𝗦𝗔𝗠𝗔𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗣 𝗖𝗦𝗦𝗗

𝗦𝗔𝗠𝗔𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗣 𝗖𝗦𝗦𝗗 SAMASA PUP CSSD is a local chapter of Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan PUP (SAMASA PUP)

MATAGUMPAY ANG PROTESTANG BAYAN NG MAMAMAYAN AT ISKOLAR NG BAYAN LABAN SA PAGSIRIT NG PRESYO NG LANGIS AT PAGTAPAK NG SO...
15/04/2026

MATAGUMPAY ANG PROTESTANG BAYAN NG MAMAMAYAN AT ISKOLAR NG BAYAN LABAN SA PAGSIRIT NG PRESYO NG LANGIS AT PAGTAPAK NG SOBERANYA!

TIGNAN | Nakiisa ang mga Konsensya ng Bayan sa kilos protesta ng mga Iskolar ng Bayan sa matagumpay na pagkilos upang kalampagin ang rehimeng Marcos Jr. sa gitna ng sunod-sunod na krisis sa ekonomiya. Mariing ipinapanawagan ng mga Konsensya ng Bayan ang kagyat na pagpapatigil sa Oil Price Hike, pag-alis sa pahirap na VAT at Excise Tax, at ang makatarungang pagtataas ng sahod para sa mga manggagawa. Habang patuloy na nagpapakasasa sa tubo ang mga dambuhalang korporasyon ng langis gaya ng Petron, Caltex, at Shell, ang sambayanang Pilipino ang pumapasan sa bigat ng nagmamahalang bilihin at kumakalam na sikmura.

Kasabay nito, mariing tinututulan ng mga kabataan ang pagbebenta sa soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Balikatan Exercises at iba pang kasunduang militar sa imperyalistang Estados Unidos. Habang ginagawang pain ang ating bansa sa mga dayuhang interes at agresyong giyera sa Kanlurang Asya, patuloy naman ang pambobomba at intimidasyon sa mga komunidad ng mga magsasaka at pambansang minorya sa sarili nating lupa. Bilyon-bilyon ang ibinubuhos sa NTF-ELCAC at confidential funds, ngunit nananatiling barat ang pondo para sa edukasyon at pasilidad sa loob ng Sintang Paaralan.

Hanggang kailan magtitiis ang masa sa kakarampot na tira habang ang mga nasa kapangyarihan ay nagpapasasa sa pawis at dugo ng bayan? Ang bawat pagtataas ng presyo at pagkaltas sa serbisyo ay malinaw na pag-atake sa karapatan ng bawat Pilipino. Hindi hihinto ang mga Iskolar ng Bayan sa pakikibaka hangga’t hindi natutuldukan ang mga krisis ito. Iskolar ng bayan, maninindigan, at lumaban para sa tunay na demokrasya, kabuhayan, at kalayaan!



KONSENSYA NG BAYAN, MAGSURI AT LABANAN ANG PASISMONG ATAKE NG ESTADO! BAGUHIN ANG LIPUNAN!TIGNAN | Nakiisa ang mga Konse...
07/04/2026

KONSENSYA NG BAYAN, MAGSURI AT LABANAN ANG PASISMONG ATAKE NG ESTADO! BAGUHIN ANG LIPUNAN!

TIGNAN | Nakiisa ang mga Konsensya ng Bayan sa isinagawang kilos-protesta ngayong araw para sa kagyat na paglaya ni Ceeka Garzon, isang cultural worker sa Mindoro, at ang pagbabasura sa mga gawa-gawang kasong "sedition" laban kina Tiffany Brillante at Jacob Baluyot. Ang mga atakeng ito ay malinaw na pagtatangka ng estado na busalan ang mga lider-estudyanteng tumitindig laban sa katiwalian.

Bilang mga konsensya ng bayan, kinakailangang tuloy-tuloy na magsuri at magsalita sa mga mapanirang polisiya at panggigipit ng estado na naglalayong patahimikin ang mga boses na mga kabataang kritikal. Imbis tugunan ng mga sosyo at ekonomikong krisis, inuuna ng gobyerno ni Marcos Jr. ang pagsupil sa karaatang pantao ng mamamayan. Habang ang bilyon-bilyong pondo ay inilalaan sa NTF-ELCAC at sa mga operasyong militar gaya ng pambobomba sa Mindoro, nananatiling bingi ang gobyernong Marcos-Duterte sa hinaing ng mga manggagawa at magsasaka. Sa harap ng giyerang agresyon ng US sa Iran, tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin.

