CMCES Library

CMCES Library Hi
Welcome to CMCES E-Library.

04/02/2026
Thank you dear stakeholders for visiting our school library today.02/04/26
04/02/2026

Thank you dear stakeholders for visiting our school library today.
02/04/26


04/08/2025

Kumusta mga bata!
Naalala niyo pa ba ang Ama ng Wikang Pambansa? Sino ba siya?

03/08/2025

Sino ang wika nito?
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda'

02/08/2025

Ang Agosto ay buwan ng Wikang Pambansa.
Ano ang pambansang Wika ng Pilipinas?

Bakit nga ba?
02/08/2025

Bakit nga ba?

๐—˜๐—› ๐—•๐—”๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š ๐—ก๐—” '๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง'?

Ang August ay ang ikawalong buwan sa Gregorian calendar. Bago pa mang tawaging August, tinawag muna itong 'Sextilis' sa lumang Roman calendar. Ang Sextilis ang ikaanim na buwan sa ten-month calendar ng sinaunang Romano na nagsisimula sa buwan ng March. Naging ikawalong buwan ang August nang idinagdag ang mga buwan ng January at February bago ang March noong 700 B.C. sa ilalim ni King Numa Pompilius. Binubuo lamang ng 28 na araw ang August noon bago ito dagdagan ng dalawa pang araw ni Julius Caesar sa kanyang Julian calendar noong 46 B.C.

Ang buwan ng August ay ipinangalan ng Roman Senate ang buwan ng August mula kay Roman Emperor Augustus Caesar o si Octavian, ang kauna-unahang emperador ng Roman empire. Si Augustus ang namuno sa Roma matapos paslangin si Julius Caesar. Bilang emperador, nireorganisa niya ang Roma. Ipinatupad niya ang sistema ng pagbubuwis at sensus, pinalawak ang mga kalsada, pinatatag ang pundasyon ng kasal, at muling isinabuhay ang ilang mga kasanayang pangrelihiyon. Pinalawak niya rin ang imperyo hanggang sa Egypt, Spain, at gitnang Europa. Pumanaw si Augustus noong 14 CE.

Encyclopedia Britannica. August. Retrieved from https://www.britannica.com/topic/August-month

National Geographic. Caesar Augustus. Retrieved from https://education.nationalgeographic.org/resource/caesar-augustus/

19/04/2025

๐—•๐—”๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—š ๐—ก๐—” '๐—š๐—ข๐—ข๐——' ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—ข๐—— ๐—™๐—ฅ๐—œ๐——๐—”๐—ฌ?

Sa tradisyong Kristiyano, ang Good Friday o Biyernes Santo ay ang ikaanim araw ng Semana Santa o Holy Week. Ito ang Biyernes bago ang Pagkabuhay ni Hesukristo na ipinagdiriwang tuwing Easter Sunday. Ginugunita tuwing Biyernes Santo ang pagpapahirap at pagpapakasakit ni Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus (crucifixion). Buhat pa noong unang panahon ng Kristiyanismo, ginugunita ang Good Friday bilang araw ng paghihinagpis, pag-aayuno, at pagpepenitensya. Bukod sa Good Friday, tinatawag din ito bilang Great Friday, Great and Holy Friday, o Black Friday. Ngunit bakit nga ba tinatawag na โ€˜goodโ€™ ang Biyernes na nagpakasakit at namatay si Hesus?

Ayon kay Fiona MacPherson, senior editor ng Oxford English Dictionary, ang โ€˜goodโ€™ sa Good Friday ay nangangahulugang โ€˜banalโ€™ (pious o holy). Ang โ€˜goodโ€™ ay tumutukoy sa araw o panahon na itinuturing na banal sa Simbahan, dagdag pa ng Oxford. Ayon naman kay Gabriel Radle, assistant professor of thelogy sa University of Notre Dame, literal na โ€˜goodโ€™ o mabuti ang selebrasyon ng Good Friday dahil ito ang araw na tinubos ni Hesus ang kasalanan ng sangkatauhan at ito ang dahilan ng pagdiriwang ng mga Kristiyano sa Pasko ng Pagkabuhay (Easter). "๐˜Š๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ด. ๐˜๐˜ต'๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฅ'๐˜ด ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ด, ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ช๐˜ต'๐˜ด ๐˜ข๐˜ญ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ด, ayon kay Radle. "๐˜๐˜ต'๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ซ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต'๐˜ด ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ค๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ, ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ. ๐˜›๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต'๐˜ด ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฅ'๐˜ด ๐˜จ๐˜ช๐˜ง๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ญ๐˜ฅ, ๐˜ธ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ค๐˜ฉ ๐˜ง๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ด ๐˜ง๐˜ถ๐˜ญ๐˜ง๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ณ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ.โ€

