Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan

Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan The Official Public Information and Communication Arm of the Local Government Unit of Mangaldan, Pangasinan, Philippines.
(10)

The Official Public Information and multimedia arm of the Local Government Unit of Mangaldan, Pangasinan, Philippines which aims to be the primary channel of vital and relevant updates, news and announcements of Mangaldanians and its stakeholders.

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—จ๐—— ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก๐—œ๐—”๐—ก ๐—ž๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ก ๐—š. ๐—”๐—•๐—ฅ๐—ข๐—š๐—”๐—ฅ, ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž-๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—š๐—ฅ๐—”๐—ก๐—— ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ ๐Ÿญ๐Ÿฌ!Isang malaking karang...
03/06/2026

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—จ๐—— ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก๐—œ๐—”๐—ก ๐—ž๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ก ๐—š. ๐—”๐—•๐—ฅ๐—ข๐—š๐—”๐—ฅ, ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž-๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—š๐—ฅ๐—”๐—ก๐—— ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ ๐Ÿญ๐Ÿฌ!

Isang malaking karangalan para sa Mangaldan at buong Pangasinan ang muling hatid ng ating kababayan na si Kisen G. Abrogar ng Barangay Palua matapos siyang opisyal na makapasok sa week-long Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan Year 10 ngayong Hunyo 3.

Sa ikatlong araw ng National Finals, pinahanga ni Kisen ang mga hurado at manonood sa kanyang emosyonal na pag-awit ng awiting โ€œHabang May Buhayโ€ ni Wency Cornejo. Hindi lamang husay sa pagkanta ang kanyang ipinamalas kundi pati ang taos-pusong paghahatid ng mensahe ng kanta na tumagos sa damdamin ng mga nakasubaybay.

Nagtala si Kisen ng 93% na marka mula sa panel of judges upang manguna laban kina Francis Antoquia ng Davao City, Davao del Sur na nakakuha ng 90.7% at Timmy Go ng Baguio City, Cordillera Administrative Region (CAR) na nagtala naman ng 91%.

Dahil sa kanyang panalo, awtomatiko siyang umusad sa week-long Grand Finals kung saan haharap siya sa iba pang national finalists. Makakasama rin niya sa susunod na yugto ng kompetisyon si Timmy Go bilang isa sa mga itinanghal na finalists.

๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฎ ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ

Sa ipinakitang VTR bago ang kanyang pagtatanghal, ibinahagi ni Kisen ang kanyang mga personal na pangarap at sakripisyo para sa pamilya.

Ayon sa kanya, malaking tulong ang mga premyo at oportunidad na natanggap niya matapos maging Regional Champion ng Tawag ng Tanghalan Region 1. Sa kanyang mga napanalunang cash prizes at mga singing engagements, unti-unti nilang naipaayos at nairenovate ang kanilang tahanan.

Ngunit higit sa materyal na bagay, ang pinakamalaking hiling niya ay mapauwi na ang kanyang ina upang siya na lamang ang magtrabaho at magtaguyod sa kanilang pamilya.

โ€œ๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒโ€ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ

Isa sa mga pinakatumatak na komento ay nagmula kay veteran musician at composer na si Louie Ocampo, punong hurado ng kompetisyon.

โ€œI felt that โ€˜yung pagperform niya today is very pure, coming from the heart. [He] wasnโ€™t trying to impress us. He was just telling his story and I really liked it,โ€ ani Ocampo.

Umani rin siya ng matitinding papuri mula sa iba pang hurado kabilang sina The Voice USA Season 26 Champion Sofronio Vasquez at TNT Season 4 Grand Champion JM Yosures.

๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ฎ๐—ป

Hindi na bago sa mga Mangaldanian ang pangalan ni Kisen. Noong nakaraang taon, kabilang siya sa mga grand finalist ng Ugnayan sa Pasko 2025, kung saan una niyang ipinamalas ang kanyang natatanging talento.

Nagpaabot naman ng pagbati si Mayor Bona Fe de Vera-Parayno sa binatang mang-aawit para sa panibagong karangalang kanyang iniuwi para sa bayan.

