administrasyon nina Marcos Jr. at Sara Duterte, patuloy nating nasasaksihan ang kakulangan ng pananagutan sa mga mandarambong, ang normalisasyon ng political dynasty, at ang patuloy na pagpapatahimik sa mga kabataang pilipino.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, may tungkulin tayong manindigan. Kung hindi man magsuspinde ng klase ang pamahalaan, hindi nangangahulugang suspendido ang ating konsensya. Hindi nangangahulugang ititigil natin ang pag-alala at pagkilos ng mga kabataang lingkod-bayan!

Ang tunay na diwa ng edukasyon ay hindi nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan, ito ay nasa kalsada, nasa pagkilos, nasa paninindigan!

Hindi makakalimot. Hindi mananaig ang kasamaan at kadiliman sa kapangyarihan ng kabataan at mamamayan!


Address

Polytechnic University Of The
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sinagtala Coalition of Student Leaders posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share