DSWD MIMAROPA Region

DSWD MIMAROPA Region This platform was created on June 7, 2024 that will serve as the Official FB Page of DSWD MIMAROPA Region.
(4)

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐‘๐„๐‹๐„๐€๐’๐„: ๐’๐ˆ๐‹๐•๐„๐‘ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹ ๐๐€๐‘๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐‰๐‡๐ˆ๐Œ๐„๐‹ ๐’๐ˆ๐Œ๐๐‘๐Ž๐’๐Ž ๐’๐€ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒ๐’๐Š๐ˆ๐‹๐‹๐’ ๐‚๐Ž๐Œ๐๐„๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐BUSUANGA, Palawan โ€“ Isang k...
03/06/2026

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐๐‘๐„๐’๐’ ๐‘๐„๐‹๐„๐€๐’๐„: ๐’๐ˆ๐‹๐•๐„๐‘ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹ ๐๐€๐‘๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐‰๐‡๐ˆ๐Œ๐„๐‹ ๐’๐ˆ๐Œ๐๐‘๐Ž๐’๐Ž ๐’๐€ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒ๐’๐Š๐ˆ๐‹๐‹๐’ ๐‚๐Ž๐Œ๐๐„๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐

BUSUANGA, Palawan โ€“ Isang karangalan para sa MIMAROPA ang tagumpay ni Jhimel N. Simproso ng Barangay Panlaitan, Busuanga, Palawan matapos makamit ang Silver Medal sa katatapos na TESDA Regional WorldSkills Competition sa larangan ng Mechatronics.

Bilang bahagi ng koponan mula sa Dualtech Training Center, ipinamalas ni Jhimel at ng kanyang mga kasamahan ang kanilang kahusayan sa industrial automation at control systems, na nagbigay sa kanila ng ikalawang pinakamataas na karangalan sa kompetisyon.

Si Jhimel ay dating monitored child ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang kanyang tagumpay ay patunay na sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, at determinasyon, nagkakaroon ng mas malawak na oportunidad ang kabataang Pilipino upang maabot ang kanilang mga pangarap at makapag-ambag sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

Binabati ng DSWD MIMAROPA si Jhimel sa kanyang natatanging tagumpay at nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kabataang benepisyaryo ng programa na patuloy na magsikap para sa kanilang kinabukasan.

โค

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ข๐ญ๐ž ๐•๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐‹๐€๐–๐€ ๐š๐ญ ๐๐ˆ๐๐‡๐ˆ ๐’๐ข๐ญ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐š๐ง๐ ๐š, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐งNagsagawa ang DSWD Fi...
03/06/2026

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ข๐ญ๐ž ๐•๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐‹๐€๐–๐€ ๐š๐ญ ๐๐ˆ๐๐‡๐ˆ ๐’๐ข๐ญ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐š๐ง๐ ๐š, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง

Nagsagawa ang DSWD Field Office MIMAROPA ng site visitation noong Mayo 28, 2026 sa mga barangay ng New Busuanga, San Rafael, at Sto. Niรฑo para sa mga proyektong nasa ilalim ng Project LAWA at BINHI (PLAB) sa bayan ng Busuanga, Palawan.

Layunin ng isinagawang pagbisita na masuri ang kalagayan at progreso ng mga naipatupad na proyekto sa komunidad, gayundin ang aktibong partisipasyon ng mga partner-beneficiaries sa pagpapanatili ng mga ito.

Sa pamamagitan ng regular na monitoring at site visitation, patuloy na tinitiyak ng DSWD MIMAROPA ang maayos na implementasyon at sustainability ng mga proyekto tungo sa mas matatag at climate-resilient na mga komunidad.

โค๏ธ

Bilang pakikiisa sa layunin ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) na mapaunlad ang literacy skills ng mga kabataang mag...
03/06/2026

Bilang pakikiisa sa layunin ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) na mapaunlad ang literacy skills ng mga kabataang mag-aaral, nagkaloob ang Local Government Unit (LGU) ng Puerto Galera ng libreng snacks na biskwit at juice para sa 258 learner-beneficiaries ng TBTP.

