Sulong - TUP Manila

Sulong - TUP Manila Ang Sulong TUP - Manila ay isang pambansang demokratikong organisasyon at partido ng mga aktibong mag-aaral ng TUP-Manila. Tunay, Palaban, Makabayan!

π˜–π˜ π˜“π˜œπ˜•π˜Œπ˜š π˜•π˜ˆπ˜•π˜ˆπ˜”π˜ˆπ˜•!⁣⁣Pahayag ng Sulong TUP-Manila, sa hindi makatarungang pagharang at hindi pagpapapasok sa mga Haligi ng...
10/03/2026

π˜–π˜ π˜“π˜œπ˜•π˜Œπ˜š π˜•π˜ˆπ˜•π˜ˆπ˜”π˜ˆπ˜•!⁣
⁣
Pahayag ng Sulong TUP-Manila, sa hindi makatarungang pagharang at hindi pagpapapasok sa mga Haligi ng Bayan sa ating pamantasan, at ang sapilitang pagkuha ng ID upang makapasok. ⁣
⁣
Ang malayang pagpasok ng mga estudyante ng pamantasan ay protektado sa ilalim ng π€π‘π“πˆπŠπ”π‹πŽ π—πˆπ• ng ating πŠπŽππ’π“πˆπ“π”π’π˜πŽπ, at maari lamang pigilin ng mga gwardya at security kung nagdadala ng panganib sa sarili, sa kapwa, o sa pamantasan. Hindi kaylan man magiging dahilan ang haba ng buhok upang harangin ang ating karapatan sa edukasyon.⁣
⁣
Mariing na kinokondena ng mga lider-estudyante mula sa Sulong TUP-Manila, ang pagyurak ng pamantasan sa karapatan ng bawa't magaaral nito, at ang kawalan ng tamang proceso sa pagpapataw ng makalumang polisiya ng Hair and Dress code. Pananagutan sa mga magaaral ng pamantasan, at respeto para sa karapatan ng bawa't isa. Ang konstitudyonal at demokratikong karapatan ng bawa't mamamayan ay hindi nalulusaw sa pagpasok sa unibersidad, at mas lalo ng hindi mas mataas ang makalumang student handbook sa pambansang batas na nagpo-protekta sa ating mga estudyante.⁣
⁣
Inaanyayan namin kayo na abutin kami at magpabatid ng mga detalye sa mga nangyayari o pahayag ukol dito, sa pamamagitan ng pagmessage sa page ng Sulong TUP-Manila.⁣
⁣
π€π‹π€πŒπˆπ 𝐀𝐍𝐆 π€π“πˆππ† πŠπ€π‘π€ππ€π“π€π!⁣
π€πŠπ€πƒπ„πŒπˆπŠπŽππ† πŠπ€π‘π€ππ€π“π€π πˆππ€π†π‹π€ππ€π!⁣
⁣
⁣

πŒπ€ππ†π€π‡π€π’ 𝐍𝐀 πŒπ€πŠπˆππ€πŠπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€πŒππ€ππ’π€ππ† πƒπ„πŒπŽπŠπ‘π€π’π˜π€!Muling pinatunayan ng laksa-laksang hanay ng kabataan kasama ang mga ...
27/02/2026

πŒπ€ππ†π€π‡π€π’ 𝐍𝐀 πŒπ€πŠπˆππ€πŠπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€πŒππ€ππ’π€ππ† πƒπ„πŒπŽπŠπ‘π€π’π˜π€!

Muling pinatunayan ng laksa-laksang hanay ng kabataan kasama ang mga Haligi ng Bayan na kailanman ay hindi mawawala ang diwa ng EDSA People Power na nagpatalsik sa diktaduryang Marcos Sr.

Sa paggunita ng Ika - 40 na anibersaryo nito, bitbit ng malawak na hanay ng masa ang diwa ng militanteng pagkilos hanggang sa EDSA Shrine kung saan idinulog ang mga kolektibong panawagan na ipaglaban ang karapatan, panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon, at paggiit sa pagpapatalsik sa rehimeng Marcos at Duterte na tunay na ugat ng bulok na sistema na ito.

