01/06/2026
๐๐ข๐-๐ ๐ ๐๐๐, ๐๐ก๐๐๐จ๐ก๐ฆ๐๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ง๐๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก; ๐ ๐๐๐๐๐๐ง ๐ญ.๐ฎ ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ก๐๐ฅ, ๐ง๐๐ฅ๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐จ๐ก๐๐๐๐ก
Inilunsad ng Department of Health โ Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang malawakang Ligtas Tigdas campaign sa National Capital Region (NCR) bilang bahagi ng pinaigting na hakbang ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga bata laban sa sakit na Tigdas at Rubella.
Isinagawa ang paglulunsad ng kampanya ngayong ika-1 ng Hunyo, 2026 sa Muntinlupa City Sports Complex na dinaluhan ng mga ibaโt ibang opisyal ng DOH, lokal na pamahalaan ng Muntinlupa, partner government agencies, at iba pang stakeholders.
Layunin ng kampanya na mabakunahan ang nasa 1,200,428 milyong bata na edad 06-59 buwan o wala pang limang taong gulang sa Metro Manila sa pamamagitan ng Supplemental Immunization Activity (SIA) na isasagawa sa mga itinakdang fixed at temporary fixed vaccination posts sa ibaโt ibang lungsod at munisipalidad sa rehiyon.
Paliwanag ng DOH-MMCHD, ang kampanyang ito ay mahalagang hakbang upang mapataas muli ang immunity ng mga bata laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna, lalo na sa patuloy na banta ng sakit na measles sa ilang lugar sa bansa.
โHindi simpleng sakit ang tigdas. Maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon gaya ng pulmonya, pamamaga ng utak, pagkabulag, at maging kamatayan, lalo na sa mga batang hindi bakunado. Sa pamamagitan ng Ligtas Tigdas campaign, nais nating tiyakin na bawat batang Pilipino ay may sapat na proteksyon laban sa sakit na ito,โ pahayag ni DOH-MMCHD Regional Director Lester Tan.
Ipinaliwanag ng ahensya na ang mga pagbabakuna ay isinasagawa sa mga designated fixed posts gaya ng health centers, barangay vaccination sites, piling ospital, paaralan, at iba pang vaccination areas na itinakda ng mga lokal na pamahalaan upang maging mas accessible sa publiko ang serbisyo.
Bukod sa pagbabakuna, magbibigay din ng Vitamin A Supplementation at pinapaigting din ng DOH-MMCHD ang information drive at community engagement upang mahikayat ang mas maraming magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Nanawagan din ang DOH-MMCHD sa mga magulang at tagapag-alaga, lalo na sa mga nagdadalawang-isip pa ukol sa bakuna, na makiisa sa kampanya para sa kaligtasan ng kanilang mga anak at ng buong komunidad.
Hinimok din ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na vaccination post sa oras na magsimula ang immunization activities sa kanilang lugar.
Patuloy namang tiniyak ng DOH-MMCHD na handa ang rehiyon sa implementasyon ng kampanya sa tulong ng mga local government units, healthcare workers, at partner agencies upang matiyak ang maayos, ligtas, at mabilis na pagbabakuna sa buong NCR.