Naniniwala naman ang The Catholic Encyclopedia, base sa lathalain nito noong 1909, na nagmula ang Good Friday sa โ€˜Godโ€™s Fridayโ€™, bagamaโ€™t wala itong basehan ayon sa ilang mga dalubhasa sa wika. โ€œ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ,โ€ ayon kay University of Minnesota professor Anatoly Liberman. โ€œ๐˜•๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ญ๐˜บ ๐˜ฆ๐˜น๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜–๐˜น๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฅ ๐˜Œ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฉ ๐˜‹๐˜ช๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜บ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฐ๐˜ง๐˜ง ๐˜ข๐˜ด ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฅโ€™๐˜ด ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ, ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏโ€™๐˜ต ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ๐˜บ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฆ๐˜ต๐˜บ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ๐˜บ,โ€ segunda naman ng linguist at lexicographer na si Ben Zimmer.

Ano't ano pa man ang orihinal na pinagmulan ng terminong 'Good Friday', tunay ngang napakabuti ng araw na ito dahil ipinakita ni Hesukristo ang kanyang pagmamahal sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagtubos sa ating mga kasalanan.

Bradshaw, William. (March 28, 2013). Why Do We Call It 'Maundy Thursday' and 'Good Friday?" Retrieved from https://www.huffpost.com/entry/why-do-we-call-it-maundy-thursday-good-friday_b_2955751

Mendoza, Jordan. (April 6, 2023). What is the meaning of Good Friday? Why is it called Good Friday? What to know about the holiday. Retrieved from https://www.usatoday.com/story/news/nation/2023/04/06/good-friday-menaing-what-to-know/11607176002/

Pirani, Fiza. (April 3, 2023). Why is it called Good Friday and whatโ€™s so good about it? Retrieved from https://www.ajc.com/lifestyles/holiday/why-called-good-friday-and-what-good-about/IbL2ESnudYKRWV6UhxtiyK/

Wickman, Forrest. (April 19, 2019). Why Is Good Friday Called โ€œGood Fridayโ€? Retrieved from https://slate.com/culture/2017/04/why-is-good-friday-called-good-friday-the-etymology-and-origins-of-the-holidays-name.html


Love itCTTO
19/04/2025

Love it
CTTO

November is reading month.Reading is the key of learning, so, let's pick a book, read and share stories with others. Hav...
11/11/2024

November is reading month.
Reading is the key of learning, so,
let's pick a book, read and share stories with others.
Have fun in reading!

Mag ingat ang lahat!
19/10/2024

Mag ingat ang lahat!

๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„: Tatlong Low Pressure Area o mga sama ng panahon na ngayon ang patuloy na binabantayan sa loob at labas ng PAR.

Ang LPA #1 na pumasok na ng PAR kaninang umaga, ang LPA #2 na nasa bahagi ng , at ang panibagong LPA #3 na nabuo.

Inaasahang magme-merge o magsasanib ang LPA #1 at LPA #3 at inaasahang tuluyang magiging ganap na bagyo next week.

Tatawagin itong โ€œ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐™„๐™‰๐™€" bilang local name.
Inaasahang tutumbukin nito ang kalupaan ng sa susunod na linggo.

Antabayan pa rin ang mga PAGBABAGO dito at ang mga susunod na update na ipalalabas.

19/10/2024

๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—”๐— ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ž๐—”

Alam mo bang ngayong araw, 437 taon na ang nakararaan, naganap ang kauna-unahang dokumentadong pagtapak ng mga Filipino sa Amerika? Ito ang makasaysayang pagdaong nila sa Morro Bay sa California, Estados Unidos lulan ng Nuestra Seรฑora de Buena Esperanza (Our Lady of Good Hope) bilang bahagi ng Kalakalang Maynila-Acapulco.

Si Pedro de Unamuno ang naging kapitan ng paglalayag makaraang pumanaw sa Maynila ang unang kapitan nitong si Kapitan Francisco Gali. Mula Maynila, naglayag sina Unamuno, kasama ang ilang sundalo, mga Filipino, at mga Pransiskanong pari kabilang na si Padre Martin Ignacio de Loyola, patungong Macao. Mula Macao, naglayag sila pa-Silangan noong July 12, 1587 patungong Acapulco.