Ito ay unang ipinamahagi sa pamamagitan ng lahat ng Tutors at Youth Development Workers ng Colegio de Puerto Galera na naka-assign sa 21 partner elementary schools noong Mayo 18, 2026 at inilaan para sa ika-11 hanggang ika-20 araw ng sessions, mula Mayo 18 hanggang 29.

Sa pangunguna ni Honorable Mayor Robinhood D. Ylagan, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Arnel Vincent M. Padayhag, ang inisyatibong ito ay nagsilbing malaking suporta sa pagpapatupad ng programa at pagbibigay ng dagdag na motibasyon sa mga mag-aaral na aktibong lumahok sa 20-day tutoring sessions.

Patunay ito na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga lokal na pamahalaan at program partners, mas mapapalawak ang positibong epekto ng programa sa mga benepisyaryo at sa komunidad. Sinasalamin din nito ang dedikasyon at matibay na pagtutulungan ng DSWD at ng program partners sa pagsusulong ng edukasyon at paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan.

โค๏ธ

03/06/2026

๐Ÿ“ป ๐€๐ฅ๐š๐ฆ ๐Œ๐จ ๐๐š? ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐ƒ๐’๐–๐ƒ!

๐‹๐ˆ๐•๐„ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฒ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐”๐ฌ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‘๐š๐๐ฒ๐จ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง: Ating pakinggan ang panayam kay Kristoffer N. Benoya, RSW, Project Development Officer III ng DSWD Crisis Intervention Program sa MIMAROPA, upang talakayin ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), isang programang nagbibigay ng agarang tulong sa mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis at nangangailangan ng suporta.

Alamin ang iba't ibang uri ng serbisyong maaaring maibigay sa ilalim ng AICS, kabilang ang medikal, pang-edukasyon, pangkabuhayan, transportasyon, at iba pang kinakailangang assistance para sa mga nangangailangan.

๐Ÿ“Œ Makinig, makibahagi, at alamin kung paano patuloy na nagiging katuwang ang DSWD sa pagbibigay ng maagap at makataong tulong sa mga mamamayang nahaharap sa iba't ibang hamon ng buhay.

โค๏ธ

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ˆ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐จ๐ซ๐ฏ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž, ๐‹๐ฎ๐›๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐€๐‹๐€๐‡๐ˆ-๐‚๐ˆ๐ƒ๐’๐’Isang mahalagang proyekt...
03/06/2026

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ˆ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐จ๐ซ๐ฏ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž, ๐‹๐ฎ๐›๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐€๐‹๐€๐‡๐ˆ-๐‚๐ˆ๐ƒ๐’๐’

Isang mahalagang proyektong pangkalusugan ang pormal na sinimulan sa pamamagitan ng Ground Breaking Ceremony para sa pagpapatayo ng ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง sa Barangay Sorvelle, Lubang, Occidental Mindoro noong Mayo 18, 2026. Ang proyektong nagkakahalaga ng โ‚ฑ๐Ÿ“.๐Ÿ‘๐Ÿ’ ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง ay ipatutupad sa ilalim ng ๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Š๐€๐‹๐€๐‡๐ˆ-๐‚๐ˆ๐ƒ๐’๐’ ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฒ๐š๐ซ๐ข๐ก๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ (๐Š๐Š๐) โ€“ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ-๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž๐ง ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ (๐‚๐ƒ๐ƒ) Program.

Pinangunahan ng mga Community Volunteers ng Barangay Sorvelle, katuwang ang mga opisyal ng barangay at ang Lokal na Pamahalaan ng Lubang sa pangunguna ni Mayor Michael Orayani, ang aktibidad bilang patunay ng sama-samang pagkilos ng komunidad upang matugunan ang kanilang prayoridad na pangangailangan sa serbisyong pangkalusugan.

