16/03/2026
WALANG ESPASYO ANG PASISMO SA PAMANTASAN NAMIN!
Sa halip na kaalaman, disimpormasyon ang inihatid sa mga estudyante kahapon, Marso 15, nang magsalita ang mga kinatawan ng NTF-ELCAC sa ROTC Orientation sa PUP Grandstand. Sa kanilang walang kwentang pagbabahagi, inakusahan nilang โfrontโ umano ng CPP-NPA-NDF ang mga progresibong organisasyon at pinalalabas na laganap ang recruitment sa loob ng unibersidadโmga alegasyong walang malinaw na batayan.
Mariing tinututulan ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan PUP COC ang ganitong uri ng terror-tagging. Wala itong ambag kundi pananakot at pagtatangkang patahimikin ang mga estudyanteng nag-oorganisa at naninindigan para sa kanilang demokratikong karapatan at ilihis ang mga estudyante mula sa pagkamulat nito sa tunay na lagay ng lipunang mapagsamantala.
Isang malaking tanong kung bakit pinahintulutan ng PUP Administration na makapagsalita ang NTF-ELCAC sa isang programang walang malinaw na kinalaman sa kanila. Dapat magpaliwanag ang administrasyon ng PUP at ang ROTC Unit kung bakit nabigyan ng espasyo ang ganitong uri ng panghihimasok sa loob ng pamantasan.
Kahit na lagpas pa sa daliri ng mga tao sa likod ng ahensyang ito ang plano nilang magpabalik-balik sa pamantasan, mananatili ang tindig ng mga Iskolar ng Bayan na walang espasyo ang pasismo sa loob ng unibersidad. Ang pamantasan ay para sa malayang pag-aaral, kritikal na pag-iisip, at kolektibong pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan, hindi para sa pananakot at madilim na propaganda ng administrasyong Marcos-Duterte.