Habang patuloy na nagbubulag-bulagan at nagbibingihan ang Pamahalaan ni Marcos Jr. at Sara Duterte, higit lalong kailangang ilantad ng mga konsensya ng bayan ang bulok na sistema. Sa darating na April 9, Araw ng Kagitingan, muling magtitipon ang mga kabataang konsensya ng bayan sa lansangan upang itulak ang tunay na pagbabago at katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo ng estado.


𝗣𝗨𝗣 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬, 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗔! 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗦𝗔! 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦-𝗗𝗨𝗧𝗘𝗥𝗧𝗘, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗔! 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗥𝗔𝗣, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡! ✊...
24/02/2026

𝗣𝗨𝗣 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬, 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗔! 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗦𝗔! 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦-𝗗𝗨𝗧𝗘𝗥𝗧𝗘, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗔! 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗥𝗔𝗣, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡! ✊🏽

Hindi klase ang mapagpasiya kung makikiisa tayo sa laban o hindi. Ang patuloy na paghihirap ng sambayanang Pilipino ang nagtutulak sa mamamayan para lumaban. Kaya may pasok man o wala, lalabas tayo ng PUP upang makipag-aralan at magbitbit ng mga panawagang tumatagos sa sikmura ng bawat Iskolar ng Bayan sa loob man o labas ng pamantasan.

Ang ika-40 na anibersaryo ng EDSA People Power ay hindi lamang para alalahanin ang mga aral, kundi patuloy na isabuhay ang diwa nito. Sa patuloy na paglala ng iba’t ibang krisis sa lipunan, marapat lamang na bitbitin natin sa pang-araw-araw ang tunay na pagkamakabayan.

Sa patuloy na girian ng pwersa ng kadiliman at kasamaan, walang ibang tunguhin ang ika-40 na anibersaryo ng EDSA People Power kundi ang pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa korapsyon sa gobyerno nila Marcos at Duterte. Ang EDSA ay protesta upang singilin si Marcos Jr. sa lalong pagpapahirap niya sa sambayanang Pilipino: patuloy ang pagtaas ng mga bilihin, kagaya ng bigas, tubig, at langis. Tumataas din ang bayarin sa mga basekong serbisyo, labas pa ang patuloy na panggigipit sa mga batayang sektor sa lipunan, kagaya ng edukasyon at kalusugan. Ito rin ay panawagan para sa tuluyang pagpapanagot kay Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa lahat ng buhay na kinitil niya at inhustisyang idinulot ng kaniyang pekeng giyera kontra droga. Ang EDSA ay protesta rin upang paingayin pa ang ating kampanyang litisin si Sara Duterte sa pagnanakaw niya ng ₱612.5 milyong confidential and intelligence funds. Sa huli, hindi ang mga Marcos at hindi rin ang mga Duterte ang magliligtas sa atin. Tayo ang mapagpasiya sa paglikha ng ating kasaysayan!

Sa PUP, marami na tayong napagtagumpayan sa sama-samang pagkilos: pagtutol sa dress code policy noong 2019, pagbabasura ng 200% increase sa tuition fee noong 2010, at iba pang pagkilos noong panahon ng Martial Law. At sa muling pagsasabuhay ng ating militansya, kayang-kaya nating magpanalo ng mga laban hanggang sa pambansang entablado.

Mula noon hanggang ngayon, tahanan tayo ng mga makabayang lider, kagaya ng dating propesor at punong kalihim ng Kabataang Makabayan (KM) na si Charlie Del Rosario na siyang kauna-unahang desaparecido sa ilalim ng Martial Law ni Marcos Sr., at dating presidente ng PUP na si Nemesio Prudente na kilala sa paglaban sa rehimeng Marcos Sr., at ipagpapatuloy pa natin ang diwang palaban ng mga PUPian.

𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀, 𝟮𝟱 𝗙𝗲𝗯𝗿𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗶𝘁𝗮-𝗸𝗶𝘁𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀!