Sa oras na matapos ang proyekto, inaasahang mas mapapalapit sa mga residente ng Barangay Sorvelle at mga karatig-komunidad ang mga pangunahing serbisyong medikal. Patunay ito na sa pamamagitan ng Community-Driven Development approach, nagiging posible ang mga proyektong tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan at nagdudulot ng pangmatagalang benepisyo sa komunidad.

โค๏ธ

TINGNAN: Noong Mayo 26, 2026, nagsagawa ng Learning Visit ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field ...
03/06/2026

TINGNAN: Noong Mayo 26, 2026, nagsagawa ng Learning Visit ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA Technical Working Group (TWG) on the Creation of the Residential Care Facility sa Regional Haven for Women and Girls na matatagpuan sa Rosario, Batangas.

Ang aktibidad ay bahagi ng inisyatiba ng Field Office sa iminungkahing pagtatatag ng Residential Care Facility sa Sablayan, Occidental Mindoro, na naglalayong magbigay ng pansamantalang tirahan, proteksyon, at serbisyo sa rehabilitasyon para sa mga kababaihan at batang babae na biktima ng pang-aabuso at karahasan.

Ang Local Government Unit ng Sablayan ay bukas-palad na nag-donate ng proposed site para sa center sa pamumuno ni Mayor Walter 'B**g' B. Marquez. Ang inisyatiba ay naglalayong tugunan ang dumaraming mga kaso na may kinalaman sa karahasan sa tahanan, panggagahasa, trafficking, pagsasamantala, at iba pang anyo ng pang-aabuso na nakakaapekto sa kababaihan at batang babae na may edad 13 hanggang 59 taong gulang sa loob ng rehiyon.

Sa pagbisita, ang Technical Working Group ay nakatuon sa kasaysayan, pagtatatag, operasyon, programa, serbisyo, at pinakamahusay na kasanayan ng Regional Haven for Women and Girls sa CALABARZON. Nagbigay din ng mahahalagang insights sa pamamahala ng pasilidad, paghawak ng kaso, mga diskarte sa interbensyon, mga kinakailangan sa kawani, at pagpapatupad ng mga serbisyo sa pangangalaga sa tirahan para sa mga kababaihan at batang babae sa mahihirap na kalagayan.

Ang learning visit ay higit na nagpalakas sa pangako ng DSWD MIMAROPA sa pagtiyak na ang mga mahihinang kababaihan at mga batang babae sa rehiyon ay magkakaroon ng access sa isang ligtas, maprotektahan, at mapangalagaang kapaligiran kung saan sila ay makakabawi, makakapagpagaling, at mabubuo muli ang kanilang buhay.

โค๏ธ

๐Ÿ“ข ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN BILANG SOLO PARENT!Alamin ang mga benepisyo, serbisyo, at iba pang mahahalagang imporma...
03/06/2026

๐Ÿ“ข ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN BILANG SOLO PARENT!

Alamin ang mga benepisyo, serbisyo, at iba pang mahahalagang impormasyon na nakapaloob sa Expanded Solo Parents Welfare Act (Republic Act No. 11861).

Tuklasin kung paano sinusuportahan ng batas ang mga solo parent sa pamamagitan ng iba't ibang programa, pribilehiyo, at serbisyong naglalayong mapabuti ang kanilang kapakanan at ng kanilang mga anak.

๐Ÿ“Œ Basahin at ibahagi upang mas marami pang solo parent ang maging mulat sa kanilang mga karapatan at benepisyo sa ilalim ng batas.

โค๏ธ


๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐Ÿ’๐๐ฌ | ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ซ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐š, ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐šMinsang nangamba kung paano maitatawid a...
02/06/2026

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐Ÿ’๐๐ฌ | ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ซ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐š, ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š

Minsang nangamba kung paano maitatawid ang araw-araw na pangangailangan, ngayon ay buong pagmamalaking nasasaksihan ni Nanay Emely M. Mangaya ng San Agustin, Romblon ang tagumpay ng kanyang mga anak.

