25/07/2025
Magandang Umaga mga Ka-Barangay!
Available na po ang gamot na ito sa atin, para sa mga may kailangan mag message lamang po o comment at pwede nyo na pong kunin.
Mag su-supply po tayo hanggat tuloy tuloy ang ulan.
Mag ingat po tayong lahat at huwag kalimutan magdala lagi ng payong at uminom ng sapat na tubig.
‼️ PAALALA ‼️
Ang Doxycycline ang antibiotics na binibigay bilang prophylaxis sa mga lumusong sa baha upang maiwasan ang sakit na Leptospirosis. Tandaan na BAWAL ang Doxycyline sa mga sumusunod:
❌buntis
❌breastfeeding
❌mga bata below 8 years old (for older kids, ang reseta ay base sa timbang at edad)
❌may allergy sa gamot na ito
⭕️Abisuhan ang inyong doktor
- kung ikaw ay may sakit sa kidney, atay, lupus, myesthenia, etc
- umiinom ng gamot tulad ng para sa seizure, isotretinoin, at walfarin
⭕️ Kung ikaw ay umiinom ng mga sumusunod na gamot, huwag isabay ang Doxycycline:
- Antacids
- Calcium supplements
- Iron supplements
- Multivitamins
** Pwedeng maghintay ng 2 hours pagitan pagkainom ng Doxycycline
‼️ Gabay sa pag inom ‼️
Pag isang beses lang lumusong sa baha mag take ng 2 capsule sa loob ng 3 araw.
Kapag may sugat at lumusong sa baha 2 capsule a day sa loob ng 5 araw.
Pag patuloy na lumulusong sa baha. Tuloy tuloy lang ang pag inom 2 capsule sa isang araw.
Sa batang edad 8 pababa mas mainam magpa konsultansa doktor.