03/09/2026
IN PHOTOS | 01 September 2026
๐๐๐-๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
-----------------
MANDALUYONG CITY โ Matagumpay na isinagawa ang dalawang (2)-araw na Training of Trainers (ToT) para sa Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS), sa pangunguna ng DMW โ Migrant Workers Capacity Development Division (MWCDD), para sa mga kawani ng DMW-NCR mula noong Agosto 29 at Setyembre 01.
Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaunlad ang kaalaman, kakayahan, at kasanayan ng mga kalahok upang maging mas epektibo silang tagapagsanay at tagapagbigay ng impormasyon sa publiko, partikular sa mga indibidwal na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas maihahanda ang mga aspiring Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga proseso, oportunidad, responsibilidad, at mga hamong maaari nilang harapin sa paghahanap at pag-a-apply ng trabaho sa ibang bansa.
Dinaluhan ang aktibidad ng DMW-NCR Regional Director Atty. Falconi โAceโ Millar, na nagbigay ng suporta sa naturang inisyatiba. Tampok din sa pagsasanay ang mga masigasig na resource speakers na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan, sa pangunguna ni MWCDD Chief Elizabeth โBethโ Mirabueno at OIC-Director IV ng Pre-Employment Government Placement Bureau Atty. Mary Grace Quilente.
Sa ikalawang araw ng aktibidad, nakiisa rin sina RTU University President Dr. Ma. Eugenia Yangco at Dr. Magno M. Quendangan, Vice-President for Research, Innovation, and Extension Services, na nagpaabot ng kanilang mensahe ng suporta at pakikiisa sa mga mag-aaral at kalahok ng programa.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang mga katagang โ๐๐ฉ๐จ๐ญ ๐ข๐ญ. ๐๐ญ๐จ๐ฉ ๐ข๐ญ. ๐๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ข๐ญ.โ bilang gabay sa ligtas at matalinong paghahanap ng trabaho sa ibang bansa at sa pagtukoy at pag-uulat ng mga insidente ng iligal na recruitment.
Isinagawa ang ikalawang araw ng programa sa Rizal Technological University (RTU) โ Boni Campus, kung saan higit isandaang graduating students ang nakilahok sa PEOS. Nabigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga proseso at dapat isaalang-alang bago magdesisyong magtrabaho sa ibang bansa.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng PEOS, patuloy na isinusulong ng DMW-NCR ang pagbibigay ng tama, napapanahon, at kapaki-pakinabang na impormasyon upang matulungan ang mga magiging OFWs na makagawa ng mga responsableng desisyon at maging mas handa sa kanilang paglalakbay tungo sa ligtas, legal, at marangal na pagtatrabaho sa ibang bansa.