Bilang dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Parent Leader, naging katuwang niya ang programa sa paghubog ng mas matatag na kinabukasan para sa kanyang pamilya. Sa tulong ng 4Ps, edukasyon, at walang sawang pagsisikap, nakapagtapos bilang Magna Cum Laude ang kanyang panganay, naging Police Officer ang isa niyang anak, at kasalukuyang tinatapos ng bunso ang kursong Criminology.

"Kapag nakikita kong unti-unti nilang naaabot ang kanilang mga pangarap, pakiramdam ko ay sulit ang lahat ng pagod at paghihirap namin noon," ani Nanay Emely.

Ang kanyang kuwento ay patunay na sa tulong ng pamilya, sipag, tiyaga, at tamang suporta, ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang mga pangarap.

Ang pangarap ng isang ina ay naging tagumpay ng buong pamilya.

Basahin ang kanilang kwento sa: https://fo4b.dswd.gov.ph/2026/06/mula-sa-pangarap-ng-isang-ina-tungo-sa-tagumpay-ng-isang-pamilya/

โค

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐ซ๐ž-๐Œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐š๐ญ ๐‚๐š๐ฌ๐ก-๐Ÿ๐จ๐ซ-๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฒ-๐จ๐ฎ๐ญ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐š๐ง๐ ๐š, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐งNagsagawa ...
02/06/2026

๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐ซ๐ž-๐Œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐š๐ญ ๐‚๐š๐ฌ๐ก-๐Ÿ๐จ๐ซ-๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฒ-๐จ๐ฎ๐ญ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐š๐ง๐ ๐š, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง

Nagsagawa ang DSWD Field Office MIMAROPA ng Cash-for-Training kaugnay ng Pre-Membership Education Seminar (PMES) at pay-out noong Mayo 26, 2026 sa Municipal Agriculture Building, Barangay Salvacion, Busuanga, Palawan. Dinaluhan ito ng siyamnapuโ€™t siyam (99) na partner-beneficiaries mula sa bayan ng Busuanga.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa kahalagahan ng pagiging kasapi sa mga organisasyon at kooperatiba, gayundin ang mga responsibilidad at benepisyong kaakibat nito. Kasabay nito, matagumpay ring naisagawa ang pay-out ng cash assistance para sa mga partner-beneficiaries bilang bahagi ng kanilang partisipasyon sa programa.

Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, patuloy na pinagtitibay ng DSWD MIMAROPA ang suporta nito sa pagpapaunlad ng kakayahan at kabuhayan ng mga benepisyaryo tungo sa mas matatag at sustenableng komunidad.

โค๏ธ

Join the dedicated and passionate public servants of DSWD MIMAROPA!Please see images for reference. All applications mus...
02/06/2026

Join the dedicated and passionate public servants of DSWD MIMAROPA!

Please see images for reference. All applications must be submitted through the link below:
https://forms.gle/buEypatmFPYf3jVQ8

Make sure you are logged in to your Gmail account to be able to access the link.

Deadline of submission of application is on or before 09 JUNE 2026.

Kindly present the following documents needed for your application:
1. Application Letter (preferably handwritten) addressed to:
Benchie B. Gonzales
Regional Director
DSWD Field Office MIMAROPA
1680 F.T. Benitez corner Malvar St. Malate, Manila
2. Accomplished and notarized Personal Data Sheet (PDS) with recent passport size picture and thumbmark; and Work Experience Sheet which can be downloaded at www.csc.gov.ph;
3. Comprehensive/Functional resume or Curriculum Vitae;
4. Copy of Certificate of Eligibility/Rating/License (if applicable);
5. Copy of Transcript of Records; and
6. Copy of certificate of relevant trainings /seminars attended.


Address

F. T. Benitez Corner Malvar Streets
Manila
1004

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63285252445

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD MIMAROPA Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DSWD MIMAROPA Region:

Share