19/08/2026
ALTERNATIBONG KAAYUSAN SA PAGTATRABAHO PARA SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN AT ALTERNATIBONG PARAAN NG PAGKATUTO PARA SA MGA PAARALAN SA AGOSTO 20
Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 131, inaatasan ang mga tanggapan ng pamahalaan na magpatupad ng naaangkop na alternatibong kaayusan sa pagtatrabaho (Alternative Work Arrangements) sa National Capital Region (NCR) at sa mga sumusunod na lalawigan sa Agosto 20, 2026:
National Capital Region (NCR)
Abra
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales
Batangas
Cavite
Laguna
Rizal
Occidental Mindoro
Maliban kung may ibang tagubilin mula sa kani-kanilang Local Chief Executives (LCEs), ipatutupad sa mga nabanggit na lugar ang alternatibong paraan ng pagkatuto (Alternative Learning Modes) para sa mga klase, gayundin ang mga kinakailangang hakbang para sa pagpapatuloy ng pagkatuto (learning continuity measures) sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Ang mga ahensiyang nangangasiwa sa paghahatid ng pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa sakuna, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon at magbibigay ng mga kinakailangang serbisyo.
Ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na saklaw ng alternatibong kaayusan sa pagtatrabaho ay babayaran ng kaukulang sahod o suweldo, alinsunod sa mga umiiral na tuntunin, regulasyon, at naaangkop na mga patakaran.
Samantala, ang pagsuspinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternatibong kaayusan sa pagtatrabaho sa pribadong sektor ay ipauubaya sa pagpapasya ng pamunuan o management ng bawat kumpanya.
Sanggunian: Presidential Communications Office