07/09/2026
|| Nagsagawa ang FPA Central Visayas ng Coordination Meeting kasama ang mga National Government Agencies (NGAs), Provincial Government of Bohol, Office of the Provincial Agriculturist (OPA), Municipal Agriculture Offices, at iba pang agricultural stakeholders noong Agosto 26, 2026 sa Tagbilaran City, Bohol. Dinaluhan ito ng 100 kalahok.
Tinalakay ang mga programa at agricultural updates, gayundin ang FPA regulatory policies, presyo ng abono, at responsableng paggamit ng abono at pestisidyo.
Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon para sa mas maagap na suporta at teknikal na serbisyo sa mga magsasaka at fisherfolk.