Ayon sa alkalde, si Kisen ay patunay na ang talento, sipag, at determinasyon ng isang Mangaldanian ay kayang makipagsabayan sa pinakamahuhusay sa bansa.

Habang papalapit ang pinakahihintay na โ€œhuling tapatanโ€ ng Tawag ng Tanghalan Year 10, patuloy na umaasa at sumusuporta ang buong Mangaldan na maitanghal bilang kampeon ang kanilang kababayan na nagsimulang mangarap mula sa Barangay Palua at ngayoโ€™y umaawit para sa buong bansa. (๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก๐™™๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™„๐™Š)

๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ช๐—”๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ฆ๐—”๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒBilang bah...
03/06/2026

๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ช๐—”๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ฆ๐—”๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—š๐—”๐——๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Bilang bahagi ng suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa Brigada Eskwela 2026, nagsagawa ng misting operation at water sampling ngayong Miyerkules, Hunyo 3, 2026 sa Mangaldan National High School (MNHS).

Pinangunahan ni Sanitary Inspector VII Zita Lapore ang misting operation sa mga silid-aralan ng MNHS upang mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue at masig**o ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa nalalapit na pasukan.

Ayon sa Municipal Health Office, nakatakda ring magsagawa ng kaparehong operasyon sa iba pang paaralan sa bayan sa mga susunod na araw upang masig**o ang kalinisan at kaligtasan ng lahat ng estudyante.

Bukod sa misting, nagsagawa rin ng water sampling ang Northern Philippines Water Laboratory Inc., isang Department of Health (DOH)-accredited laboratory. Isa itong proseso ng pagkolekta ng tubig mula sa partikular na pinagkukunan upang masuri at matiyak na ligtas itong inumin.

Paraan din umano ito para masig**o na ang mga mag-aaral at g**o ay may access sa malinis at ligtas na tubig sa loob ng paaralan.
Taos-pusong pinasalamatan ni Principal IV Eduardo Castillo, Assistant Principal II Danilo S. Eden at ibang mga department heads ng paaralan ang lokal na pamahalaan sa kanilang tulong at suporta.

Hinihikayat ni Mayor Bona Fe de Vera Parayno ang lahat ng magulang, g**o, mga organisasyon at maging ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na makiisa sa Brigada Eskwela sa ibaโ€™t ibang paaralan sa bayan bilang pagpapakita ng dedikasyon sa kalinisan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat estudyante sa Mangaldan. (๐‘ด๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’ ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ถ)

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—™๐—œ๐—˜๐—— ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐—–๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—ง๐—ฆ (๐—–๐—ฃ๐—”) ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก!Ang bawat numero ay may kwento. Account...
03/06/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—™๐—œ๐—˜๐—— ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐—–๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—ง๐—ฆ (๐—–๐—ฃ๐—”) ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก!

Ang bawat numero ay may kwento. Accountant na ako nanay at tatay!

Pagpupugay para sa lahat Mangaldaniang pumasa sa May 2026 Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE) na isinagawa noong Mayo 24-26.

Sa opisyal na resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Hunyo 2, 30.83% o kabuuang 3,004 ang pumasa mula sa kabuuang 9,745 examinees na sumubok sa sinasabing isa sa sinasabing pinakamahirap na licensure examinations.

Isang pagbati ng tagumpay mula sa Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Bona Fe de Vera Parayno.

Ngayong tapos na ang exam, totoong buhay na ang iyong babalansehin. Maniwala ka sa iyong kakayahan kabaleyan! I-tag na sa comment section ang mga nais bigyang pugay at batiin na mga bagong CPA!

Para sa listahan ng mga nakapasa, pindutin lamang ang link na ito: https://www.prcboard.com/cpale-results-may-2026-certified-public-accountant-licensure-exam-passers?fbclid=IwY2xjawSMrvBleHRuA2FlbQIxMQBzcnRjBmFwcF9pZBAyMjIwMzkxNzg4MjAwODkyAAEeRyz4_4ivM6x5dsKXb9s97EQd4gEKcTrle1E2v0kLFajCIncXkDBNQKGpT6w_aem_dFmr_E6tHNdmfLXCPy_ziw

๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž-๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—จ๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š, ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—”๐——๐—จ๐—›๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—–๐—›๐—œ๐—ž๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š!Pasukan na naman kabaleyan! Abala na naman ang mga...
03/06/2026

๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž-๐—˜๐—ฆ๐—ž๐—จ๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š, ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—”๐——๐—จ๐—›๐—œ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—–๐—›๐—œ๐—ž๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š!

