29/05/2025
📢📢📢BRIGADA ESKWELA 2025
📣📣📣Sama-sama para sa Bayang Bumabasa! ❤️
Sa ngalan ng Lawak-Langka Elementary School, kami po ay taos-pusong nananawagan sa lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, alumni, NGO, opisyal ng barangay, at mga katuwang sa komunidad na makiisa sa ating Brigada Eskwela 2025 na gaganapin mula Hunyo 9 hanggang 13, 2025.
Layunin natin na maihanda ang ating paaralan para sa isang ligtas, maayos, at malinis na pagbubukas ng klase. Sama-sama nating ayusin, linisin, at pagandahin ang ating mga silid-aralan at kapaligiran upang maging handa ang ating paaralan sa pagbabalik ng mga mag-aaral.
Paano ka makakatulong?
✔ Pagtulong sa paglilinis at pag-aayos ng silid-aralan at buong paaralan
✔ Pagkukumpuni o paggawa ng mga sirang kagamitan
✔ Pagbibigay ng donasyon tulad ng walis, pintura, papel, krayola, cleaning materials, at iba pa
✔ Paglalaan ng oras, lakas, at talento
Ang inyong simpleng ambag ay napakalaking tulong sa tagumpay ng ating paaralan at sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Ipakita natin ang diwa ng bayanihan at malasakit sa edukasyon!
Tara na, Brigada na!
Makilahok sa Brigada Eskwela 2025!
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa ating Punong g**o na si Dr. Rhamsey Artates Fabros 📞09688565482 at mga g**o.
-LangkaES