BJMP Mandaue City Jail-Male Dormitory

BJMP Mandaue City Jail-Male Dormitory Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BJMP Mandaue City Jail-Male Dormitory, Public & Government Service, Sitio Dunggoan, Brgy. Basak Mandaue City, Mandaue City.
(1)

07/08/2026

𝗠𝗖𝗝𝗠𝗗, π—žπ—”π—•π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π—£π—”π—šπ——π—œπ—₯π—œπ—ͺπ—”π—‘π—š π—‘π—š 𝟯𝟱 𝗧𝗔𝗒𝗑 π—‘π—š 𝗕𝗝𝗠𝗣

Bilang bahagi ng paghahanda sa paggunita ng ika-35 Anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology, isinagawa ng Mandaue City Jail Male Dormitory ang pagkakabit ng anibersaryong tarpaulin.

Isang simbolo ng ating patuloy na dedikasyon, pagkakaisa, at paninindigan sa pagbibigay ng makatao at mahusay na serbisyo para sa bayan.






07/08/2026

π—¦π—”π—•π—”π—¬π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—œπ—¦ π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—•π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π—£π—”π—šπ——π—œπ—₯π—œπ—ͺπ—”π—‘π—š π—‘π—š π—œπ—žπ—”-𝟯𝟱 π—”π—‘π—œπ—•π—˜π—₯𝗦𝗔π—₯𝗬𝗒 π—‘π—š 𝗕𝗝𝗠𝗣

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 Anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Mandaue City Jail – Male Dormitory (MCJMD) sa isinagawang Sabayang Paglilinis na naglalayong itaguyod ang kalinisan, pangangalaga sa kapaligiran, at pagpapanatili ng ligtas at maayos na pasilidad ng piitan.

Sa diwa ng β€œOne BJMP, One Mission,” sama-samang kumilos ang mga tauhan upang linisin, ayusin, at pagandahin ang kapaligiran ng pasilidad. Ipinapakita ng gawaing ito ang patuloy na pangako ng MCJMD na mapanatili ang isang malinis at ligtas na lugar para sa kapakanan ng mga tauhan at mga Taong Pinangangalagaan ng Batas (PDL).

Higit pa sa simpleng paglilinis, ang inisyatibang ito ay sumisimbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at dedikasyon sa pagtupad ng mandato ng BJMP sa ligtas na pangangalaga at pagpapaunlad sa mga PDL habang pinatitibay ang ugnayan sa komunidad.




𝗠𝗖𝗝𝗠𝗗 π—‘π—”π—šπ—£π—”π— π—”π—Ÿπ—”π—¦ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—žπ€ππ”π‡π€π˜π€ππ† 𝗣π—₯π—’π——π—¨π—žπ—§π—’ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—–π—˜π—Ÿπ—˜π—•π—₯𝗔 π—‘π—š πŸ―πŸ±π—§π—› 𝗕𝗝𝗠𝗣 π—”π—‘π—œπ—•π—˜π—₯𝗦𝗔π—₯𝗬𝗒Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-35...
07/08/2026

𝗠𝗖𝗝𝗠𝗗 π—‘π—”π—šπ—£π—”π— π—”π—Ÿπ—”π—¦ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—žπ€ππ”π‡π€π˜π€ππ† 𝗣π—₯π—’π——π—¨π—žπ—§π—’ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—–π—˜π—Ÿπ—˜π—•π—₯𝗔 π—‘π—š πŸ―πŸ±π—§π—› 𝗕𝗝𝗠𝗣 π—”π—‘π—œπ—•π—˜π—₯𝗦𝗔π—₯𝗬𝗒

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 Anibersaryo ng BJMP, matagumpay na isinagawa ng Mandaue City Jail – Male Dormitory (MCJMD) ang Livelihood Product Display noong 03 Agosto 2026, mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Tampok sa nasabing aktibidad ang pagkamalikhain, dedikasyon, at mga natatagong talento ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Pinangunahan nina JO1 Waldato, JO1 Obtiar, JO1 Tiro, at JO1 Avila ang makabuluhang aktibidad na nagsilbing plataporma upang maipakita ang iba’t ibang produktong pangkabuhayan na nilikha ng mga PDL. Binigyan nito sila ng pagkakataong maibahagi ang kanilang mga kasanayan sa komunidad at maipakita na posible ang positibong pagbabago sa pamamagitan ng determinasyon, pagsisikap, at patuloy na suporta.

Sa buong panahon ng aktibidad, aktibong pinamahalaan ng mga WD JNORs ang product display, tumulong sa mga bisita, nagbahagi ng kuwento sa likod ng bawat gawang-kamay na produkto, at ipinaalam kung paano nakatutulong ang mga programang pangrehabilitasyon ng BJMP sa paghubog ng kakayahan, pagpapatibay ng tiwala sa sarili, at paghahanda ng mga PDL para sa mas produktibong buhay matapos ang kanilang pananatili sa piitan.

