SPARK PUP

SPARK PUP Sumama sa pakikibaka! join.sparkkabataan.org

02/06/2026

Posisyon ng Samahan ng Progresibong Kabataan - SPARK Hinggil sa mga Panukalang Batas HB 6266 at HB 6870

Kinikilala ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang layunin ng House Bills Nos. 6266 at 6870 na palakasin ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) bilang National Polytechnic University. Bilang mga kabataang nagsusulong ng dekalidad, libre, aksisable, ligtas siyentipiko, at makamasang edukasyon, naniniwala kaming mahalaga ang anumang hakbang na magpapalawak sa kakayahan ng pamantasan sa larangan ng pagtuturo, pananaliksik, at paglilingkod sa bayan.

Gayunpaman, mahalagang matiyak na ang mga probisyong nakapaloob sa mga panukalang batas ay hindi magiging daan sa komersyalisasyon ng edukasyon, paghina ng demokratikong partisipasyon ng mga sektor ng pamantasan, at paglihis sa pampubliko at makamasang mandato ng PUP bilang People's University. May ilang contentious na probisyon sa dalawang panukalang batas na nangangailangan ng mas malinaw na safeguards upang maprotektahan ang interes, kapakanan, at karapatan ng mga mag-aaral at kawani ng PUP.

Kaugnay nito, inihahain ng SPARK ang mga sumusunod na komento, katanungan, at mungkahing amyenda:

Hinggil sa Section 8 (q), nananatiling malawak at hindi malinaw ang saklaw ng terminong “purposes and objectives of the PUP.” Dahil dito, mahalagang maglagay ng karagdagang kondisyon na nagsasaad na ang anumang consortia at iba pang economic forms of linkages na papasukin ng unibersidad ay hindi dapat makasama o maging dehado sa mga mag-aaral, g**o, at kawani ng PUP, at dapat manatiling nakahanay sa pampublikong mandato ng pamantasan.

Hinggil naman sa Section 8 (s), bagama't kinikilala ang papel ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagsusuri ng mga joint venture agreements, hindi dapat NEDA lamang ang kinokonsulta sa mga kasunduang maaaring magkaroon ng direktang epekto sa komunidad ng PUP. Ang pagpasok sa mga joint venture agreement ay dapat dumaan sa masusing konsultasyon at rekomendasyon ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng unibersidad upang matiyak na ang mga ito ay tunay na nagsisilbi sa interes ng pamantasan at ng mga sektor nito.

Sa Section 8 (x), ang pag-outsource ng mga non-academic services gaya ng health, food, at maintenance services ay dapat ding sumailalim sa malawak na konsultasyon sa mga sektor ng unibersidad. Dapat tiyakin na ang anumang outsourcing arrangement ay hindi magreresulta sa pagbaba ng kalidad ng serbisyo, pagtaas ng gastos para sa mga mag-aaral, o paglabag sa karapatan at seguridad sa trabaho ng mga kawani.

Naniniwala ang SPARK na kinakailangang magkaroon ng malinaw at tahasang safeguards sa panukalang batas upang matiyak na ang mga lupain, pasilidad, at iba pang asset ng PUP ay mananatiling nakalaan para sa mga layuning pang-edukasyon, pananaliksik, at kapakanan ng mga mag-aaral. Hindi dapat maging daan ang mga probisyong may kaugnayan sa economic partnerships at asset management upang unti-unting maisailalim sa komersyalisasyon ang mga ari-arian ng pamantasan. Sa harap ng patuloy na kakulangan sa pondo ng mga state universities and colleges, mahalagang matiyak na ang mga lupain at asset ng PUP ay hindi mauwi sa paggamit ng mga for-profit institutions na maaaring sumalungat sa pampubliko at makamasang mandato ng unibersidad bilang People's University.

Naniniwala kami na ang pagpapalakas sa PUP ay hindi dapat nakabatay lamang sa pagpapalawak ng charter nito kundi sa pagtitiyak na mananatiling abot-kaya, demokratiko, makatao, at nakatuon sa kapakanan ng mga Iskolar ng Bayan ang edukasyon.

Higit sa lahat, ang pangunahing tugon sa krisis sa edukasyon ay nananatiling sapat na pampublikong pondo para sa mga state universities and colleges. Anumang bersyon ng NPU Bill ay dapat maglaman ng malinaw na safeguards laban sa komersyalisasyon, pribatisasyon, at mga polisiyang maaaring makasama sa mga mag-aaral, g**o, at kawani ng PUP.

