Liga ng Kabataang Propagandista - Polytechnic University of the Philippines

Liga ng Kabataang Propagandista - Polytechnic University of the Philippines Sumali sa makamasang organisasyon ng mga manunulat ng bayan! https://bit.ly/JoinLKPPUP

WASTE TO ENERGY, TUTULAN, LABANAN, HUWAG PAHINTULUTAN! REGHIS ROMERO, PARASITIKO! GANID SA TUBO! Palala na nang palala a...
08/06/2026

WASTE TO ENERGY, TUTULAN, LABANAN, HUWAG PAHINTULUTAN!
REGHIS ROMERO, PARASITIKO! GANID SA TUBO!

Palala na nang palala ang krisis sa bansa, at imbis na tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ay piniling unahin ng gobyerno ang pagpapatayo sa Waste to Energy (WtE) Incinerator Facility sa Smokey Mountain sa Tondo, kung saan ilang daang pamilya at 55,000 na residente ang kanilang ginigipit para lamang mapalayas ang mga ito. Ang 100 megawatt WtE incinerator ay magsusunog ng basura para gawin itong enerhiya na isusuplay sa kalapit na pier.

Maganda man sa pandinig sa umpisa, masakit naman sa baga kalaunan.

Binansagan ang WtE Incinerator Faciity bilang isang Dambhalang Sigarilyo. Ito ay maglalabas ng abo at usok na may halong mapaminsalang mga kemikal na nakamamatay. Pero hindi pa man ito naitatayo ay unti-unti na nitong pinapatay ang mga residente. Tinatanggalan nila ang mga ito ng kabuhayan sa pamamagitan ng sapilitang pagpapalayas na ginagamitan pa nila ng dahas at pananakot.

Sekundarya nitong pinapatay ng WtE ay ang kalikasan, dahil humahalo ito sa hangin at tubig. Ang polusyon namang dulot nito ay aabot hanggang Bulacan at Cavite, at maaari itong makapagdulot sa tao ng iritasyon sa balat, iba’t ibang uri ng kanser, sakit sa puso at dugo, sakit sa baga, at problema sa pagbubuntis—malinaw na labag ito sa RA 8749 o Clean Air Act at RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Walang ibang dahilan kung bakit pinagpipilitan ng gobyerno ang pagpapatayo ni Reghis Romero ng mapaminsalang WtE Incinerator sa kabila ng mga batas nitong nilalabag at karapatang inaapakan kundi ang tubo. Hindi enerhiya ang gusto nilang likhain sa pagsusunog ng basura. Barat na barat ang pondo para sa mga pabahay, edukasyon, at kalusugan, pero ang proyektong ito ay pinaglaanan ng ₱26.6 billion. Hindi na ito nakakapagtaka, lalo’t ang mga tao mismo sa likod nito ay ang magnanakaw na si Bongbong Marcos at ang ganid na si Reghis Romero ng R II Builders!

Kaya naman, nakikiisa ang Liga ng Kabataang Propagandista-PUP sa laban ng mga residente sa Smokey Mountain. Mariin nating tutulan ang Waste to Energy Incinerator! Hindi ito, kung ‘di maayos na pabahay, kabuhayan, at serbisyong panlipunan ang kailangan ng mga residente!

ARTISTA NG BAYAN, MAKIISA SA LABAN!
R-II BUILDERS AT PHILECO, SINGILIN AT PANAGUTIN!

PUP NOT FOR SALE, WE ARE NOT FOR SALE! NPU BILL, TUTULAN, LABANAN, HUWAG PAHİNTULUTAN!Kahapon, nakilahok ang Liga ng Kab...
03/06/2026

PUP NOT FOR SALE, WE ARE NOT FOR SALE!
NPU BILL, TUTULAN, LABANAN, HUWAG PAHİNTULUTAN!

Kahapon, nakilahok ang Liga ng Kabataang Propagandista - PUP sa inilunsad na local mobilization upang tutulan ang isinusulong muli na National Polytechnic University (NPU) Bill.

Kanina lamang ay inaprubahan na ang nasabing bill ng House Committee on Higher and Technical Education nang hindi kinokunsulta ang mga mag-aaral sa pamantasan at kahit na ilang beses na nila itong tinutulan.

Nakapaloob sa NPU Bill ang dagdag na pondo para sintang paaralan, pero bakit ito sinusuka ng mga Iskolar ng Bayan?