Bawat pagbili at pagpapakita ng suporta ay naging paalala na ang rehabilitasyon ay hindi lamang tungkol sa pagwawasto ng nakaraanβ€”ito ay tungkol sa pagbibigay ng mga pagkakataon tungo sa mas maayos at mas magandang kinabukasan.






06/08/2026

πŒπ€π˜πŽπ‘ π‰πŽππŠπˆπ„ ππ€πƒπ€π˜πŽπ 𝐍𝐆𝐀 π†πˆ-ππ‘π€π˜πŽπ‘πˆπƒπ€πƒ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†ππ€π‹πˆπ†-𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐄𝐀𝐂𝐄 𝐀𝐍𝐃 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐒𝐀 π’πˆπ˜π”πƒπ€πƒ

Padayon nga gimonitor ni Mayor Thadeo β€œJonkie” Ouano ang pagpalig-on sa peace and order sa siyudad pinaagi sa pagsiguro nga napatuman ang mga proyekto ug programa sa dakbayan ubos sa pakigtambayayong sa kapulisan.

Atol sa pagbisita ni Mandaue City Police Office (MCPO) Director Police Colonel Cirilo Acosta Jr. uban ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Mandaue Male Dorm Jail Superintendent Jessie James Gingoyon, karong adlawa, Hulyo 31, ilang nahisgutan ang ilang nahimo nga mga lakang sa pagsiguro nga mamintinar ang kahapsay ug seguridad sa siyudad.

Gipadayag ni PCol. Acosta nga mas gipalapdan niya ang police visibility sa pipila ka mga barangay sa siyudad aron masiguro nga walay ilegal nga kalihokan nga musulod sa dakbayan. Padayon usab nga nagmonitor ang kapulisan sa posible nga mga hulga nga maoy makadala og kagubot sa komunidad.

Mapasalamaton usab si Mayor Jonkie sa kapulisan sa kanunay nga pagsiguro nga luwas ug hapsay ang siyudad.

Gisiguro ni Mayor Jonkie sa kapulisan nga adunay umaabot nga mga ekipo nga itanyag ang siyudad alang sa maong ahensya aron mas mapalapadan ug mupaspas ang pag responde sa kapulisan panahon sa ilang operasyon o emerhensiya.

Gawas sa paghatag og report kabahin sa peace and order sa siyudad, gipaila-ila usab ni PCol. Acosta ang bag-ong Deputy Head sa MCPO nga si PCol. Randy Caballes nga maoy mukupot sa Administrative and Disciplinary Department sa maong ahensya.

Misaksi usab sa panagtigom ni Mayor Jonkie ug sa mga kapulisan si Executive Secretary Atty. Riczen Gingoyon. (BR,NB)

06/08/2026
05/08/2026

π—‘π—”π—šπ—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—š π—£π—˜π—₯π—œπ— π—˜π—§π—˜π—₯ π—œπ—‘π—¦π—£π—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘

Nagsagawa ang mga tauhan ng Mandaue City Jail – Male Dormitory ng isang masusing Perimeter Inspection na pinangunahan ni SJO4 Felix G Del Castillo III, Chief Security and Control, kasama si SJO2 Julius C Lacia, Hospital Es**rt and Assistant Gate Supervisor.

Layunin ng inspeksyon na masuri ang kalagayan ng perimeter ng pasilidad, matukoy ang mga posibleng kahinaan sa seguridad, at matiyak na nananatiling epektibo at maayos ang lahat ng umiiral na hakbang sa seguridad. Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bureau na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at disiplinadong pasilidad sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpapatibay ng mga hakbang sa seguridad.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa at gabay ni City Jail Warden JSUPT JESSIE JAMES C GINGOYON, na patuloy na nagtataguyod ng disiplina, kahandaan, at kahusayan sa pagpapatupad ng mga programa at operasyon sa seguridad ng piitan.

"Laging Mapagmatyag, Laging Handa, Laging Ligtas."







05/08/2026
05/08/2026

π—₯π—”π—‘π—ž π—œπ—‘π—¦π—£π—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ | π— π—”π—‘π——π—”π—¨π—˜ π—–π—œπ—§π—¬ π—π—”π—œπ—Ÿβ€“π— π—”π—Ÿπ—˜ 𝗗𝗒π—₯π— π—œπ—§π—’π—₯𝗬

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng mataas na antas ng disiplina at propesyonalismo, isinagawa ni JSUPT JESSIE JAMES C GINGOYON, City Jail Warden ng Mandaue City Jail–Male Dormitory, ang Rank Inspection sa lahat ng personnel ng himpilan.

Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang wastong pagsusuot ng uniporme, tamang insignia ng ranggo, at mahigpit na pagsunod sa mga pamantayan ng Bureau. Ang gawaing ito ay nagpapatibay sa kultura ng disiplina, kahandaan, at pananagutan ng bawat kawani sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko.

Disiplina sa Ranggo. Integridad sa Serbisyo. Kahusayan sa Paglilingkod.







04/08/2026

Address

Sitio Dunggoan, Brgy. Basak Mandaue City
Mandaue City
6014

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BJMP Mandaue City Jail-Male Dormitory posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share