Muli tinatanggap at nakikiisa ang SPARK sa muling pagbubukas ng usapin at pagsusulong sa NPU Bill at handang makilahok sa kritikal na pagsusuri nito. Anumang reporma ay dapat magsilbi sa interes ng mga estudyante at mamamayan, hindi ng pribadong negosyo, kasabay ng patuloy na panawagan para sa mas mataas na badyet at higit na pagpapalakas ng pampublikong edukasyon.

Pondo para sa edukasyon, hindi komersyalisasyon. Palakasin ang PUP mula sa’yo para sa bayan.

MAALAB NA PAGBATI SA MGA BAGONG ISKOLAR NG SINTANG PAARALAN!Sa paglabas ng resulta panibagong sibol na naman ng mga kaba...
26/05/2026

MAALAB NA PAGBATI SA MGA BAGONG ISKOLAR NG SINTANG PAARALAN!

Sa paglabas ng resulta panibagong sibol na naman ng mga kabataan na nasasabik sa hamon at karanasang dala ng Sinta. Sinasabi nila na edukasyon raw ang susi sa tagumpay ngunit paano na kung edukasyon mismo ang problema?

Sa pagpasok ninyo sa Sintang Paaralan, bubungad sa inyo ang lagay ng mga Iskolar ng Bayan at kawani ng paaralan na inaabandona ng gobyerno: kulang-kulang na silid aralan, learning equipment at iba pang pagpapabaya.

Kaya't hamon sa atin na suriin ang tunay na larawan ng lipunan, mamulat, maglingkod, at makibaka!

Kaya naman sa mga bagong Iskolar nawa’y makasama namin kayo sa hanay ng mga progresibong kabataan na mulat, lumalaban, at buong tapang na hinaharap ang pagsubok na dala ng pagiging Iskolar ng Sinta.

SUMAPI sa SPARK PUP!
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

LBC: HARI NG PAGBARAT! MANINDIGAN PARA SA MGA MANGGAGAWA NG LBC MM!Nakikiisa ang Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK...
20/05/2026

LBC: HARI NG PAGBARAT! MANINDIGAN PARA SA MGA MANGGAGAWA NG LBC MM!

Nakikiisa ang Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) sa laban ng mga manggagawa ng LBC sa kanilang Notice of Strike laban sa kanilang kuripot at kontra-manggagawang management.

Bagama’t 14 bilyong piso ang kinikita ng LBC noong 2025, sampal sa mukha sa lahat ng manggagawa ang P14 in three years na counter-offer ng management sa P100 na hinihingi ng unyon. Totoo ang ginigiit ng mga manggagawa na sila ang mga tunay na lumilikha ng yaman para sa LBC. Walang 14 bilyong pisong kita ang LBC kung wala ang lahat ng mga truck driver, warehouse sorter, admin clerks, at iba pang logistics workers ng LBC.

Hindi sapat ang barya-baryang increase, lalo’t lalo ng patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at kawalan ng suporta ng gobyerno sa kabila ng krisis sa langis at enerhiya. Kaya nararapat at kailangan ng agarang wage increase at nakabubuhay na sahod!

Ang laban para sa nakabubuhay na sahod ay laban hindi lamang ng mga manggagawa sa LBC, kundi laban ng buong uring manggagawa. Kaya naman, bilang kabataan, kailangan nating makialam, makiisa, at makihanay sa manggagawa ng LBC!




15/05/2026

IMPYERNO SA SINTANG PAARALAN, PUP BUDGET ITAAS!

Ang pagsabog ng generator sa PUP ay hindi simpleng aksidente noong Mayo 5, 2026. Ito ay malinaw na resulta ng taon-taong kapabayaan, kakulangan sa pasilidad, at sistematikong pagkakait ng sapat na badyet sa pampublikong edukasyon.

Hindi dapat nag-aaral ang mga iskolar ng bayan sa mga gusaling may panganib ng sunog, sa mga silid-aralang siksikan at kulang sa bentilasyon, at sa mga pasilidad na unti-unti nang bumibigay dahil sa kapabayaan ng estado. Ang nangyari sa PUP ay hindi hiwalay na insidente kundi manipestasyon ng malalim na krisis sa pampublikong edukasyon sa ating bansa.

Dapat nang panagutin ang mga responsable sa kapabayaang ito at agarang maglaan ng sapat na pondo para sa rehabilitasyon ng mga pasilidad ng PUP at iba pang pampublikong pamantasan. Iginigiit natin ang makabuluhang pagtaas ng badyet sa edukasyon, pagpapatayo ng ligtas at maayos na mga gusali, at pagtiyak na hindi na muling malalagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante at kawani.

Hindi luho ang ligtas at dekalidad na edukasyon, ito’y isang karapatan para sa lahat ng kabataan.