Pasukan na naman kabaleyan! Abala na naman ang mga magulang sa paghahanda sa kanilang mga anak sa papalapit na pagbabalik-eskuwela. Siguradong excited na rin ang mga batang pumasok para matuto at magkaroon ng bagong mga kaibigan.

Bilang mga magulang, hangad natin ang kaligtasan ng ating mga anak lalo na sa pagpasok at paglabas ng kanilang klasrum o paaralan.

Binibigyang-diin ni Mayor Bona Fe De Lokal at ng buong Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan, na lamang ang nanay at tatay na may kaalaman pagdating sa pagtiyak na protektado ang mga anak sa anumang banta o kapahamakan.

Narito ang ilan sa mga mahahalagang hakbang na dapat tandaan para sa ligtas na pagbabalik-eskuwela:

๐Ÿญ. ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ด๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐—ธ๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ.

๐Ÿฎ. ๐—ฃ๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎโ€™๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฝ ๐—ผ ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ.

๐Ÿฏ. ๐—œ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜„ ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ผ.

๐Ÿฐ. ๐—จ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ.

๐Ÿฑ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ๐˜๐˜† ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐—น๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป.

Salubungin ang bagong panuruang taon, bitbit ang baong kaalaman tungo sa kaligtasan ng ating mga pinapaaral na anak. Mula sa ating pabaong balik-eskuwela safety tips, pati ang pangarap ng mga bata ay ating napoprotektahan.

Tunay na ang mag-aaral na ligtas, tiyak mayroong magandang bukas! (๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก๐™™๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™„๐™Š)

๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  DOST-PAGASAWeather Advisory No. 18For: Southwest MonsoonIssued at: 11 AM, 03 June 2026Heavy rainfall outlook...
03/06/2026

๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  DOST-PAGASA

Weather Advisory No. 18
For: Southwest Monsoon
Issued at: 11 AM, 03 June 2026

Heavy rainfall outlook due to Southwest Monsoon
Today to tomorrow noon (June 4)

(50-100 mm):
Pangasinan, Zambales, and Bataan
Tomorrow noon to Friday noon (June 5)

(50-100 mm):
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, and Tarlac
Friday noon to Saturday noon (June 6)

(50-100 mm):
Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, and Bataan

Forecast rainfall may be higher in mountainous and elevated areas. Moreover, impacts in some areas may be worsened by significant antecedent rainfall.

The public disaster risk reduction and management offices concerned are advised to take all necessary measure to protect life and property. PAGASA Regional Services Divisions may issue Heavy Rainfall Warnings/Thunderstorms Advisories, and other severe weather information specific to their areas of responsibility as appropriate.

Unless significant changes occur, the next Weather Advisory will be issued at 5:00 PM today.

๐…๐จ๐ซ ๐€๐๐๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: The key difference between a ๐‡๐ž๐š๐ฏ๐ฒ ๐‘๐š๐ข๐ง๐Ÿ๐š๐ฅ๐ฅ ๐–๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  and a ๐–๐ž๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐€๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐ฒ lies in their forecast period, coverage areas, and accuracy.

A ๐‡๐ž๐š๐ฏ๐ฒ ๐‘๐š๐ข๐ง๐Ÿ๐š๐ฅ๐ฅ ๐–๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  provides forecasts for the next three hours and applies up to the municipal level. It is more precise as it utilizes Doppler radar technology to track real-time rainfall intensity, making it highly effective for immediate decision-making in flood-prone areas. A ๐–๐ž๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐€๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐ฒ, on the other hand, covers a 24-hour period but is issued only at the provincial level. It provides a broader outlook on potential weather disturbances but lacks the short-term accuracy of ๐‡๐ž๐š๐ฏ๐ฒ ๐‘๐š๐ข๐ง๐Ÿ๐š๐ฅ๐ฅ ๐–๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฌ.