Bagaman paulit-ulit na tinangkang busalan at harangin ng pwersa ng estado ng pasistang rehime ni Marcos Jr. ang malawak na hanay ng nagpoprotesta, buong tapang itong itinulak ng masa hanggang magtagumpay. Libo-libo ang dumagsa upang patunayang hindi kailanman mabubura sa alaala ng sambayanan ang aral ng EDSA, na ang sama-samang pagkilos ang tunay na sandata laban sa tiraniya. Sa gitna ng pandarahas ng pwersa ng estado, walang barikada ang kayang pumigil sa nag-aalab na diwa ng rebolusyon.

Malinaw sa kabataan na hindi lamang isa kundi parehong dapat panagutin ang mga Marcos at Duterte sa nagpapatuloy na krisis ng kahirapan at korapsyon. Hindi solusyon ang pagpili sa pagitan ng dalawang dinastiyang parehong nakinabang sa bulok na sistema, lalo nating hindi kailangan mamili sa iisang mukha ng pasismo na nagpapalit lamang ng anyo. Ang diwa ng EDSA ay hindi pag-asa sa mga pulitiko, kundi pananalig sa kapangyarihan ng mamamayang organisado at kumikilos para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

Hindi tayo makikinig sa mga hungkag na pangakong nag-aalok ng pekeng pagbabago habang nananatili ang burukrata kapitalismo na ugat ng pang-aabuso at pandarambong. Apat na dekada matapos ang People Power Revolution, ngunit nananatiling nakatanikala ang mga pangako ng hustisya at tunay na reporma kaya hindi na dapat maghintay pa ng susunod na halalan. Ngayon ang panahon upang magmulat, mag-organisa, at kumilos.

HALIGI NG BAYAN, ISABUHAY ANG DIWA NG EDSA PEOPLE POWER!

Isulong ang pambansang demokrasya at ibagsak ang sistemang para lamang sa iilan, tuloy ang laban hangga’t hindi napapanagot ang lahat ng sangkot sa korapsyon!





TO REMEMBER IS TO RESISTMarcos noon, Marcos pa rin ngayon?! Kura is kot yarn?! πŸ€‘πŸ‘ŽHalos apat na dekada na ang nakalipas n...
23/02/2026

TO REMEMBER IS TO RESIST

Marcos noon, Marcos pa rin ngayon?! Kura is kot yarn?! πŸ€‘πŸ‘Ž

Halos apat na dekada na ang nakalipas noong sumiklab ang rebolusyon ng mamamayang pilipino laban sa diktador ng rehimeng Marcos Sr. ngunit ang nakaupo pa rin sa pwesto ay ang anak niyang si Bongbong Marcos Jr. Sawang sawa na ang sambayanan sa dinastiyang paulit-ulit na inilulubog ang bayan sa krisis at korapsyon.

Kaya ang pag-alala sa kasaysayan ay paglaban; ang paglaban noon at ngayon ay pag-alala kung saan tayo nagsimula, nagtapos, at magpapatuloy.

Ngayong Pebrero 25, sumama at tumindig sa EDSA. Huwag kailanman kakalimutan saan ang ugat ng ating pakikibakaβ€”sa masa.

HALIGI NG BAYAN, ISABUHAY NATIN ANG DIWA NG EDSA PEOPLE POWER!

Mag-register sa aming link:
https://forms.gle/StMiHpyGSyeNFsRh9
https://forms.gle/StMiHpyGSyeNFsRh9
https://forms.gle/StMiHpyGSyeNFsRh9




Noong Pebrero 20, matagumpay na tumindig ang mga estudyante ng TUP-Manila bilang pakikiisa sa Nationwide Black Friday Pr...
22/02/2026

Noong Pebrero 20, matagumpay na tumindig ang mga estudyante ng TUP-Manila bilang pakikiisa sa Nationwide Black Friday Protest, kasama rin ang iba't ibang pamantasan at progresibong organisasyon sa ilalim ng alyansa ng One Taft. Iginiit natin ang mga panawagan laban sa represibong polisiya ng Hair & Dress Code, ang talamak na kakulangan sa student spaces at maayos na pasilidad, at patuloy na panunupil sa student rights and welfareβ€”mga problemang araw-araw na pinapasan ng mga TUPians.

