27/08/2025
BUWAN NG WIKA BOOK FAIR
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, mayroon pong isinasagawang Book Fair ang Learning is Fun Publishing sa ating Bernardo Torres Gym simula ngayong miyerkules Agosto 27 hanggang sa ika-29 ng Agosto biyernes. Layunin nitong hikayatin ang mga bata na pahalagahan ang pagbabasa at pagyamanin ang kaalaman sa pamamagitan ng ibaβt ibang aklat na abot-kaya.
Tiyak na magbibigay-inspirasyon at dagdag kaalaman ito sa kanilang pag-aaral.
Sa simpleng paraan, naipadama ng Book Fair ang kahalagahan ng pagbabasa.
"AKLAT"
Kilala mo ako,
ako ay isang aklat.
Sa bawat pahina,
ay may nakasulat.
Mahalin mo ako,
ako'y pag-ingatan.
Sa pag-aaral mo,
kita'y tutulungan.