03/06/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ Tawag Ng Tanghalan ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐˜„๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป - Kisen Abrogar!

Tunghayan ang kaniyang muling pagpapakitang-gilas sa pagkanta na tunay na angat sa iba.

๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ฎ๐—ป, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป.... ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—ฟ-๐—ฏ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿญ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ก๐—ง โ€“ ng It's Showtime!

All the best, break a leg and God bless you kabaleyan!

๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  BFAR Region 1๐’๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ๐Ÿ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ญ๐ข๐ง ๐๐จ. 13โ€Ž๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐: June 1, 2026โ€Žโ€Ž๐Ÿ“ข ๐‘๐„๐ƒ ๐“๐ˆ๐ƒ๐„ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐‹๐ˆ๐…๐“๐„๐ƒ!โ€Žโ€Ž๐๐ž๐ ๐š๐ญ๐ข๐›๐จ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ซ๐ž๐...
03/06/2026

๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  BFAR Region 1

๐’๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ๐Ÿ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ญ๐ข๐ง ๐๐จ. 13
โ€Ž๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐: June 1, 2026
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“ข ๐‘๐„๐ƒ ๐“๐ˆ๐ƒ๐„ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐‹๐ˆ๐…๐“๐„๐ƒ!
โ€Ž
โ€Ž๐๐ž๐ ๐š๐ญ๐ข๐›๐จ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ซ๐ž๐ ๐ญ๐ข๐๐ž ๐ญ๐จ๐ฑ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ๐Ÿ๐ข๐ฌ๐ก ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐›๐š๐ฒ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐  ๐ง๐  ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ง๐๐š, ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง.
โ€Ž
โ€Žโœ”๏ธ ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ค๐š๐ข๐ง๐ข๐ง
โ€Žโœ”๏ธ ๐๐ฐ๐ž๐๐ž ๐ง๐š ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ญ ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ง๐ข ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐›๐ž๐ง๐ญ๐š
โ€Ž
โ€ŽPatuloy pa rin ang monitoring ng BFAR at LGU para sa kaligtasan ng lahat.

๐’๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ๐Ÿ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ญ๐ข๐ง ๐๐จ. 13
โ€Ž๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐: June 1, 2026
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“ข ๐‘๐„๐ƒ ๐“๐ˆ๐ƒ๐„ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐‹๐ˆ๐…๐“๐„๐ƒ!
โ€Ž
โ€Ž๐๐ž๐ ๐š๐ญ๐ข๐›๐จ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐ซ๐ž๐ ๐ญ๐ข๐๐ž ๐ญ๐จ๐ฑ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ๐Ÿ๐ข๐ฌ๐ก ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐›๐š๐ฒ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐  ๐ง๐  ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ง๐๐š, ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง.
โ€Ž
โ€Žโœ”๏ธ ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ค๐š๐ข๐ง๐ข๐ง
โ€Žโœ”๏ธ ๐๐ฐ๐ž๐๐ž ๐ง๐š ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ญ ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ง๐ข ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐›๐ž๐ง๐ญ๐š
โ€Ž
โ€ŽPatuloy pa rin ang monitoring ng BFAR at LGU para sa kaligtasan ng lahat.
โ€Ž
โ€Ž

๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐——๐—˜๐—ก๐—š๐—จ๐—˜ ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—จ๐—ก๐—ฌ๐—ข!Hangad ng Lokal a Pamahalaan ng Mangaldan sa pamumuno ni Mayor Bona...
02/06/2026

๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐——๐—˜๐—ก๐—š๐—จ๐—˜ ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—จ๐—ก๐—ฌ๐—ข!

Hangad ng Lokal a Pamahalaan ng Mangaldan sa pamumuno ni Mayor Bona Fe de Vera Parayno ang maiangat ang kamalayan ng publiko ugnay sa sakit na dengue lalo na ngayong pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Ugnay nito, mariing nagpapaalala ang Municipal Heath Office sa pangunguna ni Dr. Larry Sarito ugnay sa pagpapa-igting ng kampanya upang maiwasan at mapababa ang kaso ngayong National Dengue Awareness Month.