𝟬𝟵:𝟬𝟬 𝗔𝗠 | 𝗣𝗨𝗣 𝗠𝗮𝗶𝗻 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗠𝗮𝗶𝗻 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝟲𝘁𝗵 𝗙𝗹𝗼𝗼𝗿
𝟭𝟮:𝟬𝟬 𝗣𝗠 | 𝗙𝗿𝗼𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗝𝗕𝗟 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗲 𝗘𝗗𝗦𝗔
𝟬𝟭:𝟬𝟬 𝗣𝗠 | 𝗘𝗗𝗦𝗔 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿 𝗠𝗼𝗻𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁



SAMASA PUP’s Leadership Wrapped 2025 is here! 🎧This year, your top track is LEADERSHIP, and we’re dropping a training se...
11/12/2025

SAMASA PUP’s Leadership Wrapped 2025 is here! 🎧

This year, your top track is LEADERSHIP, and we’re dropping a training session that hits all the right notes. From room-to-room discussions and organizing to people-centered leadership, let’s look back and lead forward! ✊🚩

Join us in our annual year-ender leadership training happening this December at PUP Main. This event is open for ALL aspiring student leaders at Sintang Paaralan! 🏫

🎧Philippine Social Realities | Dec. 12, 1PM (TBA)
🎧Activism and Leadership | Dec. 13, 1PM (TBA)
🎧Mass Campaign and Struggle | Dec. 15, 1PM (TBA)

🔗 Registration Form: tinyurl.com/sms-leadership-wrapped


🚨𝗛𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗢𝗙𝗙 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥𝗦! 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗢𝗙𝗙 𝗝𝗔𝗖𝗢𝗕 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗬𝗢𝗧!🚨Today, Jacob Baluyot, Spokesperson of Alyansa ng Kabataang Mamamaha...
26/11/2025

🚨𝗛𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗢𝗙𝗙 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥𝗦! 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗢𝗙𝗙 𝗝𝗔𝗖𝗢𝗕 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗬𝗢𝗧!🚨

Today, Jacob Baluyot, Spokesperson of Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM) PUP and Associate Editor of The Catalyst, received a formal petition for indirect contempt in writing from the Regional Trial Court. The petition was requested by Acting Director PMGen Robert AA Morico II of the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

The Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP condemns this continuous and desperate attempt to intimidate a campus journalists and student leaders for simply fulfilling their duty to inform and hold power to account. Instead of weaponizing legal processes to corner and silence critics, the PNP-CIDG should be pursuing officials involved in the corruption and abuse of authority who are still at large.

SAMASA PUP stands in full solidarity with Jacob Baluyot and all campus journalists and student leaders in resisting repression. We call on the PUP community to remain vigilant and defend press freedom and the democratic rights of the people.

Konsensya ng Bayan, rage against the corrupt system!Ngayong araw, matagumpay na nakiisa ang mga Konsensya ng bayan sa ma...
21/11/2025

Konsensya ng Bayan, rage against the corrupt system!

Ngayong araw, matagumpay na nakiisa ang mga Konsensya ng bayan sa malawak na hanay ang mga kabataan at estudyanteng nakiisa kontra korapsyon. Mula sa lokal na programa sa Sintang Paaralan hanggang sa tarangkahan ng Mendiola.

Bitbit natin ang panawagan para panagutin at paalisin na sa puwesto sina Marcos at Duterte at itatag ang National Transition Council. Wala ng aasahan ang taumbayan sa gubyernong inuuna lamang ang sariling interes at sariling pakson, habang ang taumbayan ay lubog sa kahirapan at baha, at kapos na pondo sa Sintang Paaralan.

Magkita-kita tayo sa November 30 sa Baha sa Luneta 2.0! Konsensya ng Bayan, tuloy ang laban!

BUMAHA SA MAYNILA NG KABATAAN LUMALABAN!Ngayong araw, sama-samang tumungo sa Mendiola ang SAMASA PUP CSSD kabilang ang m...
17/11/2025

BUMAHA SA MAYNILA NG KABATAAN LUMALABAN!

Ngayong araw, sama-samang tumungo sa Mendiola ang SAMASA PUP CSSD kabilang ang malawak na hanay ng kabataan upang singilin ang pangunahing kurakot sa Pilipinas—ang administrasyong Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte!

Habang ang kaban na bayan ay patuloy na ninanakawan, ang mamamayan ay patuloy na nalulunod! Ang kakarampot na badyet para sa mga State Universities and Colleges (SUCs) ay patunay na hindi prayoridad ng gobyerno ang edukasyon bagkus ang korapsyon. Hanggang ngayon ay napipilitan ang mga Iskolar ng Bayan na manatili sa mga maiinit, maliliit, at bulok na klasrum.

Hindi rito natatapos ang laban ng mga kabataan! Naniniwala ang SAMASA PUP CSSD na ang pag-asa ng bayan ay nasa kamay ng sambayanang lumalaban. Dapat managot ang lahat ng kurakot sa kabila ng patuloy na pagiit ng pasistang estado ang naratibo na inosente ang mga nasa tuktok!

