14/08/2024
๐๐๐ผ๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐ฝ๐๐ฟ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐๐ผ๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ฟ๐ผ๐ฟ ๐๐ ๐๐ฟ๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐!
Sa kasalukuyang sitwasyon ng sektor ng edukasyon sa bansa, patuloy na isinusulong ng rehimeng Marcos-Duterte ang isang kolonyal, komersyalisado, at represibo na uri ng edukasyon, na ginagawang pabrika ng murang paggawa ang mga institusyong pang-edukasyon para sa malalaking negosyo at dayuhang negosyante. Bukod sa patuloy na pagbawas ng budget sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs), at ang mga tangkang militarisasyon sa mga kampus, ang ating unibersidad ay humaharap sa isa pang krisis dahil sa patungkol sa Anti-Terror Law na pinangungunahan ni Bato Dela Rosa noong Agosto 6, 2024 Senate Hearing.
Ang kilusang estudyante, na pinalalakas ng lumalalang krisis, ay nananatiling matatag sa kanilang pangako sa pakikibaka para sa isang mas maliwanag na kinabukasan. Sa kabila ng mga pag-atake ng estado laban sa ating demokratikong karapatan na mag-organisa at magtipon, nagkakaisa ang kabataan kasama ang pinakamalawak na hanay ng mga magsasaka, manggagawa, at maralitang lungsod upang ipaglaban ang nararapat.
Sa mga alanganing panahon na ito, tayo ay tinatawagan upang tumindig at magkaisa upang bawiin ang ating kinabukasan para sa ating henerasyon at sa mga susunod pa.
Kaugnay nito, magpapadala na ang R4E-PUP ng paanyaya sa mga kinatawan mula sa mga Organisasyon, Konseho, at mga Lupon para sa nalalapit na General Assembly ng Rise for Education Alliance โ PUP.
Inaanyayahan kayo na sumali at magpasali sa araw ng Agosto 16, 2024, 3:00 P.M sa pamamagitan ng ZOOM/Online.
Kaya Iskolar ng Bayan, letโs Rise for Education!
Punan ang ating student formation directory:
https://bit.ly/R4EPUP_FormationDirectory
Para sa mga nais sumali sa Alyansa:
Registration for Student Formations:
https://bit.ly/JOINR4EPUP_Formations
Registration for Individuals:
https://bit.ly/JOINR4EPUP_Individuals