Ayon sa mga pag-aaral, ang dengue ay isang impeksyon na nakukuha mula sa kagat ng babaeng lamok na Aedes aegypti. Maaaring magka-dengue hanggang apat na beses ang isang tao dahil sa iba't ibang serotypes nito na kinabibilangan ng DENV 1, DENV2, DENV3 at DENV4.

May puti at itim na guhit sa katawan naman ang babaeng lamok na Aedes aegypti na nangingitlog sa mga naka-imbak na tubig o mga daluyan nito tulad ng mga kanal at kadalasang nangangagat mula 6:00-8:00 ng umaga at 4:00 hanggang 8:00 pm.

Mahalaga ring malaman ang mga sintomas ugnay sa sakit. Pinapayuhan ang publiko na sumangguni sa pinakamalapit na klinika o pagamutan sakaling makaramdam ng alinman sa mga ito:
- Mataas na lagnat ng 2 araw o higit pa
- Pananakit ng tyan at ulo
- Hirap sa paghinga
- Pagsusuka at pagkahilo
- Malamig na kamay at paa
- Pagdudugo ng gilagid at ilong
- Pagkakaroon ng dugo sa iyong dumi
- Panghihina at pananakit ng katawan

Protektahan ang ating sarili upang maiwasan ang dengue sa mga pamamaraang ito:

- Panatilihing malinis ang kapaligiran
- Itaob o takpan ang mga bagay na pwedeng ma-stuck ang tubig
- Magsuot ng mahahabang damit at medyas
- Isara ang mga bintana at pinto sa gabi
- Paggamit ng mosquito repellant

(๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฃ๐—œ๐—ข)

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐——๐—ข๐—–๐—จ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ฆ, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—• ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฅ๐—œ๐—š๐—›๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—ช๐—”๐—ฌ (๐—ฅ๐—ฅ๐—ข๐—ช) ๐——๐—ข๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ฆ ๐—จ๐—š๐—ก๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” โ‚ฑ๐Ÿฑ๐Ÿฑ...
02/06/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐——๐—ข๐—–๐—จ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ฆ, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—• ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฅ๐—œ๐—š๐—›๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—ช๐—”๐—ฌ (๐—ฅ๐—ฅ๐—ข๐—ช) ๐——๐—ข๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ฆ ๐—จ๐—š๐—ก๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” โ‚ฑ๐Ÿฑ๐Ÿฑ-๐—  ๐——๐—” ๐—™๐—”๐—ฅ๐— -๐—ง๐—ข-๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ง ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง!

Inasikaso at binigyan ng libreng serbisyong legal ng lokal na pamahalaan ang mga pamilyang boluntaryong magdo-donate ng bahagi ng kanilang lupa para sa Road Right of Way (RROW) para sa nakatakdang โ‚ฑ55 milyong Farm-to-Market Road (FMR) project ngayong Martes, Hunyo 2, sa 3rd Floor ng Mangaldan Municipal Hall.

Tinupad agad ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ang kanyang pangako na aakuin ng munisipyo ang lahat ng gastusin sa pagproseso ng mga dokumento upang hindi na mamroblema ang lot owners para sa FMR project sa ilalim ng DA-FMRDP na sasaklaw at magdudugtong sa mga barangay ng Macayug, Buenlag, Bari-Banaoang, Pogo, at Maasin-Anolid.

Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga lot owner na makumpleto ang lahat ng documentary requirements at mabigyan sila ng sapat na legal na gabay hinggil sa kanilang donasyon para sa farm-to-market road na inaasahang magpapabuti sa transportasyon ng mga produktong agrikultural at magpapalakas sa sektor ng agrikultura sa bayan.

Aktibong tumulong sa isinagawang serbisyo ang Municipal Assessorโ€™s Office (MAssO) sa pangunguna ni Engr. Felipe A. Cera, Office of the Municipal Planning and Development Coordinator (OMPDC) sa pamamagitan ni Alcir M. Romero, Project Development Officer II, Municipal Administrator Atty. Teodora S. Cerdan para sa legal assistance at notarization, gayundin ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office (MAO).

