26/08/2026
TOTOO PO ANG BALITA! BAGO NA ANG OCRA!
1. Pumunta sa https://ocra.pgh.gov.ph para sa bagong OCRA.
2. Mag-log-in gamit ang inyong User Name at Password. Hindi po ito nagbago. Maaari niyo parin pong gamitin ang inyong orihinal na OCRA account.
Mga maaaring gawin gamit ang inyong OCRA account:
1. Magrequest ng appointment sa OPD clinics sa PGH Manila at PGH New Clark City
2. Mag-request ng mga opisyal na dokumento gaya ng mga medical certificates mula sa Medical Records.
3. Tignan ang mga resulta ng mga laboratoryong ginawa sa PGH
4. Magtala ng inyong blood pressure, blood sugar at ibang sintomas para sa pagmonitor ng inyong kalusugan.
Kung nahihirapan na mag-log-in ay maaaring i-reset ang inyong password o di kaya ay magreport para mabigyan ng suporta ng aming IT Team.