23/03/2026
πππππππ ππππ ππ πππππππππππ ππππππππ
Magalang po naming ipinababatid sa lahat na ang nakatakdang game schedule ng Pakasilan ed Osiem ay pansamantala munang ipagpapaliban alinsunod sa inilabas na memo ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapatupad ng energy conservation and efficiency measures.
Ayon sa nasabing memo, ipinatutupad ang mga hakbang na ito bilang tugon sa tumataas na gastos sa enerhiya at upang mabawasan ang konsumo ng kuryente at fuel, habang tinitiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo publiko. Kabilang dito ang mas maingat na paggamit ng mga pasilidad at kagamitan ng pamahalaan upang makatulong sa mas episyenteng paggamit ng resources.
Kaugnay nito, minarapat nating pansamantalang iurong ang iskedyul ng mga laro bilang pakikiisa at pagtalima sa ipinatutupad na mga alituntunin. Nauunawaan po namin ang excitement, oras, at paghahandang inilaan ng bawat isa para sa aktibidad na ito, kaya naman hinihingi po namin ang inyong pang-unawa at pasensya sa pagbabago ng iskedyul.
Nais din naming ipaabot na ang Sangguniang Kabataan ay patuloy na ginagawa ang lahat ng makakaya upang maayos ang mga susunod na detalye at maibigay agad sa lalong madaling panahon ang panibagong game schedule. Makakaasa po kayo na agad naming ipapaalam ang mga susunod na anunsyo sa oras na maging maayos na ang lahat.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta sa ating mga programa at aktibidad.