Makabagong Indio

Makabagong Indio Ordinary Pilipino

PALASYO: WALA UMANONG PANANAGUTAN SI VINCE DIZON SA 2019 SEA GAMESIginiit ng Malacañang na wala umanong napatunayang pan...
17/07/2026

PALASYO: WALA UMANONG PANANAGUTAN SI VINCE DIZON SA 2019 SEA GAMES
Iginiit ng Malacañang na wala umanong napatunayang pananagutan laban kay dating Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon kaugnay ng mga alegasyon ng iregularidad sa paghahanda para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, naimbestigahan na noon si Dizon at nalinis sa mga paratang, batay sa mga rekord ng pamahalaan.
Ang pahayag ay kasunod ng sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na hindi siya dapat sisihin sa kontrobersiya, dahil ang ilang proyekto ay nasa ilalim ng pamamahala ng BCDA na pinamunuan noon ni Dizon.
Dagdag pa ni Castro, hindi rin umano naimbestigahan si Cayetano noong panahong iyon dahil, aniya, nauna na itong nalinis ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bago pa magkaroon ng pormal na imbestigasyon.

"NBI CHIEF: ‘HINDI AKO NAKIKIPAGBANGAYAN SA SENADO"Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Mat...
16/07/2026

"NBI CHIEF: ‘HINDI AKO NAKIKIPAGBANGAYAN SA SENADO"
Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na wala siyang alitan sa Senado kaugnay ng muling pag-iimbestiga sa umano’y mga iregularidad sa mga proyekto ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games
Ayon kay Matibag, muling napagtuunan ng pansin ang sports complex matapos inspeksyunin ng NBI ang lugar na nakatakdang pagtayuan ng NBI Academy
Dagdag niya, susundan lamang ng NBI ang mga ebidensya at umiiral na proseso ng batas, kabilang ang posibilidad na kunan ng pahayag si dating PHISGOC Chairman Sen. Alan Peter Cayetano, kung kinakailangan.
Bumuo na rin ang NBI ng "special task force upang imbestigahan ang umano’y mga anomalya sa **Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC)**, kabilang ang alegasyon ng kawalan ng public bidding at mga pondong hindi pa umano nali-liquidate

13/07/2026

✅ Impeachment
❎ Flood Control

🤔🤔🤔

TYPO SA AFFIDAVIT AT SUBPOENA?Kinuwestiyon ang ilang typographic errors sa affidavit at subpoena ng National Bureau of I...
13/07/2026

TYPO SA AFFIDAVIT AT SUBPOENA?
Kinuwestiyon ang ilang typographic errors sa affidavit at subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa imbestigasyon nila sa umano’y pagbabanta ni Vice Pres. Sara Duterte.
“Atty. Lotoc, typo na ‘yung affidavit, typo pa ‘yung subpoena?” tanong ni Presiding Officer Chiz Escudero.

Sumadsad sa -27 percent ang net trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., base sa pinakahuling survey ng Publicus ...
11/07/2026

Sumadsad sa -27 percent ang net trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., base sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.

MAS LALONG TUMITIBAY ANG EBIDENSYAHindi na magiging isyu para sa Prosekusyon ang authenticity ng video na naglalaman ng ...
11/07/2026

MAS LALONG TUMITIBAY ANG EBIDENSYA
Hindi na magiging isyu para sa Prosekusyon ang authenticity ng video na naglalaman ng umano'y pagbabanta ni Vice Pres. Sara Duterte kina Pres. Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.
Giit ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, napatunayan na ni NBI senior agent John Mark Calilung ang kaniyang kredibilidad na mag-authenticate ng naturang video matapos siyang sumailalim sa cross-examination ng defense panel ni VP Sara

‘SI VP SARA GUILTY NAMAN TALAGA’WATCH: Iginiit ng Clergy for Good Governance (CGG) na dapat panagutin at ma-impeach si  ...
08/07/2026

‘SI VP SARA GUILTY NAMAN TALAGA’
WATCH: Iginiit ng Clergy for Good Governance (CGG) na dapat panagutin at ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay CGG Convenor Fr.Robert Reyes, guilty naman talaga si VP Sara sa mga akusasyong ipinupukol sa kanya.

"PHOTOCOPY NOW IS CONSIDERED AN ORIGINAL," GIIT NI ATTY. LIGUTAN SA IMPEACHMENT TRIALIsa sa mga naging tampok na palitan...
08/07/2026

"PHOTOCOPY NOW IS CONSIDERED AN ORIGINAL," GIIT NI ATTY. LIGUTAN SA IMPEACHMENT TRIAL
Isa sa mga naging tampok na palitan sa ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay ang debate tungkol sa admissibility ng documentary at electronic evidence.
Habang isinasagawa ang direct examination sa unang prosecution witness na si NBI Senior Agent John Mark Calilung, ipinaliwanag ni private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng House prosecution panel, ang legal na batayan ng mga dokumentong inihaharap. Sa gitna ng argumento, sinabi niya:
"Photocopy now is considered an original."
Ang pahayag ay tumutukoy sa aplikasyon ng Rules on Electronic Evidence at ng Rules of Court, kung saan ang ilang printout o duplicate ng electronic document ay maaaring tanggapin bilang original kung natutugunan ang mga rekisito ng batas.
Ang paliwanag ay sinalubong ng mga pagtutol mula sa defense panel, ngunit nagpatuloy ang pagdinig matapos dinggin ng impeachment court ang mga argumento ng magkabilang panig

SEN.RODANTE MARCOLETA INARESTO!Naglabas ngayong July 6, 2026 ang Sandiganbayan 3rd Division ng warrants of arrest at hol...
06/07/2026

SEN.RODANTE MARCOLETA INARESTO!
Naglabas ngayong July 6, 2026 ang Sandiganbayan 3rd Division ng warrants of arrest at hold departure order laban kay Sen. Rodante Marcoleta at iba pa kaugnay ng kasong plunder.
Ayon kay Associate Justice Karl Miranda, inilabas ang warrant matapos makita ng korte ang probable cause sa kaso.
“Let me stress, yung warrant of arrest does not constitute a determination of guilt. Hindi pa-guilty yan,” saad ni Miranda.
Pinaalalahanan din ni Miranda ang mga sangkot na panatilihin ang respeto sa rule of law at sa korte.
“Full respect for the rule of law and the courts is non-negotiable,” giit ni Miranda.

WALA KAMING SASANTUHIN, MAGING SINO MAN!Iginiit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na walang opisyal ng gobyerno, anuman...
02/07/2026

WALA KAMING SASANTUHIN, MAGING SINO MAN!
Iginiit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na walang opisyal ng gobyerno, anuman ang kanilang posisyon o katungkulan, ang makaliligtas sa imbestigasyon at pag-uusig kung may sapat na ebidensya ng katiwalian.
Sa kanyang talumpati sa mga kalahok ng Field Investigation Course, binigyang-diin ni Remulla na pantay-pantay ang pagpapatupad ng batas at pananagutan sa lahat ng lingkod-bayan.
“Mataas man o mababa, tatamaan sa atin pag mali ang ginawa,” ani Remulla.
Hinikayat din ng Ombudsman ang mga imbestigador ng Office of the Ombudsman na manatiling matatag, tapat, at walang kinikilingan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Aniya, mahalagang mapanatili ang integridad sa serbisyo publiko at higit pang mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.
“Pag may naliligaw ng landas, kailangan tayo ang magpakita at ituwid ang landas na bumabaluktot,” dagdag niya.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Makabagong Indio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share