26/05/2026
MARAMING SALAMAT, EMILIO AGUINALDO COLLEGE!
Isang malaking pasasalamat mula sa Barangay 810, Paco Manila sa pagbisita at pagdaraos ng napaka-importante at napaka-timely na seminar na may temang: "LABEL TOHH, HINDI CHISMIS: BASAHIN MO PLEASE!"
Maraming salamat sa mga faculty, student volunteers, at buong team ng Emilio Aguinaldo College sa pagbabahagi ng inyong oras, kaalaman, at malasakit sa aming mga ka-barangay. Malaking tulong ang inyong seminar para labanan ang maling impormasyon at paalalahanan tayong lahat na suriin muna ang katotohanan bago maniwala at magpakalat ng kwento.
Nawa’y magpatuloy ang inyong magandang layunin na maghatid ng edukasyon at kamulatan sa mga komunidad!
Mabuhay ang EAC! Mabuhay ang kabataan na may malasakit!