24/03/2026
"Bawas na buwis sa krudo at kuryente, ay dagdag na kita sa bawat pamilya.”
Isa ito sa malinaw na plataporma ni Yorme Isko Moreno Domagoso noong 2022, isang panukalang nakatuon sa agarang ginhawa ng bawat pamilyang Pilipino. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, kuryente at ibang pangunahing bilihin ngayon, hindi maiwasang mapaisip: paano kaya kung ang ganitong mga konkretong solusyon ang naipatupad?
Sa darating na halalan sa 2028, magsilbi sana itong paalala sa ating lahat. Na bumoto nang matalino at may paninindigan. Huwag magpadala sa kasikatan o sa kung sino ang “malakas” sa tingin ng iba. Mas mahalaga ang malinaw na plano, kakayahan, at tunay na malasakit sa bayan. Dahil sa huli, ang kinabukasan ng bansa ay nasa ating mga kamay.