01/06/2026
Pinapaalalahanan po ang lahat na maging handa at mag ingat.
CITY OF MANILA LOCALIZED YELLOW HEAVY RAINFALL ADVISORY #1
As of 12:40 PM | June 1, 2026 | Monday
Nagtaas ang PAGASA ng Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila dahil sa epekto ng Hanging Habagat.
Kaugnay nito, inaasahang makakaranas ang Lungsod ng Maynila ng pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan na maaaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.
Pinapaalalahanan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng flash floods, lalo na sa mga flood-prone areas. Manatiling nakatutok sa mga abiso ng PAGASA at ng Manila City DRRM Department para sa karagdagang weather updates.
Sa panahong ito, lamang ang may alam!