Sumapi sa SPARK: join.sparkkabataan.org


IN PHOTOS: Members of the Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) stage a noise barrage outside the GMA Network compoun...
15/05/2026

IN PHOTOS: Members of the Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) stage a noise barrage outside the GMA Network compound along EDSA corner Timog Avenue in Quezon City on May 14, 2026, protesting the alleged cover-up and escape of Senator Ronald “Bato” dela Rosa. The group accused Senate President Alan Peter Cayetano and the Senate majority bloc of enabling dela Rosa’s alleged evasion of arrest, while also calling on authorities to uphold Republic Act No. 9851 or the Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.
📸 SPARK via Edd Castro

CUT THE BS! ARREST BATO DELA ROSA NOW!Samahan ng Progresibong Kabataan calls on the government to cut through the drama ...
13/05/2026

CUT THE BS! ARREST BATO DELA ROSA NOW!

Samahan ng Progresibong Kabataan calls on the government to cut through the drama and deliver on its mandate.

The Philippine government has the ability and legal backing to enforce any violations of international humanitarian law through Republic Act 9851. As such, law enforcement agencies are within the purview to implement the ICC warrant of arrest for Bato Dela Rosa in his role as co-perpetrator of the Duterte era war on drugs leading to the deaths of thousands of working class and young Filipinos.

Any claim made to the contrary is made in the political interest of protecting Bato dela Rosa and his pro-Duterte allies and dynasties. Likewise, the Senate majority led by Alan Peter Cayetano must not use the “traditions” and “privileges” of the Senate to aid and abet an international fugitive within its halls. The stand-off outside the Senate Complex is a slap in the face of the Filipino people who have continually sought justice for violations of its democratic rights and the public trust by the corrupt and power-hungry elite.

Furthermore, if the Senate wishes to restore any semblance of its legitimacy, it must immediately convene itself on the matter of Sara Duterte’s impeachment. It must not follow the example of the shenanigans and antics made by Chiz Escudero to delay and derail the much-needed prosecution of the crimes committed by the Vice President.

The youth will no longer see through the illusions of the ruling class in power. It is time for the Senate to get its act straight, or it will be the people themselves who will finish the job for them.

join.sparkkabataan.org

📷 Daily Guardian

BROWN OUT NA, SUNOG PA: ANO PANG KAILANGAN NAMING DANASIN PARA TAASAN ANG BUDGET NG PUP?Pruweba ng kapabayaan ng gobyern...
05/05/2026

BROWN OUT NA, SUNOG PA: ANO PANG KAILANGAN NAMING DANASIN PARA TAASAN ANG BUDGET NG PUP?

Pruweba ng kapabayaan ng gobyerno ang nangyaring pagsabog ng generator sa PUP Main dahil nagoverheat at naging sanhi ng sunog sa East and West Wing. Patunay na kapahamakan ang dulot ng laging pagbabawas ng budget ng Sintang Paaralan.

Ang pawala-walang kuryente at ang pagtitiis natin sa tila-oven toaster na mga klasrum, tayong mga estudyante, g**o at kawani ang nagdurusa sa pag-abandona ng gobyerno sa tungkulin nito na ibigay ang pampublikong serbisyo.

Hanggang kailan tayo magtitiis?

Patuloy tayong manawagan sa gobyerno at panagutin sila sa kanilang kapabayaan, lumaban para sa karapatan natin bilang estudyante ng Sintang Paaralan!

Ipinapanawagan ng SPARK PUP sa administrasyong Marcos na agarang ibigay ang subsidyo para sa energy costs ng mga SUC gaya ng PUP, gayun din ang pagbibigay ng ayuda para sa mga Iskolar ng Bayan para itawid ang tumataas na gastusin sa pag-aaral. Panghuli, panahon nang itaas ang budget ng PUP at lahat ng pampublikong kolehiyo't unibersidad.

Sumapi sa SPARK: join.sparkkabataan.org



  | Amid the debate, youth group Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) urged education authorities and local governme...
05/05/2026

| Amid the debate, youth group Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) urged education authorities and local governments to take broader action to ensure accessible and quality education.

SPARK said CHED should also address issues affecting students in state universities and local colleges, including the continuity of in-person classes.

It also called on the agency to coordinate with the Department of Budget and Management and the Department of Energy to provide subsidies for power costs in public higher education institutions.
The group cited power interruptions in campuses, including the Polytechnic University of the Philippines in Manila, which disrupted classes during periods of extreme heat.

Read below:

The Coordinating Council of Private Educational Associations yesterday raised serious concerns over reports that the Commission on Higher Education would issue a “blanket denial” on all pending petitions for tuition increases filed by private colleges and universities.

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPARK PUP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share