Nakasaad sa NPU Bill ang dagdag badyet para sa PUP, pero kaakibat nito ang komersyalisasyon kung saan bubuksan ang pamantasan sa mga pribadong korporasyon. Nangangahulugan ito ng kawalan ng hanapbuhay para sa mga vendors sa lagoon at mataas na presyo ng bilihin dahil mapapalitan ang mga maliliit na stall ng mga mapanghimasok na pribadong kumpanya; kawalan ng student spaces sa mga establisyementong maaring itayo; posibleng pagkakaroon ng matrikula; at mas pinaigting na neoliberalisasyon sa pamantasan.

Ginagawang pain ng gobyerno sa mga admin ang “dagdag pondo” at “fiscal autonomy” na hindi naman nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa PUP. Ang totoong gusto ng gobyerno ay maipasa ang responsibilidad sa pagpopondo sa pamantasan mula sa kanila hanggang sa atin sa pamamagitan ng pagpapapasok sa mga pribadong kumpanya upang ang mga ito naman ang mapanghugutan.

Para saan at para kanino ba talaga ang NPU Bill? Para sa mga estudyante o para sa kapakinabangan ng mga kapitalista at ng estado?

Wala nang dahilan pa para ipagpatuloy at isulong ang bill na ito na malinaw na malinaw kung sino ang tunay na makikinabang. Bilang mga Iskolar ng Bayan, hindi lamang nararapat, kung ‘di kinakailangan nating tumindig sa panahong ito!

EDUKASYON, KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
SERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO!

Nitong May 23, idinaos ang Poorest De Mayo sa Tondo, Manila ng iba’t ibang sektor. Isinagawa ito upang maipakita sa taum...
24/05/2026

Nitong May 23, idinaos ang Poorest De Mayo sa Tondo, Manila ng iba’t ibang sektor. Isinagawa ito upang maipakita sa taumbayan ang tunay na diwa ng Santacruzan hindi sa pagbitbit ng mga palamuti kung ‘di sa pagbitbit ng mga isyung pinapasan ng mga maralita, gaya ng imperyalismo, sanglimos na sahod, demolisyon, oil price hike, at ang pinaka-itinatampok na Waste to Energy (WtE). Ang 100 megawatts WtE incinerator facility na nais ipatayo ay may kaakibat na banta ng demolisyon, malawakang polusyon na abot mula Metro Manila hanggang sa Bataan, at ang mga sakit na maaring idulot nito. Bukod pa rito, ₱26.6B ang inilaan ng gobyerno para rito, samantalang maraming Pilipino ang nangangailangan ng tirahan, kalidad na edukasyon, at mas maayos na sistemang pangkalusugan.

Marapat lamang na tutulan ang WtE dahil bukod sa pagpapalayas sa mga residente ng Smokey Mountain, gagamitin lamang ang pera ng taumbayan para sa bagay na maari pa nating ikamatay.

Kaya naman, inaanyayaan namin kayona sumama mamaya sa isang malawakang Poorest De Mayo na gaganapin sa Senado.

Iskolar at Artista ng Bayan, tumindig kasama ng masang api! Tumindig laban sa WtE!

Kondukta:
Misa sa Our Lady of Sorrow, Pasay - 2PM
Mass up sa Pur Ldy of Sorrow, Pasay - 3Pm
Martsa tungong Senado - 4pm

Tama na ang taguan, tama na ang takbuhan! Bato, panagutin! Bato, pasukuin! Sara Panagutin! Sara patalsikin! Tiyak na mas...
13/05/2026

Tama na ang taguan, tama na ang takbuhan! Bato, panagutin! Bato, pasukuin!
Sara Panagutin! Sara patalsikin!

Tiyak na mas lumalala ang krisis sa bansa. Bukod sa nagtataasang bilihin at krisis sa langis bunsod ng internasyunal na sigalot na dulot ng imperyalistang US, nariyan ang senado na protektor ng isang pugante at mamamatay tao na si Bato Dela Rosa. Hindi na ito bago dahil sa pamumuno ng bagong luklok na si Alan Cayetano bilang senate president ay isa lang ang kaniyang layunin, ang protektahan ang mga nasa kampo ng Duterte, at hindi pagsilbihan ang interes ng sambayanan!

Habang nagkakagulo, tahimik si Marcos. Hindi pa ba sapat ang naging ingay para maramdaman ang presidente? Mas lalong nakagagalit pa na sa mismong Senado nangyari ang lantaran na pagtatakip at pagprotekta sa mga dapat managot.