Mula sa ating pamantasan hanggang Kalaw, dala-dala rin natin ang panawagang paniningil sa sistematikong korapsyon at pasismo sa ilalim ng rehimeng Marcos-Duterte na patuloy na nagpapahirap sa mga estudyante at sa buong sambayanan.

Ang pagkilos na ito ay bahagi ng paghahanda para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Uprising, paalala na ang diwa ng EDSA ay buhay hangga't may kabataan at mamamayang handang tumindig sa lansangan.

Hamon namin sa mga Haligi ng Bayan na huwag matakot lumiban sa klase, kundi matakot tayong maiwan sa paglikha ng kasaysayan.

Patuloy tayong tumindig at makiisa para sa ating mga karapatan. Sumama sa mga susunod na pagkilos!




π—›π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—œ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑, π—œπ—£π—”π—šπ—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ π—”π—‘π—š π——π—œπ—ͺ𝗔 π—‘π—š π—˜π——π—¦π—”! 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—’π—¦!40 taon na ang nakalipas mula nang magtipon at tumindi...
19/02/2026

π—›π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—œ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑, π—œπ—£π—”π—šπ—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ π—”π—‘π—š π——π—œπ—ͺ𝗔 π—‘π—š π—˜π——π—¦π—”! 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—’π—¦!

40 taon na ang nakalipas mula nang magtipon at tumindig ang milyun-miilyong Pilipino sa EDSA upang patalsikin ang diktadurang si Marcos Sr. Ipinakita noon na ang kolektibong pagkakaisa ng mamamayan, kabataan, g**o, manggagawa, magsasaka ay kayang baguhin ang takbo ng kasaysayan.

Ngunit apat na dekada matapos ang EDSA, bakit tila nararanasan pa rin natin hanggang ngayon ang mga suliranin noon?

Sa gitna ng lumalalang kahirapan at krisis sa edukasyon, ramdam nating mga estudyante ang sadyang hindi pagbibigay prayoridad sa edukasyon. Hindi dahil sa kakulangan ng pondo, kundi dahil sa maling paglalaan ng pambansang pondo. Habang tinitipid ang mga estudyante sa mga siksikan na paaralan at kulang-kulang na pasilidad, nananatiling walang napapanagot sa korapsyong nasiwalat noong nakaraang taon. Hindi rin nagbago ang saligang katangian ng pambansang badyet na naging para sa pakinabang lang ng mga pulitiko.

Nangunguna si Marcos Jr. na nagpapatuloy sa tradisyon ng pork barrel at kaduda-dudang insertions sa pambansang badyet na hanggang ngayon ay prayoridad pa rin ang bayad-utang, pasismo, imprastraktura at korapsyon.

Si Sara Duterte naman ay sangkot sa isyu ng korapsyon ng milyun-milyong confidential funds ng bayan na wala namang direktang ambag sa ating mga paaralan at hindi naman tunay na pinapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ang pananatili ng ganitong sistema ay patunay na buhay pa rin ang kultura ng pandarambong at political dynasties na pilit nating nilabanan apat na dekada na ang nakararaan.

Ang EDSA @40 ay hindi lamang simpleng paggunita; ito ay pagpapatuloy ng labanβ€”laban para sa isang gobyernong tunay na naglilingkod sa masa at pagbuwag sa bulok na sistemang nagpapayaman sa iilan habang naghihirap ang nakararami.

TUPians, hindi tayo tagapanood lang ng kasaysayanβ€”tayo ang susunod na lilikha nito. Kung ipinaglaban noon ang demokrasya laban sa diktadura, tungkulin nating ipagtanggol ito ngayon laban sa korapsyon, historical distortion, at mga polisiyang niyuyurak ang ating mga karapatan!