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang one-on-one assistance, review, at evaluation ng mga kinakailangang dokumento ng bawat lot owner at donor bago ang pagpirma ng Deed of Donation at RROW Certification and Consent.

Gamit ang isang verification form, masusing sinuri ng komite ang mga katibayan ng pagmamay-ari tulad ng Tax Declaration, titulo ng lupa (TCT o OCT), at Deed of Sale pati na rin ang mga Cadastral Number, pinakabagong Tax Receipt, at Real Property Tax Clearance na direktang nakuha sa lokal na pamahalaan.

Para sa mga pamilyang may mas kumplikadong sitwasyon sa lupa, tinulungan silang ayusin ang mga birth at death certificates ng mga orihinal na may-ari. Inasikaso rin nang libre ang kanilang mga Special Power of Attorney (SPA) at pinagabayan ang mga nangangailangan ng Apostille Authentication para sa mga may-ari ng lupa na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Nagkaroon din ng open forum kung saan tinalakay at nilinaw ang iba't ibang usaping legal at teknikal na may kaugnayan sa pagmamay-ari ng lupa, mga tagapagmana, representasyon sa pamamagitan ng SPA, at iba pang espesyal na kaso. Pinangunahan nina Atty. Cerdan at Engr. Cera ang talakayan upang mabigyan ng malinaw na paliwanag at agarang kasagutan ang mga katanungan ng mga lot owner.

Pinasalamatan naman ni Mayor Bona ang mga lot owner na nagpakita ng malasakit at pakikiisa sa proyekto sa pamamagitan ng kusang-loob na paglalaan ng bahagi ng kanilang mga lupain para sa kapakinabangan ng nakararami.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang LGU Mangaldan sa mga kinauukulang ahensya at mga benepisyaryo ng proyekto upang matiyak ang maayos na pagproseso ng mga dokumento at ang tuluy-tuloy na implementasyon ng farm-to-market road project. (๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก๐™™๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™„๐™Š)

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—–๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—จ๐—ก๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฐ, ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ง, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š...
02/06/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—–๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—จ๐—ก๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฐ, ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ž๐—˜๐—ง, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐——๐—”๐—ก!

Muling pinaalalahanan ng magkakatuwang na sangay ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ang stall owners at market vendors ugnay sa pagsisimula sa Huwebes, Hunyo 4, ng aktuwal na clearing operations sa mga mga puwesto, display o istruktura sa mga kalsada, eskinita, at bangketa na nakasasagabal sa daloy ng tao at sasakyan.

Muling nag-ikot sa palengke at sa mga kalapit na kalye ang mga kinatawan ng joint operations team na kinabibilangan ng Office of the Market Supervisor sa pangunguna ni OIC Market Supervisor Pedrito Rivera, Municipal Engineering Office, Public Order and Safety Office (POSO), Mangaldan TODA Task Force, at Mangaldan Police Station.

Namahagi ang grupo ng flyers ugnay sa implementasyon ng Municipal Ordinance No. 2019-129 at nagpaalala sa market vendors hinggil sa mga panuntunang nararapat sundin.
Kabilang sa mga lugar na tinutukan ang mga nagtitinda sa mga kalye ng JL De Guzman, Biagtan, Frianeza, Golea, at Rizal na nakapalibot sa Mangaldan Public Market.

Layunin ng pagpapatupad ng ordinansa na masig**o ang kaligtasan at kalinisan ng mga pangunahing kalsada, bigyang-daan ang maayos na daloy ng trapiko, at tiyakin na makakadaan ang mga emergency vehicles gaya ng bumbero sa oras ng pangangailangan.

Mariin namang ipinaalala ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno sa grupo na maging magalang at mahinahon sa pagsusulong ng nasabing road clearing operations at isaalang-alang ang kapakanan ng nakararami. (๐‘ด๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’ ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ถ)

Address

2nd Floor, Public Information Office, Mangaldan Municipal Hall, Rizal Avenue
Mangaldan
2432

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share