Kapag ordinaryong Pilipino ang inaakusahan, mabilis ang pagdakip at walang pag-aatubiling ikulong. Ngunit kapag makapangyarihang personalidad tulad ni Bato Dela Rosa ang pinapanagot, tila buong sistema pa ang kumakalinga at nagtatanggol. Maliwanag kung kanino kumikiling ang hustisya.

Habang nasa protektado ng puder ng senado ang berdugong si Bato Dela Rosa, nananatiling ligtas naman sa pananagutan ang Reyna ng Korapsyon na ai Sara Duterte habang pinapabagal at palagiang inaantala ang paglilitis nito.

Huwag tayong pumayag na gawing normal ang ganitong uri ng proteksyon para sa mga nasa poder. Masyado ng lipas ang panahon ng paglilitis para sa mga buhay na inutang ng pasismong estadong ito!

Tama na, sobra na! Taumbayan, kumilos na! Oras na ng paglilitis!

Magkita-kita tayo sa lansangan para ipanawagan, Sara Panagutin, Bato Arestuhin!



25/04/2026

TIGNAN | Kahapon, nakiisa ang Liga ng Kabataang Propagandista - PUP kasama ang iba pang mga progresibong grupo sa España sa pagtindig laban sa imperyalismo at pasismo.

Kinundena rin ng LKP - PUP ang talamak na red tagging ng estado at pamamasista ng AFP nito lamang nakaraan sa mensaheng ipinadala ng Propaganda Head nito na si Nichaelle.

Ayon sa kaniya, ang papel ng mga cultural workers bilang mga artista ng bayan ay ang pagpanday at paglikha ng sining na magpapalaya sa sambayanan.

ARTISTA NG BAYAN, TUMINDIG LABAN SA IMPERYALISMO AT PASISMO!

ARTISTA NG BAYAN, SUMALI SA LKP!
https://forms.gle/qHzEde1JWmvSBYpW7
https://forms.gle/qHzEde1JWmvSBYpW7
https://forms.gle/qHzEde1JWmvSBYpW7


Kasalukuyang nangyayari ang production work ngayon, April 25, sa Liwasang Bonufacio ang iba’t ibang progresibong organis...
25/04/2026

Kasalukuyang nangyayari ang production work ngayon, April 25, sa Liwasang Bonufacio ang iba’t ibang progresibong organisayon para sa March for Peace sa April 28.

Matatandaang sa petsa mismong iyon, April 28, pinirmahan ni Former President Benigno Aquino ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA, isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang presensya ng US troops sa ating bansa na nagdudulot ng mas matinding tensyon sa pagitan natin at ng China sa West Philippine Sea. Layunin ng March for Peace na ipanawagan ang pagbasura sa di makatarungang kasunduan na ito.

Kaya mga artista ng bayan, tumindig at lumaban! Sumama sa production work sa mga susunod na araw, 10am onwards, sa Liwasang Bonifacio.

US TROOPS OUT NOW!

Ipagtanggol ang kabuhayan, wakasan ang agresyong gyera ng US!Sa darating na Mayo Uno, lilikha ang Ugatlahi Artist Collec...
23/04/2026

Ipagtanggol ang kabuhayan, wakasan ang agresyong gyera ng US!

Sa darating na Mayo Uno, lilikha ang Ugatlahi Artist Collective, kasama ang iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa, ng isang mural-effigy upang ipanawagan ang pagwawakas sa agresyong digmaan ng US na patuloy na nagpapahirap sa uring manggagawa.

Inaanyayahan namin ang lahat na lumahok sa paglikha nito, na magsisilbing representasyon ng karanasan at pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa kasalukuyang panahon sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Para sa mga katanungan at iba pang detalye, maaari ninyo kaming kontakin sa aming page.

13/04/2026
ALERT | Habang kasalukuyang pinapasok ng demolition team ang Panday Creek upang wasakin ang mga tahanan, namataan ang da...
13/04/2026

ALERT | Habang kasalukuyang pinapasok ng demolition team ang Panday Creek upang wasakin ang mga tahanan, namataan ang dalawang SWAT sa likod na umaakyat sa crane ng Monocrete, bitbit ang assault rifle na may scope. Isa sa kanila ay nakadapa na at nakatutok ang baril sa mga residente.

May mga residente na ring nasaktan ilang minuto lang ang nakalipas. Ayon sa mga residente, kasalukuyan silang tinataniman ng mga kapulisan habang tuloy tuloy ang pag-demolish sa kabahayan.

Address

PUP Sta Mesa
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liga ng Kabataang Propagandista - Polytechnic University of the Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Liga ng Kabataang Propagandista - Polytechnic University of the Philippines:

Share