ISABUHAY ANG DIWA NG EDSA!
TAYO ANG PEOPLE POWER!
LAHAT NG SANGKOT DAPAT MANAGOT!

Makibahagi sa mga build-up activities:
πŸ“ Feb. 20 (5 PM) – Black Friday Protest @ Kalaw cor. Taft
πŸ“ Feb. 23 (4 PM) – Placard Making @ Liwasang Bonifacio
πŸ“ Feb. 25 – EDSA People Power 40 @ EDSA Monument





HALIGI NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN! Sa unang araw ng ikalawang semestre, hindi lamang bagong yugto ng klase ang sasa...
18/01/2026

HALIGI NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!

Sa unang araw ng ikalawang semestre, hindi lamang bagong yugto ng klase ang sasalubong sa mga TUPians, kundi ang parehong mga suliraning matagal nang nagpapahirap sa loob ng pamantasan.

Sa halip na tugunan ito, patuloy na ipinapasan sa mga estudyante ang bigat ng kapabayaan at mapanupil na mga patakaran. Kabilang na rito ang Revised Student Handbook na hindi pa rin inaaprubahan, sa kabila ng panawagang pakinggan ang mga hinaing ng mga mag-aaral lalo na pagdating sa Hair and Dress Code.

Nariyan din ang mga kakulangan at hindi dekalidad na pasilidad at laboratoryong direktang nakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Student repression kagaya ng pananakot, red-tagging, at sa pagsikil sa malayang pagpapahayag ng mga estudyante.

Ang mga problemang ito ay hindi hiwa-hiwalay na usapin. Ito ay bunga ng isang sistemang inuuna ang kaayusan at kontrol kaysa kapakanan ng estudyante. Ngunit malinaw na ang pananahimik nating mga estudyante ay hindi kailanman solusyon.

Kaya bilang mga Haligi ng Bayan, pinipili nating tumindig. Pinipili nating ilabas ang galit, ipanawagan ang karapatan, at igiit ang makatao at makabayang edukasyonβ€”mula sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan tungo sa lansangan.

πŸ“£ TUPM FIRST DAY RAGE
πŸ“… January 19, 2026 (Monday)
πŸ•‘ 2:00 PM
πŸ“ Harap ng G*te 3

TUPians, Ipaglaban ang ating Demokratikong Karapatan!



CONDEMNATION RALLY LABAN SA MILITARY STRIKE NG U.S. SA VENEZUELANoong sabado, Enero 3, 2026, naglunsad ang U.S. ng milit...
04/01/2026

CONDEMNATION RALLY LABAN SA MILITARY STRIKE NG U.S. SA VENEZUELA

Noong sabado, Enero 3, 2026, naglunsad ang U.S. ng military strike laban sa Venezuela sa Caracas. Kasabay nito, hayagang inanunsyo ni Donald Trump ang ilegal na pagdakip kay Pangulong NicolΓ‘s Maduro at sa kanyang asawa matapos ang operasyon.

Matagal nang pinapaypayan ni Trump ito sa Venezuela sa tabing ng huwad na panawagang β€œlaban sa narco-terrorism” ng Venezuela. Sa katunayan, malinaw na ito ay bahagi ng mas malawak na imperyalistang agresyon upang supilin ang paglaban ng mamamayan at kamkamin ang kontrol sa likas-yaman ng bansaβ€”lalo na sa sektor nila ng langis at enerhiya.

Patunay na hindi ito usapin ng demokrasya o kapayapaan. Isa itong digmaan para sa tubo, tahasang pagyurak sa soberanya ng isang malayang bansa, at patunay ng patuloy na pananalasa ng imperyalismo ng U.S. sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bilang kabataan at Haligi ng Bayan, mariin nating kinokondena ang agresyong ito at ipinapahayag ang ating pakikiisa sa sambayanang Venezuelan. Ang kanilang laban ay laban ng lahat ng inaaping mamamayan laban sa imperyalismo.

VENEZUELA, IPAGTANGGOL! IMPERYALISMO, IBAGSAK!
NO TO U.S. WAR AND PLUNDER!

