27/05/2026
IN PHOTOS: Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng transparency, accountability, at digital transformation sa public financial management, inilunsad ng Department of Budget and Management (DBM) ang Open Budget Portal sa ginanap na at OBS 2025 Results Forum noong Mayo 20, 2026.
Layunin ng open budget monitoring platform ng bansa na magbigay ng isang centralized, user-friendly, at data-driven system kung saan mas madaling maa-access, mauunawaan, at mamo-monitor ng publiko ang ibaโt ibang impormasyon patungkol sa budget ng pamahalaanโmula sa mga mambabatas hanggang sa ordinaryong Pilipino.
Ibinahagi ni Assistant Secretary Andrea Celene M. Magtalas na nagsimula ang proyekto mula sa mga hamong naranasan ng DBM personnel tuwing House at Senate budget hearings, kung saan kinakailangan pang magdala ng napakaraming printed documents at reports ng mga kawani ng ahensya.
"From those experiences came a bigger visionโto create a more efficient, accessible, and data-driven way of managing and presenting budget information not just for DBM staff anymore but for all of us," paliwanag niya.
Pinasalamatan din ni ASec. Magtalas si dating Kalihim Rolando โRollyโ U. Toledo sa pangunguna at pagsusulong ng proyekto, gayundin si Acting Secretary Kim Robert C. De Leon sa patuloy na suporta nito sa inisyatiba.
Sa pamamagitan ng Budget Dashboard, Government Dashboard, at Local Government Dashboard na naglalaman ng organisadong datasets, analytics, at reports, mas madaling makukuha ng users ang budget data na kanilang kinakailangan.
Pinangunahan ng Office of the Secretary at Information and Communications Technology Group (ICTG) ang proyekto, katuwang ang Budget Technical Bureau (BTB), Organization, Position Classification and Compensation Bureau (OPCCB), at Local Government and Regional Coordination Bureau (LGRCB), bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng DBM ng bukas at makabagong pamamahala.