Mandaluyong City Traffic and Parking Management Department

Mandaluyong City Traffic and Parking Management Department Mandaluyong City Traffic and Parking Management Department

09/04/2026
02/04/2026
01/04/2026

VISITA IGLESIA SA MANDALUYONG

Sa mga nananampalataya, isama ang mga kaibigan at buong pamilya na mag-Visita Iglesia ngayong Mahal na Araw sa mga Simbahang Katoliko sa Lungsod ng Mandaluyong.

Narito ang ilan sa mga simbahan na maaari ninyong bisitahin:

๐Ÿ“SAN FELIPE NERI PARISH CHURCH
Boni Avenue, Barangay Poblacion

๐Ÿ“PARISH OF OUR LADY OF THE ABANDONED
E. Pantaleon Street, Barangay Hulo

๐Ÿ“OUR LADY OF FATIMA PARISH CHURCH
Liko Street, Barangay Highway Hills

๐Ÿ“ARCHDIOCESAN SHRINE OF THE DIVINE MERCY
Maysilo Circle, Barangay Plainview

๐Ÿ“SACRED HEART OF JESUS PARISH CHURCH
Welfareville, Barangay Addition Hills

๐Ÿ“SAN ROQUE DE MANDALUYONG PARISH
San Roque Street, Barangay Barangka Ilaya

๐Ÿ“SANTUARIO DE SAN JOSE
Buffalo cor. Duke Streets, East Greenhills, Barangay Wack-Wack

๐Ÿ“ST. DOMINIC SAVIO PARISH CHURCH
Pag-asa Street, Barangay Pag-asa

๐Ÿ“ST. FRANCIS OF ASSISI PARISH
St. Francis Street cor Shaw Boulevard, Barangay Wack-Wack

๐Ÿ“VILLA SAN MIGUEL โ€“ ARCHBISHOPโ€™S HOUSE
Shaw Boulevard, Barangay Pleasant Hills

Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na maging makabuluhan, mapayapa, at puno ng pagpapala ang paggunita ng bawat mananampalatayang Mandaleรฑo sa Mahal na Araw.

01/04/2026
๐Ÿš— PAALALA PARA SA KALIGTASAN NG PAMILYA AT LAHAT NG MOTORISTA ๐ŸšฆSa bawat biyahe, ang kaligtasan ay hindi dapat isantabi. ...
01/04/2026

๐Ÿš— PAALALA PARA SA KALIGTASAN NG PAMILYA AT LAHAT NG MOTORISTA ๐Ÿšฆ

Sa bawat biyahe, ang kaligtasan ay hindi dapat isantabi. Ang pagsusuot ng seat belt ay isang simpleng hakbang na may malaking naitutulong upang maprotektahan ang buhay ng driver at ng lahat ng sakay ng sasakyanโ€”bata man o matanda, sa unahan man o likurang upuan.

Ang tamang pag-iingat sa loob ng sasakyan ay hindi lamang pag-iwas sa multa, kundi pagpapahalaga sa sariling kaligtasan at sa kapakanan ng mga mahal sa buhay. Sa mga biglaang preno, banggaan, o hindi inaasahang pangyayari sa kalsada, ang seat belt ay maaaring maging pagitan ng buhay at kapahamakan.

๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ Paalala mula sa Mandaluyong City Traffic and Parking Management Department (CTPMD):
Ang pagsunod sa batas trapiko ay responsibilidad ng bawat motorista at pasahero.

๐Ÿ›ฃ๏ธ Road Safety is Everyoneโ€™s Responsibility.
Mag-seat belt. Maging responsable. Umuwi nang ligtas.






๐Ÿš— BAGO BUMIYAHE, MAG-BLOWBAGETS MUNA! ๐Ÿ›ฃ๏ธAng ligtas at maayos na biyahe ay nagsisimula sa tamang paghahanda. Bago umalis,...
01/04/2026

๐Ÿš— BAGO BUMIYAHE, MAG-BLOWBAGETS MUNA! ๐Ÿ›ฃ๏ธ

Ang ligtas at maayos na biyahe ay nagsisimula sa tamang paghahanda. Bago umalis, ugaliing isagawa ang BLOWBAGETS check โ€”
Baterya, Ilaw, Langis, Tubig, Preno, Hangin ng gulong, Gasolina, kondisyon ng makina, mga gamit sa sasakyan, at ang kalagayan ng driver.

Ang simpleng pagsusuring ito ay malaking tulong upang maiwasan ang aberya at aksidente sa kalsada. Tandaan, hindi lang sasakyan ang dapat handaโ€”dapat handa rin ang driver: sapat ang pahinga, maayos ang kalusugan, at responsable sa pagmamaneho.

๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ Paalala mula sa Mandaluyong CTPMD: Ang ligtas na biyahe ay nagsisimula sa disiplinadong paghahanda.

๐Ÿ“Œ Road Safety is Everyoneโ€™s Responsibility.
Maging responsable. Maging handa. Maging ligtas.





30/03/2026
30/03/2026
27/03/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž: Para sa lahat ng PUJ Drivers sa Marikina, Pasay, at Mandaluyong City.

Upang masiguro ang mabilis at maayos na pamamahagi ng Cash Relief Assistance sa mga ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—จ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐˜† ๐—๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ๐—ป๐—ฒ๐˜† (๐—ฃ๐—จ๐—) Drivers sa ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†, at ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†, narito ang mga panibagong schedule ng mga kinauukulang lokal na pamahalaan.

Ang payout schedule para sa lahat ng PUJ sa ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ at ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜† ay gaganapin sa ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

Narito ang listahan ng mga sumusunod na beneficiaries:

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ - https://drive.google.com/file/d/1EHMhiYOTdDDC4QEkYyoyYAusUtY8FgrD/view?usp=drive_link

๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜† - https://drive.google.com/file/d/17KG9KJRDBF_Iv4vfbzvrz7mGQQUdnpvq/view?usp=drive_link

Ang payout schedule naman para sa lahat ng PUJ sa ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ay gaganapin sa ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿฏ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

Narito ang listahan ng mga sumusunod na beneficiaries:

๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด - https://drive.google.com/file/d/14i_5ReFGpRjQbJkjY3QiXUBN5FvFXVAO/view?usp=drive_link

Mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat na sundin ang kanilang nakatakdang schedule upang maiwasan ang siksikan, at kung maaari ay huwag nang magdala ng sariling sasakyan upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko at mas mapabilis ang proseso.

Pinapayuhan ang lahat na patuloy na tumutok sa mga susunod pang update at anunsyo mula sa LTFRB kaugnay ng listahan at schedule ng mga benepisyaryo ng Cash Relief Assistance.



Address

Maysilo Circle Boni Avenue
Mandaluyong
1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mandaluyong City Traffic and Parking Management Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share