πŸ“£ Condemnation rally:
πŸ“… Lunes, Enero 5
πŸ•€ 9:30 AM - Kalaw corner Taft Avenue
πŸ•£ 9:45 AM - March to U.S. Embassy





KARAPATAN HINDI PANUNUPIL! KABATAAN, HALINA’T TUMINDIG PARA SA KARAPATANG PANTAO!Bukas, December 10, gugunitain natin an...
09/12/2025

KARAPATAN HINDI PANUNUPIL! KABATAAN, HALINA’T TUMINDIG PARA SA KARAPATANG PANTAO!

Bukas, December 10, gugunitain natin ang International Human Rights Day sa Liwasang Bonifacioβ€”araw na nagpapaalala sa bawat mamamayan na ang karapatan ay hindi ipinagkakaloob ng estado, kundi ating ipinaglalaban. Sa halip na protektahan ang mamamayan, patuloy na lumalalala ang panunupil, pang-aabuso, at pag-atake ng rehimeng Marcos-Duterte sa mga karapatang pantao ng sambayanang Pilipino.

Nasaksihan mismo sa loob ng ating pamantasan ang red-tagging, represyon, at paniniktik sa mga aktibistang estudyante at progresibong organisasyon ng administrasyon. Ang pag-atake sa mga kabataan ay malinaw na patunay na ang paglabag sa karapatang pantao ay hindi lamang nangyayari sa malayong komunidad, nangyayari rin ito sa mismong espasyo ng edukasyon, na kung saan dapat pinangangalagaan ang demokratikong karapatan ng malayang pagpapahayag, pag-oorganisa, at pakikilahok sa isyung panlipunan.

Mula sa terror-tagging, paghuli, at sapilitang pagpapakulong gamit ang gawa gawang kaso sa mga aktibista, mababang pasahod at kawalan ng kabuhayan ng mga manggagawa, hanggang sa walang habas na pag-atake sa mga komunidad ng maralita't magsasaka. Lahat ng ito ay nagpapakita ng tunay na mukha ng estado: marahas, pasista, at takot sa mamamayang lumalaban.

Bilang kabataan at Haligi ng Bayan, tungkulin natin ipaglaban na ang aktibismo ay hindi krimen, at lalong hindi krimen ang pagrarally para sa karapatan. Ang tunay na krimen ay ang patuloy na pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao.

Bukas, sabay-sabay tayong titindig laban sa paninikil, pang-aabuso, at laban sa rehimeng nagtatago sa likod ng kapangyarihan habang walang habas na tinatapak-tapakan ang ating karapatan.

πŸ“ December 10 | International Human Rights Day

⏰ 9:00AM - 11:00AM - Liwasang Bonifacio
⏰ 11:00AM - 11:45AM - March to Mendiola
⏰ 11:45AM - 1:00PM - Program in Mendiola



BAHA SA LUNETA 2.0: TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO!Noong ika-30 ng Nobyembre, araw ng kapanganakan ni G*t Andres Bonifacio...
02/12/2025

BAHA SA LUNETA 2.0: TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO!

Noong ika-30 ng Nobyembre, araw ng kapanganakan ni G*t Andres Bonifacio, muling binaha ng protesta ng taumbayan at kabataan ang Luneta at nagmartsa patungong Mendiola.

Nakiisa ang Sulong TUP, kasama ang iba't ibang sektor sa kolektibong paggunita at pagpapatuloy sa rebolusyonaryong diwa ni Bonifacio: ang paglaban para sa tunay na pagbabago ng bulok na sistema.

Ang panawagan ay iisa: Patalsikin ang gahamang rehimeng Marcos-Duterte! Panagutin ang lahat ng sangkot sa katiwalian! At itaguyod ang National Transition Council!

Mula sa Haligi ng Bayan, patungo sa lansangan dala-dala rin ng TUPians ang mga panawagang manipestasyon ng katiwalian sa loob ng pamantasan: ang komersyalisasyon sa edukasyon, ang lantarang na terror-tagging at represyon ng administrasyon sa mga aktibistang estudyante at progresibong organisasyon, atbp.

