26/05/2026
SCHOOL SUPPLIES 2026 ๐๐๐๐๐
LATE POST : Matagumpay pong naisagawa ang pamamahagi ng school supplies para sa ating mga kabataan dito sa Brgy. 499 Zone 49. Sa kabila ng limitadong resources, sinikap po ng ating Mother Council na makapaglaan ng tulong upang kahit papaano ay makatulong sa paghahanda ng ating mga estudyante para sa nalalapit na pasukan.
Nais po naming ipaliwanag at ipaunawa sa lahat na limitado lamang po ang bilang ng school supplies na naipamahagi kaya ito ay isinagawa sa paraang โfirst come, first serve.โ Humihingi po kami ng paumanhin sa mga hindi nabigyan at sa mga hindi naabutan ng supplies. Nauunawaan po namin ang inyong saloobin at hangad din po sana namin na mabigyan ang lahat ng nangangailangan.
Sa kasalukuyan po ay hindi nakapaglabas ng proyektong school supplies ang ating Sangguniang Kabataan, kayaโt ang programang ito ay ginawan na lamang ng paraan at inisyatibo ng ating Mother Council upang kahit limitado ay mayroon pa ring maipaabot na tulong sa ating mga kabataan.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa buong Barangay Council sa kanilang suporta at pakikiisa upang maisakatuparan ang simpleng programang ito para sa komunidad.
Maraming salamat din sa ating mga SK Kagawad na sina Ava, Daniel, Osang, BK, Jen, at Trisha na naglaan ng kanilang oras, pagod, at serbisyo upang maging maayos at matagumpay ang pamamahagi.
Patuloy po kaming humihingi ng inyong pang-unawa at suporta. Asahan po ninyo na patuloy tayong gagawa ng mga paraan at programa upang mas marami pa ang matulungan sa mga susunod na pagkakataon.
Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat. ๐