Makalipas ang higit tatlong buwan na paglalayag sa Karagatang Pasipiko, natanaw nila ang isang kalupaan at doo'y tumigil pansamantala upang mangalap ng panggatong, at kumuha ng tubig at makakain. Dito na naganap ang unang pagtapak ng mga Filipino sa Amerika - sa Morro Bay, California.

Dumaong ang grupo nina Unamuno sa Morro Bay at sinimulang maggalugad. Inangkin nila ang kalupaan sa ngalan ng hari ng Espanya. Pagsapit ng October 20, dito nila nakadaupang-palad ang mga native American Indian na naninirahan sa lugar. Kinuha ng mga katutubo ang ilang kasangkapan ng mga manlalayag, at sinubukang bihagin si Padre Loyola. Nagsibalikan sa barko ang mga 'dayo' at dito na nagpalipad ng mga sibat ang mga katutubo. Isang Filipino at Espanyol ang nasawi. Nilisan nina Unamuno ang Morro Bay noong October 21, at narating ang Acapulco, Mexico noong November 22, 1587.

Bilang pag-alala sa kaganapan, idineklara ang buwan ng Oktubre bilang Filipino-American History Month. Isang palatandaan din ang inilagay sa Morro Bay bilang paggunita sa makasaysayang pagtapak ng mga Filipino sa Amerika.

San Lorenzo Ruiz
19/10/2024

San Lorenzo Ruiz

๐—ฆ๐—œ ๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ญ๐—ข ๐—ฅ๐—จ๐—œ๐—ญ ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—จ๐—ก๐—”-๐—จ๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—ข

October 18, 1987. Idineklara ng Simbahang Katolika, sa pangunguna ni Pope John Paul (ngayoโ€™y Saint John Paul II) si Lorenzo Ruiz bilang Santo, kasama ang iba pang kapwa martir, sa kanoninasyong ginanap sa Saint Peterโ€™s Square sa Vatican City. Si Ruiz ang kauna-unahang Filipino na idineklarang Santo ng Simbahan.

Isinilang noong 17th century mula sa Tsinong ama at Filipinang ina, nagsilbi si Ruiz bilang sakristan sa murang edad sa Binondo Church. Nang akusahan ng mga Espanyol sa salang pagpatay, nilisan ni Ruiz ang Pilipinas sa tulong ng mga paring Dominikano. Naglayag si Ruiz patungong Okinawa, Japan. Laganap ang pang-uusig ng Tokugawa Shogunate sa mga Kristiyano nang marating ni Ruiz ang Japan. Dahil dito, siya ay inaresto at ipiniit. Si Ruiz, kasama ang iba pang mga misyonaryo, ay pinahirapan hanggang sa kitilin sa pamamagitan ng pagbitin noong September 1637. Sa kabila ng pang-uusig at pagpapahirap sa kanya, hindi itinakwil ni Ruiz ang kanyang pagiging tapat na Kristiyano. Ayon sa mga tala, sinambit ni Ruiz ang โ€˜๐˜Œ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ข๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ถ๐˜ด ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ ๐˜ฆ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฎ ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ. ๐˜š๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ท๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฎ, ๐˜ค๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ฆ๐˜ช ๐˜ฐ๐˜ง๐˜ง๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฎ.' (I am a Catholic and wholeheartedly do accept death for God; Had I a thousand lives, all these to Him shall I offer.)โ€™ bago siya bawian ng buhay.

Bagamaโ€™t nakarating sa kaalaman ng mga Espanyol at kanilang pinapurihan ang pagkamartir ni Ruiz, kakaunting kaalaman lamang ang kanilang nababatid at hindi na gumawa pa ng hakbang ang mga ito upang ilakad ang pagiging โ€˜Santoโ€™ ni Ruiz. Taong 1977, inilakad ng General Chapter of the Dominican Order sa Vatican City ang pagiging Santo ni Ruiz gamit ang detalyadong tala ng pagkamartir ni Ruiz sa Japan. Noong 1981 nang ideklarang โ€˜Blessedโ€™ ni Pope John Paul II si Ruiz nang siya ay bumisita sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahang beatification na isinagawa sa labas ng Vatican. Matapos makumpirma ang paghihimala ni Ruiz, idineklara siyang Santo ni Pope John Paul noong 1987. Ipinagdiriwang ang kapistahan ni Ruiz tuwing September 28.

Address

Mandaue City
6014

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639672417948

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CMCES Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CMCES Library:

Share

Category