Ang pagharang at lubusang barikada ng estado sa ating pagkilos sa Luneta at Mendiola, sa pag-deploy ng libu-libong pulis at paglatad ng mga barbed wire sa lansangan, kahit ang pagtatalaga ng mahigit 500 bilang ng kapulisan sa loob ng TUP, ay patunay lamang na takot ang estado sa sanib-puwersang lakas ng taumbayan! Takot silang mapatalsik ng sambayanang Pilipino!

Buhay na buhay ang diwa ng himagsikan. Sa kabila ng pananakot at pagpapatahimik ng estado, hindi nawawala ang paninindigan ng kabataan at taumbayan. Hanggat hindi natatapos ang katiwalian at pang-aabuso ng estado, at hanggat hindi napapanagot ang mga kurakot, itutuloy ng mga Haligi ng Bayan ang laban ni Bonifacio sa lansangan!

WAKASAN ANG RED-TAGGING AT REPRESYON SA PAMANTASAN!
DAGDAG BADYET SA EDUKASYON HINDI SA KORAPSYON!
MARCOS-DUTERTE, RESIGN!
ITAGUYOD ANG NATIONAL TRANSITION COUNCIL!




𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓!Noong huwebes, Nobyembere 27, 2025, muling nakaranas ang mga progresibong org sa TUP – Manila ng pan...
29/11/2025

𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓!

Noong huwebes, Nobyembere 27, 2025, muling nakaranas ang mga progresibong org sa TUP – Manila ng pananakot at intimidasyon mula sa administrasyon matapos pagbantaan ang mga kabataang nasa booth ng Kabataan Partylist TUP at Sulong TUP - Manila na nagpapamahagi ng mga polyetong kontra-korapsyon. Sa halip na suportahan ang mga estudyante, pinili ng administrasyon na manakot at pagbantaan asila upang patahimikin ang lumalakas na panawagan ng mga estudyante laban sa katiwalian at kapabayaan ng gobyerno. Mula sa pagbanta ng pagconfiscate ng mga gamit, hanggang sa pagtawag na isang β€œkrimen” ang student activism sa loob ng demokratikong bansaβ€”lahat ng ito ay malinaw na anyo ng represyon sa loob ng institusyon na dapat nagtataguyod ng ating mga karapatan.

Mariing kinokondena ng Sulong - TUP Manila ang ganitong anyo ng represyon at pagpapatahimik ng administrasyon sa mga lider-estudyante at progresibong organisasyon. Ang banta sa mga organisasyon, ang mahigpit na pagbabantay ng mga gwardya, at ang panghihimasok sa aktibidad ng mga estudyante ay malinaw na indikasyon ng isang administrasyong mas pinoprotektahan ang sarili nitong imahe kaysa ang kapakanan ng mga estudyante nito. Lahat ng ito ay sintomas ng bulok na sistema na patuloy na nagtatanggol sa kapangyarihan kaysa sa kapakanhan ng estudyante. Sa ilalim ng administrasyong Marcos-Duterte, mas lalo pang lumala ang kultura ng pananakot at ngayon, umaabot na ito mismo sa loob ng mga pamantasan gaya ng TUP. Habang patuloy na pinapabayaan ang kakulangan ng pasilidad, karapatan sa dekalidad na edukasyon, at kabuhayan ng g**o at manggagawa, mas mabilis pa nilang pinupuksa ang boses ng kabataang lumalaban sa katiwalian at kapabayaan ng estado.

Hindi kailanman magiging krimen ang lumaban, pumuna, at magpahayag lalo na sa isang pamantasan na dapat pinangangalagaan ang karapatan ng pinamumunuan nito. Hindi rin dapat panghawakan ng sinuman ang paniniwalang 'utang na loob' natin sa gobyerno ang libreng matrikula dahil ang nagpapaaral sa atin bilang Iskolar ng Bayan ay buwis ng manggagawa at mamamayang Pilipino, hindi ng presidente, at hindi ng administrasyong mas pinapahalagahan ang sarili nitong interes. Tungkulin nating maging mulat, maging mapagmatyag, at manindigan.