Mga Konsensya ng Bayan, singilin ang rehimeng Marcos-Duterte! Ikulong ang mga kawatan! Pabagsakin ang bulok na sistema na patuloy na nagpapahirap sa masang Pilipino!

LAHAT NG KURAKOT, DAPAT MANAGOT!
MARCOS-DUTERTE, ALISIN! ALISIN!


𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗢𝗨𝗥 𝗙𝗨𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗜𝗦 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗟𝗜𝗡𝗘! 𝗙𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗕𝗔𝗖𝗞 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗬𝗥𝗔𝗡𝗡𝗬! 𝗧𝗔𝗞𝗘 𝗗𝗢𝗪𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗢𝗧𝗧𝗘𝗡 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠!Sa g...
16/11/2025

𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗢𝗨𝗥 𝗙𝗨𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗜𝗦 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗟𝗜𝗡𝗘! 𝗙𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗕𝗔𝗖𝗞 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗬𝗥𝗔𝗡𝗡𝗬! 𝗧𝗔𝗞𝗘 𝗗𝗢𝗪𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗢𝗧𝗧𝗘𝗡 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠!

Sa gitna ng lumalalang krisis at kaguluhan sa gobyernong dapat naglilingkod sa taumbayan, tuluyang nalalantad ang kabulukan ng sistemang pinatatakbo ng iilang makapangyarihan. Araw-araw na binubunyag ng laglagan nina Zaldy Co, Duterte, at mga Pro-Marcos kung paanong inuuna nila ang bulsa at kapangyarihan kaysa sa kapakanan ng mamamayan.

Kaya malinaw ang panawagan ng kabataan: 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗢𝗧. Hindi natin hahayaang maging normal ang katiwalian at pandarambong sa kinabukasan natin.

Bukas, sa National Day of Action for International Students’ Day, ipapakita natin na hindi tayo henerasyong tatahimik habang inaagaw ang ating hinaharap!

SUMAMA SA KILOS-PROTESTA
NATIONAL DAY OF ACTION
NOVEMBER 17

KONDUKTA:
📌 8:00 AM | Pakat at Production Work @ PUP Main
📌 2:00 PM — Assembly @ P. Noval
📌 3:00 PM — Main Program @ Mendiola

𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗖:
https://m.me/j/AbY1VwAgJlHA4-CW/

Please donate for production work:
09765367374
So***a S.




IN CASE YOU MISSED IT | CSSD Miting de Avance The PUP Commission on Elections (COMELEC) successfully held the CSSD Mitin...
22/10/2025

IN CASE YOU MISSED IT | CSSD Miting de Avance

The PUP Commission on Elections (COMELEC) successfully held the CSSD Miting de Avance last October 21 at the College of Social Sciences and Development!

The event served as an open platform for student leaders from TINDIG Partylist and Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP to present their platforms, advocacies, and plans of action before the CSSD community. It became an avenue for dialogue and democratic engagement, where candidates addressed pressing student concerns and laid out their vision for a more participatory and progressive student council.

We remind all Konsensya ng Bayan that the voting precincts are now open until October 26, so exercise your right to vote! You may access the CSSD Official Ballot released by COMELEC here: tinyurl.com/CSSDOfficialBallot2025

THE RACE TO THE FINAL LAP IS IN SIGHT: VOTE STRAIGHT! VOTE SAMASA PUP CSSD!Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon, k...
21/10/2025

THE RACE TO THE FINAL LAP IS IN SIGHT: VOTE STRAIGHT! VOTE SAMASA PUP CSSD!

Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon, kakulangan ng pondo, pagkitil sa akademikong kalayaan, at patuloy na korapsyon sa ilalim ng pabaya at abusadong rehimen ni Marcos Jr., higit kailanman ang pangangailangan para sa mga lider-estudyanteng tunay na kumakatawan sa interes ng masa.

Hindi lamang natin kailangan ng mga konsehong nagpapatupad ng programa—kailangan natin ng mga Konsensya ng Bayan na handang manindigan, kumilos, at lumaban para sa demokratikong karapatan at akademikong kalayaan ng mga Iskolar ng Bayan. Kailangan nating ng konsehong kasama sa ating pagsusulong ng pambansa, siyentipiko, at makamasang edukasyon.

Sa huling yugto ng laban, bumoto, makialam, at pumili ng pamumunong tunay, palaban, at makabayan.

VOTE STRAIGHT! VOTE SAMASA PUP CSSD!

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗣 𝗖𝗦𝗦𝗗 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share