Kung kaya’t nanawagan ang Sulong - TUP Manila sa mga kapwa mag-aaral na manatiling mapagmatyag, maging handa, at patuloy na ipaglaban ang ating karapatan. Hindi kami tatalikod kahit harangan pa ng tanikala ng panunupil. Ang TUP ay para sa mga estudyante, hindi para sa takot, hindi para sa katahimikang pilit na ipinapataw.

HANDS OFF TUPIANS!
HANDS OFF STUDENT ACTIVISTS!
DEFEND OUR DEMOCRATIC RIGHTS!

29/11/2025

MULA SA HANAY NG HALIGI NG BAYAN, IKULONG NA YAN!

Ready na ba ang mga oat nating makipag-puksaan bukas sa Luneta? Kung dehins pa… aba, ano pang inaantay mo, baks? Tara na at tumindig, lumaban, at singilin ang mga kurakot ng gobyerno na ibalik ang ninakaw na pondo ng bayan!

ANG DATING BABAD NA BABAD SA KORAPSYON, NGAYON AY BUMABANGON AT LUMALAVARN! ✊πŸ”₯πŸ’…

πŸ“… November 30, 2025
⏰ 7:00 AM Mass up @ PGH
⏰ 8:00 AM March to Luneta
⏰ 9:00 AM Luneta Program





BAHA SA LUNETA 2.0: TULOY-TULOY ANG LABAN NG TAUMBAYAN!β€Žβ€ŽSa darating na Nobyembre 30, hindi lang natin gugunitain ang ka...
29/11/2025

BAHA SA LUNETA 2.0: TULOY-TULOY ANG LABAN NG TAUMBAYAN!
β€Ž
β€ŽSa darating na Nobyembre 30, hindi lang natin gugunitain ang kabayanihang ipinamalas ni Andres Bonifacioβ€” isusulong natin ito. Katulad ni Bonifacioβ€”hindi tayo tatahimik at hindi tayo uurong sa anumang uri ng panunupil. Sa gitna ng patuloy na sistematikong korapsyon at pagpapahirap sa mamamayan, kaya naman taglay ang diwa ni G*t Andres Bonifacio at ng rebolusyonaryong Pilipino, maguumapaw muli ang Luneta hindi ng tubig-baha, kun'di ng ating mga panawagan.

Trilyong pondong ninakaw, daang opisyal na sangkot, daang aktibista ang ikinulong, at lampas apat na buwan na imbestigasyonβ€”hanggang ngayon ay wala pa ring nakukulong at napapanagot. Nakita ng mga Pilipino kung gaano ipinaikot-ikot ang mamamayan sa imbestigasyon ng katiwalian ng pamahalaan.

Kasama ng Sulong - TUP at ng iba pang progresibong organisasyon, ngayon ang panahon upang bigyan muli ng representasyon ang bawat Pilipino sa pamahalaan. Sa Nobyembre 30, makiisa sa panawang pagpapatalsik, pagpapanagot sa mga sangkot, at pagbubuo ng National Transition Council.
β€Ž
β€ŽPanahon na upang panagutin at singilin ang mga nasa kapangyarihan at ilantad ang mga tiwali. At panahon rin upang idemanda ng mamamayan ang hustisyang panlipunan. Sa ating pagkakaisa, maipapakita natin na ang tunay na kapangyarihan ay nasa boses ng mga mamamayan.

Iniimbitahan ng Sulong - TUP Manila ang kapwa mag-aaral sa Nobyemre 30, sa mga susunod na kondukta:

7:00 AM Oblation Plaza
8:00 AM March to Luneta
9:00 AM-Luneta Program

HALIGI NG BAYAN, TUMINDIG LABAN SA KATIWALIAN!
MARCOS-DUTERTE, WAKASAN!
LAHAT NG SANGKOT DAPAT MANAGOT!

Address

Ayala Boulevard Cor. San Marcelino St. , Ermita
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sulong - TUP Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sulong - TUP Manila:

Share